----- PROLOGUE -----
Starting with our rivalry with courting this beautiful angelic girl named Alicia Vercosa. She was lovely, shining like a brilliant diamond, but her role to our story was much more significant than her physical appearance. Our story begins with her.
Rivals to lovers; cliché dahil sobrang common. Hindi naman laging nagsisimula sa magandang samahan ang bawat relasyon. May mga nabubuong tiwala sa isa't-isa bago maging bukas sa pagtanggap sa isa't-isa. You just need to have something in common, despite being so different, as a catalyst for that bond.
Ito ang simula ng kwento namin...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
ALICIA
Nakakainis ang ganda ko! Sobrang nakakainis! Hindi ako nagmamayabang, purong katotohanan lamang.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. I'm Alicia Vercosa; hindi ako ang bida ng kwentong ito, pero may mahalaga akong papel dito, huwag kang umangal.
Ako ang pinakamagandang babae sa buong school, I'm being humble, kaya, hindi ko pinapalawak yung area. Pruweba? Hanapin niyo sa lahat ng mga lalaki, tomboy, bisexual, at stalkers ko na nagkakandarapa sa akin. Eme!
"Ako ang bagay sa kaniya."
"Ako ang bagay! Tignan mo nga yang mukha mo, mukha kang tipaklong."
"Kesa naman, sayong mukhang garapata!"
"G*** ka ah!"
Nasa harap ko ngayon ang dalawang manliligaw ko, na literal na pinag-aawayan ako. Like, my beauty is really at a level beyond Everest. Huiyyyyy!!! Si Ate, yabang ng slight.
"Ako si Hugo Aries Robin, anak ng may-ari ng school na ito. Alamin mo ang lugar mo."
"Ano ngayon kung ikaw ang anak? Hindi naman ikaw ang mismomg may-ari!"
"Pwede kitang ipatanggal dito. Expelled, at blacklisted pa sa ibang schools."
"Aba! Alicia narinig mo, umaasa sa tatay niya. Hindi kayang tumayo sa sariling paa. Ayos lang yan baby ha, spoil ka lang ni Daddy!"
"Aba, g*** ka ah!"
"Ano!"
"Oy, oy, oy, oy!" agad ko silang pinaghiwalay dalawa
Malapit nang suntukin ni Hugo tong si Art, palibhasa parehong pikunin. Sapo-sapo ko na ang ulo ko kanina pa dahil sa sakit mula sa dalawang to. Pinag-aawayan nila kung sino bang dapat kong sagutin at maging boyfriend.
Well, pareho naman silang gwapo, pasok sa standards ng kahit na sino. Pero, personality-wise, parehong sakit sa ulo ng kahit na sino. Magugulo at hindi alam ang salitang "peace". And to be frank, wala akong gusto sa kanila. May mga katangian akong hinahanap na wala tong dalawang ito!
Bumuntong hininga ako. "Kayong dalawa." panimula ko. "Gusto niyong malaman kung sinong pipiliin ko?"
"Oo." sabay nilang sagot
Sino bang pipiliin ko sa kanilang dalawa, eh wala naman sa kanila ang gusto ko. Ano bang pwede kong gawin? Nag-isip ako with my beautiful brain. Buti sana kung magiging alalay ko na lang sila diba?
OMG! Biglang may dumaloy na idea sa utak ko. That could work; may plot twist ding magaganap!!! Grabe, my brain provides talaga! Shems, bilis ng processing.
"Okay, ganito. May kondisyon ako bago ako pumili. Okay ba?"
"Ano yun?" agad na tanong ni Art. "Kahit na alam kong ako naman ang pipiliin mo, gagawin ko pa rin."
"Wow, feeling!" buwelta ni Hugo
"Oh! Eto ang kondisyon!" singit ko agad bago pa magkaroon ng gulo. "Susundin niyo ang lahat ng gusto ko. Yun lang."
Tumaas ang mga kilay nila. "Yun lang?" sabay nilang tanong. Tumango ako. "Sige!"
Ngumisi ako. Sisiguraduhin kong titigilan na nila ako sa gagawin ko. Bawat utos ko, isang hakbang pupunta sa kalayaan ko mula sa dalawang ito. Goodbye stress and peg ko after this!
"Maghanda kayo." saad ko
Nagkatinginan silang dalawa at parang may kuryenteng lumalabas at naglalaban sa pagitan nila. Grabe sa tulis ang mga titig nila— parang may nakikita akong something!
Maghanda talaga kayo. Hindi naman kayo maghihirap, pero lulubayan niyo rin ako. dahil may twist.
This is the best decision. And written will be a new story for THE RIVALS
BINABASA MO ANG
THE RIVALS
Teen FictionGrade 12 student Hugo Aries Robin is one of the hottest heartthrobs in the school, and so is his rival, Art Lyle Cartagena Growing bonds is hard yet also easy; how about rekindling lost bond turned to hatred to love? The story that started with riva...