Kabanata 29

600 17 1
                                        

"Catainy, ikaw ang fiance ko. Sa 'yo ako nag-propose, kaya ikaw ang papakasalan ko."

"Pero..."

Hinawakan niya ang kabilang kamay ko habang isang kamay niya ay marahan na hinahaplos ang pisngi ko.

"Yung kay Huena hindi ko masasabing fiance ko siya. Unang una, hindi ako ang may gusto sakaniya, si Daddy. Gusto niya na mag-asawa na ako para ako na ang mamahala sa kaharian. Kahit ilang beses kong ipaliwanag sakaniya na ayukong magpakasal sa iba dahil ikaw ang gusto ko makasama habang buhay. Pero hindi siya nakikinig sa akin at hindi siya naniniwalang buhay ka pa."

Hawak na niya ang magkabilang kamay ko.

"Pangalawa, hindi ako puwede ma-engage o magpakasal sa iba hangga't engage pa ako sa 'yo. Kaya hindi valid ang engagement namin ni Huena."

"Wala naman tayong katunayan na engage tayo. Ni wala ka ngang binigay na singsing sa akin."

"Hindi naman mahalaga ang singsing. Basta mahal natin ang isa't isa at pumayag ka sa proposal ko ay sapat nang katunayan 'yon." Sabi niya at bigla nalang sumimangot.  "Ayaw mo na bang magpakasal sa akin?"

"Ha?"

"Parang kasing sinasabi mong ituloy ko ang pagpapakasal kay Huena."

"Of course not!" Inis na sabi ko. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa at saka ako niyakap.

"Catainy... Mahal na mahal kita."

Bahagya akong natigil sa sinabi niya.

"Subrang mahal na mahal kita. Mahal na mahal."

Bahagya akong napangiti at niyakap din siya pabalik.

"Patawarin mo ako sa inasta ko kanina. Nadala lang ako ng selos at takot. Takot na baka tuluyan ka ng mawala sa akin."

Inilayo niya ako sakaniya. Nag-angat ako ng tingin sakaniya.

"For how many years, ngayon lang ulit tayo nagkita. Kaya natatakot ako na baka wala ka ng nararamdaman para sa akin. Kaya kanina noong nalaman kong may fiance ka at malapit ka ng ikasal, natakot ako."

Hinaplos niya ang kabila kong mukha at hinalikan ako sa noo ko.

"Catainy, do you trust me?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Then you don't need to worry. Kahit gaano pa tayo katagal na magkahiwalay o magkita, ikaw parin ang mamahalin ko. Ikaw parin ang pipiliin at papakasalan ko."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap nalang siya.

Hindi ako makapaniwala na sa tagal na panahon na hindi kami nagkita ay ganoon pa din ang nararamdaman namin sa isa't isa. Ito na ata ang sinasabi nilang tadhana.

"What are you doing here, by the way?" Tanong niya. Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa isang bench. We are holding hands.

"Nagkaroon lang ng kaunting sagutan sa pagitan namin ni Alaina."

"Alaina? Is she the girl from before? Yung ka-roommate niyo?"

"Oo"

"I see... Sakaniya ka pala sumama."

Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi siya. Parang kasing may laman ang sinabi niya.

"I'm sorry"

Nakangiti siyang lumingon sa akin.

"No, Honey. Please don't apologized." He said and he caress my face

"No Alviroz. I choose them over you--that I regretted for so long."

Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon