2

23 3 0
                                    


Napatingin kami sa likod ng babae nang may lumabas na lalaki, mukhang mas matanda sa amin, mukhang cafeteria staff din siya.

"Nay, hindi pa po tapos yung Pork Adobo. Yung Chop Suey naman hindi pa nauumpisahan. Pati yung yung mga brownies hindi pa tapos ma-bake pero malapit na. Yung cupcake, hindi pa nagagawa yung icing. Ise-serva pa ba natin?" nag-aalalang tanong niya

"Ano? Pambihira naman oh! Malapit nang dumami ang mga bata!"

Eureka! Nagkatinginan kaming dalawa ni bwisit, at parang pareho kami ng naiisip.

"Marunong po akong magluto." pagmamayabang ko

"Magaling po ako pagdating sa desserts." si pesteng pa-bida

"Pero..." nag-aalangan pa rin siya

"Parami na po mamaya ang mga estudyante. Kayo rin po ang mahihirapan." Ako

"Sige na ho, pumayag na kayo." pangungumbinsi rin ng **p**

"Hay. Sige na nga! Pero kami na ang magse-serve ng mga estudyante. Tumulong na lang kayo sa kusina, kami nang bahala dito."

"Yun!"
"Ayos!"

Nagkatinginan kaming dalawa, pero agad din namang naghiwalay ang tingin namin. Pinapasok na kami ng babae. Agad kaming kumilos dahil hindi na kaya ng oras ang pagbubunganga namin ng **p** nato.

"Tutulong silang dalawa, bilis na at wala nang tanong pa." sabi ng babae. "Linda, Samahan mo akong magserve ng mga estudyante habang abala sila dito." pagtatawag ng matanda

Mabuti na lang at nakahanda na ang mga ingredients. Pang-maramihan talaga ang dapat kong lutuin. Kumpara sa desserts, dapat ay mas mauna akong matapos. Pinainit ko ang gagamitin kong palayok. Naririnig ko na ang mga boses ng mga estudyante sa labas ng kusina.

Napatingin ako sa isang malaking stainless na kaldero na nasa taas ng apoy. "Anong laman nito?" tanong ko sa katabi kong nagluluto

"Nilagang manok, para sa Chop Suey. Kanina pa namin nilalaga para madali na lang siyang himayin." sagot niya

Manok? Ibig-sabihin ay Chicken Chop Suey ang lulutuin namin. Tumango ako. Mukhang mas mapapabilis nga ito. Napatingin ako sa pwesto niya nung marinig ko ang blender, napangisi na lang ako.

Paunahan na nga oh!

3RD

Abala ang lahat ng nasa kusina, ngunit wala ni isa sa kanila ang may oras para mataranta at maabala sa mga gawain nila. Nagsimula na ngang pumila ang mga estudyante.

"Nasaan po yung Pork Adobo at Chop Suey na kasali sa menu?" tanong ng estudyanteng nasa pangalawa ng mahabang pila

"Ah, pasensya na, hindi pa kasi ready yung Chop Suey dahil kinulang kami sa tao. Pero yung Adobo, patapos na." sabi ng matandang babaeng nagpapasok sa magkaribal

Sakto namang bumukas ang pintuan ng kusina, lumabas ang lalaking dala-dala ang isang malaking kaldero. "Ito na po yung Adobo."

Nagliwanag ang mukha ng babae at na-enganyo naman ang mga estudyante. "Balikan niyo na lang mamaya yung Chop Suey at dessert kapag handa na." sabi ng babae sa bawat estudyanteng mapapadaan

Sa loob ng kusina, busy ang dalawang lalaki sa kani-kanilang gawain. Habang niluluto ni Hugo ang Chop Suey, katatapos lang gawin ni Art ang strawberry icing na gagamitin nila sa limampung cupcakes na naghihintay.

"Patulong naman." pagsuyo niya sa mga staff na wala nang ginagawa

Sa tulong nila, natapos malagyan ang mga cupcakes, kailangan na lang budburan ng sprinkles. Natapos ang cupcake, agad nila itong inilabas para maihain sa mga estudyante

"Naku, salamat naman." sabi ng babae. "Eh yung Chop Suey at Brownies?" tanong niya sa nagdala ng mga cupcake

"Hahati-hatiin na lang po yung brownies, tatanungin ko na lang po yung assigned sa Chop Suey." sagot niya

"Sige, salamat."

"Patapos na ba yung Chop Suey?" tanong ng lalaki

"2 more minutes." sabi ni Hugo sa lalaki

Inulat niya sa babae ang sagot ni Hugo.

"Yung mga gusto po ng Chop Suey, dalawang minuto na lang po. Pumila na lang po kayo dito, pati na rin po yung mga gusto na ng dessert." anunsyo niya sa mga bata

"Tapos na ang Chop Suey/Brownies." sabay na anunsiyo nina Hugo at Art

Sa pilahan, si Alicia na ang sumunod, habang binibigyan siya ng pagkain ay nagtanong siya. "May dalawang estudyante po bang nag-volunteer na tumulong dito?"

"Ay oo. Mabuti nga at hindi sila umalis, kay-babait na mga bata. Mas mabilis natapos ang lahat." halata sa mukha ng babae ang labis na tuwa at kaginhawaan sa pagdating ng dalawang binata

Tango lang ang tinugon ni Alicia at isang ngisi ang gumuhit sa mukha niya.

HUGO

"Salamat sa inyong dalawa." ani ng matandang babae

"Walang anuman po." sabay na sabi ng dalawa

"Sige na, kumain na rin kayo. Matagal pa naman bago mag-umpisa ang klase niyo." sabi ng matanda. "Oo nga pala, maraming nagustuhan yung Chop Suey mo, ubos na ubos. Ang galling mo pa lang magluto."

Napangiti na lang ako. Napatingin ako sa katabi ko at pinagmamayabang ang papuri sa akin ng babae. Inikutan niya lang ako ng mata.

"Ikaw din, masyado silang nasarapan sa cupcake. May mga gusto pa nga ng marami eh, kaso nga lang 50 lang yung nagawa namin."

"Ay naku po. Hindi naman po nila magugustuhan yun kung hindi rin masarap yung cupcake. Bigyan niyo rin po ng credit yung gumawa." mapagkumbabang turan niya

Wow... May mabuti pala siyang ugali? Kala ko puro pa-porma at angas lang.

"Ahahaha! Sige na, kumain na kayo. May mga natira pa duon."

Tumango na lang kami. Kumuha ako ng tray at kumuha ng ulam. Ubos nga talaga yung Chop Suey. Napangiti na lang ako.

Tinignan ko ang katabi kong kumukuha rin ng ulam. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo sa pinakamalapit na mesa. Sinundan ko siya ng tingin nung umupo siya sa harap ko.

"Bakit ka nandito?"

"Kasi mesa to?"

"Ibig kong sabihin, bakit sa parehong mesa ko, at sa harap ko pa?"

"Alangan namang umupo ako sa ibang mesa, pareho tayong magmumukhang timang na kumakain ng mag-isa. Huwag ka nang umangal, kumain ka na lang."

Inikutan ko na lang siya ng mata at nagsimulang kumain. Wala na ang mga estuyante sa loob, halos lahat sila ay nasa field or sa mga hallways na pakalat-kalat lang. Pinapanood ko na lang sila habang kumakain, kesa naman sa isang masamang espiritu ang titigan ko, mawawalan pa ako ng gana kahit na masarap tong pagkain.

"Kailan ka natutong magluto?" bigla niyang tanong

"Pake mo?" agad kong buwelta

Bumuntong-hinga na lang siya at umiling. Binalik ko ang tingin ko sa labas. Sumulyap ako ng tingin sa kaniya, kagaya ko ay nakatingin lang rin siya sa mga estudyante.

"Kailan ka natutong magbake?" bigla ko na lang na tanong

"Pake mo?" walang pakundangan niyang balik

Oo nga naman... Pake ko ba?

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon