30

11 1 0
                                    

HUGO

Sumunod na kami sa grupo matapos akong i-comfort ni Art. Nasa pinaka-likod lang kaming dalawa habang tahimik na sabay maglakad. Nakakakita ako ng mga pasulyap-sulyap ng mga kakalase ko sa amin, pero hindi ko na pinansin.

Tamang-tama si Art, malakas ang tama niya. Dapat hindi ko dinadala ang problema sa bakasyon. This is now a sacred sanctuary, I'm at peace.

Inenjoy na namin ang stay namin sa Farm resort, dahil for lunch daw ay pupunta kami sa isang locally recommended na kainan dito.

Pumunta kami sa museum kung saan makikita yung mga sinaunang farming tools na ginamit ng mga taga-nayon nuon bago sila gumamit ng machines. Nagawa rin naming magtanim ng palay at nagpakain ng kabayo. Nilibot na namin yung buong lugar.

Talagang enjoy kami paglabas ng resort. Usap-usapan pa rin sa mga kaklase ko yung mga tools na nakita namin pagpasok sa bus. Palibhasa hindi nakikinig sa AP teachers nung Grade 9.

Paupo na sana ako sa tabi ni Donny nang unahan ako ni Alicia. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Dito na ako uupo. Dun ka sa far away." sabi niya at pinaalis ako

Wala man lang sinabi si Donny at ngumiti lang pabalik kay Alicia. Mukhang may gusto nga siya kay Alicia, patay na patay yung Top Student.

Naghanap ako ng empty seat, umupo na lang ako sa likod. "Oh, bat dito ka?" napatingin ako sa katabi ko. Si Jake pala.

"Inagawan ako ni Alicia ng pwesto." maikling sagot ko

Nakita kong pumasok si Art. Umupo siya sa harap ko, mukhang hindi niya ako napansin.

"All right everyone! Nandito na ba ang lahat?"

Nagsigawan ang mga kaklase ko. "Nakita mo ba si Hugo?" rinig kong tanong ni Art

Lumapit ako sa tabi niya at kinalabit siya. Nang lumingon siya, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ngumiti lang ako. Ngumiti rin siya pabalik. "Anjan ka pala, kala ko naiwan ka na."

"Sa gwapo kong to, maiiwan?"

"Anong connect?"

"Gwapo ako, hindi ako iniiwan, ako yung nang-iiwan." pabiro kong sabi

"Ha ha ha. Yabang amp." pareho kaming bumungisngis

Bumalik na ako sa pagkakasandal sa upuan ko nang may ngiti sa labi. Napatingin ako sa pwesto ni Alicia, napakunot ako nang makita ang malaking ngisi sa labi niya. Pinagsawalang bahala ko na lang at tumingin sa labas ng bintana.

----------

Nakaramdam ako ng pagyugyog. Dumilat ako para makita kung sinong gumising sa akin.

"Gising na, nandito na tayo." aniya Art

Tumingin ako sa paligid, pababa na ang mga kaklase namin sa bus, at wala na rin si Jake sa tabi ko.

Tumayo ako at bumaba na rin kami sa bus. Nilibot ko ang paligid. Nasa parking space kami, pero nakikita ko mula dito ang malawak na field sa likod ng malaking resto.

"Tagal niyo!" angal ni Kiel nang makita kaming dalawa. "Bilis, order na para makakain na tayo. Kakagutom yung farm."

Umupo kami sa table na niresserba nila Kiel, kinuha ko yung menu at tinignan kung anong mukhang masarap. "Masarap yata yung sisig nila." tumingin ako kay Art na nakatingin sa isang table na sisig ang inorder

"Ano sainyong dalawa?" tanong ni Zeke

"Dalawang pork sisig, walang kalamansi yung akin." sagot ko

Nginitian lang ako si Art at tumango lang ako pabalik. Habang hinihintay ang order namin, nakatitig lang ako sa kawalan. "Ayos ka lang?" tumingin ako kay Art. "Kanina ka pa tulala..."

Bumuntong-hinga ako. "Inaantok pa ako." garagal kong saad

"Pwede ka namang umidlip, mukhang matatagalan pa yung order natin." pinaharap niya ang braso niya sa akin. "Gawin mo na munang unan tong braso ko."

Huminga ako ng malalim. Dahil sa antok, talagang sineryoso ko na ang sinabi niya. Niayakap ko ang braso niya at pinikit ang mga mata ko.

ART

Nakatukod ang ulo ko sa kaliwang kamay ko, pinagmamasdan ko lang si Hugo na umidlip sa braso ko. Hindi ko na maalis ang paningin ko sa kaniya, baka kasi biglang dumulas ang ulo niya at mauntog siya sa mesa.

"Titig na titig?" napatingin ako kay Kiel. Kumunot ang noo ko. "Titig na titig ka kay Hugo, pag yan natunaw..."

Umiling na lang ako sa sinabi niya. "Nag-aalala lang ako, baka mauntog siya"

"Ahhh okay..." sabi niya at pangising umalis sa kinauupuan niya

Masama bang mag-alala sa isang tao? Especially if...

Naalerto ako nang biglang gumalaw si Hugo, umupo siya ng mabuti at kinusot ang mga mata niya. Naramdaman ko ang pagtaas ng gilid ng labi ko, para siyang batang kagigising lang sa isang mahabang tulog.

"Meron na ba yung order natin? Parang ang tagal kong naidlip." sabi niya

"Wala pa. and 7 minutes ka pa lang umidlip."

Tumingin siya sa akin. "Paano mo nasabing 7? Nag-timer ka ba?"

Napakurap ako. "Ah, hindi. Tinignan ko lang yung orasan dun." sabi ko at tinuro ang malaking orasan sa pader. Tumango-tango lang siya

Napabuntong-hinga na lang ako. Hayp, muntikan nang mabuko...

HUGO

Dumating na ang order naming dalawa, sa amin yung pinaka-matagal dumating dahil siguro sa daming ng kapareho namin ng order.

Napasimangot ako nang makita ko ang kalamansi sa gilid ng platter ko. "Sabing walang kalamansi." angal ko

Napatingin ako sa kamay na kumuha ng kalamansi ko. "Ayan, huwag ka na magtampo..." sabi ni Art at pinisil-pisil ang pisngi ko habang nakanguso

Inikutan ko na lang siya ng mata at nakangiting umiiling. Pinanood ko siyang ihalo ang dalawang kalamansi sa sisig niya na mas nagpalakas ng sizzling sound ng platter niya. Tumingin ako sa mukha niyang focus sa paghalo, hindi ko na namamalayang napangiti na lang ako.

Ewan ko sa sarili ko, pero hindi ako naiinis ngayon. Kung noon siguro ginawa niya yun, maaasar na ako, pero ngayon... Ngayon positive ang feedback ko... Imbis na asar o inis, galak ang nararamdaman ko pagdating sa kaniya. Ewan...

Hinalo ko na ang sisig ko at sumubo. Napatango ako at tumingin kay Art, na mukhang nasarapan din sa sisig niya. Nagkangitian kami nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Sarap?" tanong niya

Tumango ako. "Masarap."

"Sa tingin mo? Kaya mong lamangan?" mapanghamon niyang sabi

"Naman!" puno ng kumpiyansa kong tugon

Ngumiti kaming dalawa at pinagpatuloy ang pagkain.

Magulo at nag-iingay ang buong paligid namin, samantalang ninanamnam namin ni Art ang pagkaing pareho naming nagugustuhan.

Kukunin ko na sana ang pitchel nang maglapat ang kamay namin ni Art. Napatigil ako, nagkatinginan kaming dalawa. Naramdaman rin kaya niya yung parang kuryente?

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at kumawala sa hawak-kamay namin nang maramdaman ko ang kabog ng puso ko.

Ano to? Bakit sobrang lakas?

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon