Pagtapos namin mag-ayos ng sarili ni Akeya, lumabas na kami papunta sa labas ng university. Naabutan namin sila Alviroz doon.
"Catainy" sinalubong agad ako ng yakap ni Alviroz.
"Jusmiyo! Ayan na naman sila" reklamo ni Akeya.
"Bro, yung puso ko nabasag ata." Ma-dramang sabi ni Ezhan kay Alzem. Iiling-iling lang naman si Alzem sakaniya.
"Hali na nga kayo" Aya ko sa kanila.
Naglakad lang kami papunta sa city. Malapit lang naman at saka worth it din ang paglalakad dahil may mga nadaanan kaming magagandang lugar. Nang makarating kami sa plaza naabutan namin ang mga taong abala sa mga kani-kanilang ginagawa. Nagsimula na kaming mag-libot. May mga street vendors na kung ano-ano ang mga binibenta. Mga gamit sa bahay, mga pang-personal at mga puwedeng ipang-regalo at mga pangpasalubong. Sinubukan din namin ang mga street food.
"May nakalimutan pala akong bilhin." Sabi ko.
Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa may bench dito sa parang park.
"Sasamahan na kita" Sabi ni Alviroz.
"Hindi na. Saglit lang naman ako"
"Are you sure?"
"Yeah"
Umalis na ako at pumunta sa isang street vendor. Nadaanan na namin 'to kanina at may pumukaw sa atensyon ko. Isang necklace na may aquamarine stone pendant. It's so pretty. Binili ko 'yon at agad ng bumalik kung nasaan sila Alviroz. Pero hindi pa ako nakakalayo sa pinagbilhan ko nong kuwentas, nang makasalubong ko si Alaina. May dalawa siyang kasama. Isang babae at isang lalaki.
"Alaina" tawag ko sakaniya.
"Princess--I mean Zi"
"Napuntahan mo na ba yung dapat na pupuntahan mo?" Tanong ko.
"Uh... Oo, napuntahan ko na, kaya napagdesesyonan ko na maglakad-lakad ngayon."
"Ganun ba? Uhm... Aayain sana kita na sumama sa amin, pero may kasama ka naman na, kaya next time nalang."
"Uh... Hhm."
"Sige, see you later"
"Uh Zi"
"Hmm?"
Hindi ko natapos sasabihin ko when someone hit my nape that makes me black out. Nagising nalang ako nang may bumuhos na malamig na tubig sa akin.
"Gising ka na?"
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa nagsalita.
"A-Alaina..."
Napatingin ako sa may likuran ko nang hindi ko maangat ang kamay ko. Nakatali ang mga braso, katawan at paa ko sa silyang inuupuan ko.
"Alaina, what's the meaning of this?"
"Don't worry princess, papakawalan ka din naman namin e. You just need to answer my question."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Why did you betrayed us?"
"W-What? Anong sinasabi mo?"
"Sumama ka kay king Merlion, at ngayon nakikipagrelasyon ka kay prince Alviroz?"
"Anong masama doon?"
"Lahat! Lahat princess Zitania! Ang pagsama sa hari ng Merlion, ang pakikipagmalapit sa mga tao at lalong lalo na sa pakikipagrelasyon sa tao!" Galit na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/373442946-288-k709309.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 8)
AcakBlaire Roxel, an assasin who got another chance to live again but in another world. A new world and a new new life.