22

13 1 0
                                    

HUGO

"Sino to?" taas-kilay na tanong ni Zeke, parang isang nanay na nahuli ang anak na nagtatago ng candy sa ilalim ng unan

"Hi, babe." nasa mukha ni Art ang isang ekspresyong makikita lamang sa isang taong guilty

At anong "hi babe" ang pinagsasabi niya?

"Akala ba namin hindi kayo, akala ba namin hindi kayo magka-live in?" parang nanay na tanong ni Zeke

P*****-***! Bakit hindi siya nagtago!

Hindi ako nagpakita ng kahit na anong kaba, pinakalma ko ang inis ko bago pa mapunta sa galit.

Kumawala si Art sa pagkakahawak ni Kiel at lumapit siya sa akin. Pinandidilatan niya ako na para bang sinasabing makisama na lang ako.

"Okay, aamin na kami." inakbayan ako ni Art, napatingin ako duon at pabalik sa kaniya. "Kaming dalawa na talaga." sabi niya

Hindi lang silang tatlo ang nagulat, lalong-lalo naman ako! Kailan naging kami? May ligawan bang nangyari, may nag-effort ba sa aming dalawa? Sinuyo niya ba ako? Ni wala nga akong feelings sa kaniya eh... Diba? OO, wala akong nararamdaman... Ata? WALA! ZERO!

Meron pala... May tinatago akong nararamdaman para kay Art at hindi ko ito mapigilan...

SOBRANG INIS NA INIS AKO SA **P** NA NAKAAKBAY SA AKIN NGAYON!

"Diba Hugo? Tayo na." may pahiwatig niyang sabi, pinandidilatan niya pa ako ng mata

Tumango ako. Bahala na, lagot na lang siya sa akin mamaya! "Pasensya na. Hindi ko lang kasi kayang aminin. Kami na." sabi ko, at para naman umayon sa gusto ni **p**, hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya

"Mahal na mahal namin ang isa't-isa." ngnitian ko nanaman siya sa sinabi niya maski mata ko ay ngumingiti na

Tinignan namin silang tatlo.

"Paano?" di makapaniwalang tanong ni Kiel

"Kailan?" Zeke

"Weh?" Jake

Napatingin kaming apat kay Jake. "Anong weh?" tanong ni Kiel

"Ano? Ako lang ba ang hindi naniniwala? I mean, sa dami ng mga palabas na napanood ko, Rom-Com, BL, K-Dramas, C-Dramas, karamihan dun may ganitong eksena. Nung sinabi nilang sila na, wala man lang akong naramdamang legitness at love sa tono nila. At kung titignan niyo naman, nakaakbay si Art kay Hugo, pero may space in between? Kung sila talaga, parang nai-glue ang katawan nila at hindi yung napaka-awkward. At parang mga hindi niyo kaklase at kaibigan yung dalawa. Makikita mo naman sa actions nila kung nagsisinungaling sila. Hindi sila, promise. May chemistry lang sila, naguumapaw, pero hindi sila magjowa." umiling si Jake matapos niyang sabihin ang lahat ng yun

Ilang beses kaming napakurap. Nagkatinginan kami ni Art, nagsitaas ang mga kilay namin. Tumango kami sa isa't-isa na para bang nagkakaroon kami ng kasunduan nang hindi nagsasalita.

Bumitaw kami sa isa't-isa. "Tama si Jake." napatingin sila sa akin. "Hindi kami ni Art."

"Pero-" Kiel

"Nakisama lang ako." Art. "Sasabihin ko sanang kami na nga, at hihilingin sa inyong isikreto yun, tapos paplanuhin namin yung "fake break-up" naming dalawa kapag nakaalis na kayo, after siyempre akong bugbugin ni Hugo." tumingin siya sa akin pero umiwas agad nang tignan ko siya ng masama

"So hindi kayo?" Kiel

Umiling kaming dalawa. Tumango silang dalawa ni Zeke at mukhang kumbinsido na.

"Oh diba." nakangising-aso ngayon si Jake

"Kung hindi kayo, bakit kayo magka-live in?" Zeke

"Hindi kami magka-live in." agad kong bwelta

"Pinalayas kasi ako ng ate ko sa bahay namin. Nagpahanap ako kay Mama ng bagong matutuluyan, ang akala ko sariling unit ko ang makukuha ko, pero makikitira lang pala ako." paliwanag ni Art

"Nagkasunduan kasi si Dad at nanay ni Art, mukhang si Dad na ang nag-offer. So long-story short, hindi kami magjowa at roommates lang kami." saad ko

Tumango si Zeke at Kiel.

"So, paano niyo naaatim ang tumira sa iisang unit? Puro ba kayo bangayan?" Jake

Nagkatinginan kami ni Art. Pareho kaming napangiti sa isa't-isa. "Actually, hindi. Ayos rin siyang kasama, parang biglang nawala yung persona namin sa school at naiwan lang sa school."

"Yeah. Bukod sa maliit na alitan at competitiveness naming dalawa, peaceful naman kami dito. No problems." Art

"Yet..." natawa kami sa dagdag ni Kiel

Kumunot ng onti ang noo ko nang mapatingin si Jake sa amin. Para bang may nakita siyang hindi namin nakikita. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa amin ni Art.

"Ayos ka lang Jake?"

Tumango siya kahit na parang hindi. Mas lalo akong nagtaka nang ngumisi siya. "Ayos lang, sobrang ayos." sabi niya at tumango-tango

-----

"Sana naman hindi namin kayo makita next semester na puro sugat at pasa." pang-aasar ni Zeke

"OA." Art

"Sige na." sinamahan na namin sila sa may pintuan

"Kailangan niyo pa rin itong isikreto. Okay?" paalala ko

Tumango silang tatlo. "Don't worry, nakakandado ang mga labi namin." Kiel

Napangiti ako sa sinabi niya. Nagpaalam na sila sa amin.

"That went well." sabi niya

"Yeah. Hahaha!" agad kong siniko sa dibdib si Art

"Aray! Ok!" sapo-sapo niya ang dibdib niya at iniinda ang sakit

"Bakit hindi ka nagtago?"

"Kahit naman na magtago ako, malalaman pa rin nilang may nakatira duon. Hindi ko naman maitatago yung mga gamit ko sa loob, wala akong oras."

"Tss! Bakit hindi mo na lang ni-lock?" natahimik siya. "Hindi mo naisip?"

Tumingin siya sa akin ng may guilty-smile. Napailing na lang ako.

I guess, salamat na lang kay Jake. Kundi dahil sa kaniya, hotseat kami hanggang ngayon. Disaster averted!

JAKE

Hindi naman siguro ako nagkakamali diba? I mean, hindi ako mali na hindi nga sila. Halata namang hindi sila magjowa.

Pero alam ko talaga yun eh! Alam ko kung ano yung nakita ko... yung tingin at ngiti na yun... I know! Pamilyar na ako duon!

"Huy! Anong iniisip mo?" tinapik ako ni Zeke

Umiling ako. "Wala." sabi ko

"Iniisip niya na naman nung hindi siya sinipot sa mall." pang-aasar ni Kiel

Inikot ko na lang ang mata ko nang magtawanan silang dalawa. "Hindi ko na yun iniisip, nakalimutan ko na simula nung prinoblema natin yung kina Hugo at Art." sabi ko

"Ahhh..." sabay nilang reaksyon. "Sabagay, mas interesting nga naman sila kesa sa hindi ka siputin ng ka-date mo." sabi ni Kiel

*ding

Pumasok kami sa elevator. Napangiti na lang ulit ako nang maalala ang nakita ko...

Hindi nga sila magjowa ni Art, pero hindi ibigsabihin nun... Imposible.

HUGO

Napatingin ako kay Art dahil sa nakakailang buntong-hinga na siya.

"Ano bang problema mo?"

"Paano kung dumagdag na naman ang problema natin? Parang superheroes na sunod-sunod ang mga kinakalabang villains?"

"OA! Huwag mong problemahin, pati ako nai-stress. Manahimik ka jan!"

Bumuntong-hinga na naman siya at parang batang padabog umupo sa sofa.

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon