--Hey guys! I recommend you to listen Stomach tied in knots by sleeping with sirens while reading this chapter . Enjoy ^_^
Lily's POV
May bagay din na kahanga hanga kay Yulesis , alam mo yung tipo na kahit minsan unpredictable siya , hindi parin talaga maikukubli sa pagkatao nya na mabuti siyang tao. Kaya naman nakokonsensya ako kasi ang tanging dahilan ko lang naman kung bakit ako nag-apply na secretary nya ay para maibestigahan siya kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Lianne. Pero napaka mapanghusga ko pala ,dahil wala talagang bakas ng kasamaan si Yulesis at ilang beses ko na ring napatunayan kung gaano niya minahal ang kapatid ko.
"Lily"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at doon na lang lumakas ang tibok ng puso ko.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Nagkataon lang siguro. Mahilig ka pala sa kape." , sabay ngiti nya na kasabay ang pagguhit ng mga biloy nya sa kanyang pisngi na nakapagdadagdag ng kisig sa kanyang mukha.
Tumango na lang ako at binigyan ko ng atensyon ang pagkain sa harap ko. Naiilang talaga ako sa kanya.
"Order lang ako. Pwede bang makisalo sayo? Ayoko kasing aksayahin ang pagkakataon na to Lily"
Hindi ko talaga alam yung isasagot ko. Kung o-Oo ba ko o tatanggi sa kanya. Pero dahil ibinaba na rin niya yung gamit niya doon sa upuan wala na kong nagawa kundi sumang-ayon na lang.
Hay nako Lily ! Pakipot ka pa -_-
Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko at napangiti na lang ako dahil matagal ko na ring hindi siya nakasama at nakita man lang.
Si Haye .
Ang lalaking mahal mahal ko.
Pagkalipas ng ilang minuto , nandito na siya sa harap ko at magiliw na nakangiti sakin.
"Lily. Kamusta ka na?"
Tinignan ko siya at simple lang akong sumagot . "Mabuti naman"
"Ang galing ng tadhana no? Out of the blue nakita kita. Bakit nga pala hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?"
"Busy ako" , tumingin ako sa malayo para hindi niya mahalata na umiiwas lang talaga ako.
"Lily. Gusto ko na mag-usap tayo ng masinsinan."
This time seryoso na yung tono ng pananalita nya na nakapukaw saking atensyon kung kaya't tinignan ko siya. Seryosong seryoso ang mukha niya , at ang mga mata niya , talagang nangungusap.
"Tungkol saan"
"Sating dalawa"
Napalunok ako sa sinabi niya. Ano ba ang dapat kong gawin? Magsinungaling na hindi ko na siya mahal o aminin ang katotohanan?
"Ha?" , pag-mamaang maangan ko.
"Lily , ako na siguro ang pinakatangang tao pag pinagdamutan ko ang sarili ko na sumaya. At ayokong hindi ko maramdaman yung saya , na tanging sayo ko lang naman talaga nararamdaman"
Aww. Tagos sa puso ko ang mga salita na yon. Pakiramdam ko , bakas na bakas na niya sa mukha ko yung pamumula ng mga pisngi ko dahil nag-iinit talaga yung mukha ko dahil kinkilig ako.
"Lily, noong una pa lang alam kong mahal kita. Ang tanga ko nung pinakawalan kita. Lily , hindi ko maitanggi sa sarili ko yung katotohanan na mahal na mahal kita. Lily , mahal na mahal kita"