43

9 2 0
                                    

Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit sa abot ng aking makakaya. Tumingin siya sa akin, at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya...

It's those sparkling eyes, yun ang dahilan. Sa unang pagkakataon na nagkaroon kami ng eye-contact, I already felt him luring me in, I felt myself letting me be lured in. And now, sobrang lalim na ng pagaalala ko sa kaniya.

I want to reassure him... That he's not alone. Gusto kong maramdaman niya na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya... Gusto kong alam niya na malakas siya, kung gaano niya ako pinalakas noong ako ang nag-aalala sa iniisip ni Dad. I... I-

I want him to know my feelings.

ART

"Yeah..." maiiksi kong komento

Parang may makapal na ulap sa ibabaw ko na hindi ko maalis kahit anong pilit ko. Natatakot ako na itakwil niya ako, tratuhin ako na parang hindi na niya anak at itaboy ako sa lahat ng mga mahal ko. Nababalisa ako sa tuwing naiisip kong alam ni Mama ang mga rumors tungkol sa amin ni Hugo.

How can I muster to be cheery. I can't.

Nawala ang lahat ng iniisip ko nang hawakan niya ang kamay ko. There's something about the way he's holding me, firm but gentle, that made me feel as if he was communicating to me in silence, na naiintindihan niya at nandito siya para sa akin both physically and emotionally. Ito ay higit pa sa isang hawakan; ang maliit, hindi gaanong kilos na iyon ay naglalaman ng aliw, konsiderasyon, at pakikiramay.

Bigla kong napagtanto na hindi ako nag-iisa dito gaya ng lagi niyang sinasabi at ramdam ko ang init at mahigpit niyang hawak. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya, I want to feel more of his grasp. This was more than just holding hands; this was an incredibly significant gesture.

"Art..." nginitian ko siya

"Thank you, Hugo. Despite our past, nandito ka. Things have drastically changed between us, no?" saad ko

Pagdating sa kaniya, now I really realize it. Hindi ko siya nagustuhan dahil sa influence ng mga rumors and fake news tungkol sa amin, matagal na talaga to. Baka nga yung pagiging rivalry namin, it was a result of me wanting to always interact with him. Hindi ko lang ito maipahayag ng maayos sa paraang naging magkaibigan na kami noong una pa lang, not as the so-called Rivals.

At lalo lang lumalala, na habang nakaupo ako dito sa tabi niya, kahit hindi niya nararamdaman, hulog na hulog na ako sa kanya.

"Hugo, gusto kita." I said it, I confessed

Nanlaki ang mata niya sa gulat sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at tinuon ang ang atensyon ko sa mga beer sa mesa. Maaaring dahil ito sa kapaligiran or sa beer; it could've been an impulse, ngunit hindi ko na ito napigilan.

Nadaig ako ng kakaibang pakiramdam ng pagkakalma at kagaanan. Mas magaan kaysa sa inaasahan ko, hindi ako nakakaramdam ng gulat o panghihinayang. Pero sa isang maikling sandali, tumingin ako sa kanya, bumalik ang kaba. Pumasok sa isip ko kung anong nagawa ko.

I confessed my feelings, to my friend, sa dati kong karibal sa isang babae, karibal ko sa maraming mga bagay. Nararamdaman ko na ang kabog ng puso ko, bumibigat yung damdamamin ko sa kaba. Sure, nawala na yung isip ko patungkol kay Mama, but this is much worst! I could ruin our friendship.

Agad akong tumayo sa hiya at naglakad patungo sa kwarto ko.

"I like you."

Napatigil ako sa paglalakad at dagliang napatingin kay Hugo. Nakaharap na siya sa akin at may ngiti sa labi.

"What?"

"Sabi ko, gusto kita. Balak ko sanang maunang mag-confess, pero naunahan mo ako. I guess we really are still competing, pero ikaw ang nanalo."

Is this real? Is he really confessing? I can't believe this! Wait, paano kung sampalin ko ang sarili ko, magigising na lang kaya ako? Wouldn't hurt...

Sinampal ko nang malakas ang mukha ko... At napamulagat ako sa malambot kong kama... WAIT! WHAT!!!?

Nilibot ko ang tingin ko sa madilim kong kwartong nasisinigan lang ng liwanag mula sa binatana ko, tumingin ako sa digital clock—ala sais na ng gabi... Sh*t! So panaginip lang lahat yun? No, I'm sure I asked Hugo to drink, then I said some things, then I think may sinasabi din siya... pero hindi ko na maalala... Blanko ang utak ko sa mga buong nangyari kagabi!

Binuksan ko ang ilaw. Now I'm sure, as I'm still wearing the same clothes, talagang nag-inuman kami... Pero hindi ako sigurado kung yung nagyaring aminan sa aming dalawa, totoo kaya yun? Gagi!

Kahit anong isip ko, I'm unsure. Maski ata sa panaginip ko, namamanifest na yung nararamdaman ko kay Hugo.

Lumabas ako, wala si Hugo. Wala akong makitang traces ng inuman namin sa sala... Napahawak ako sa ulo ko nang pumasok na ang hangover. It wasn't as bad as I expected, pero masakit! Napatingin ako sa kwarto ni Hugo nang lumabas siya.

"Art!"

"Hey..." maiksi kong bati

"Hangover?" tanong niya at nilapitan niya ako at inalalayan sa stool, saka ko lang napansin na may nakasalang palang pot sa stove. "Iinit ko lang tong arroz caldo."

Well that confirmed na uminom nga kami...

Tanging likod niya ang nakikita ko. What if totoo yung nangyari sa panaginip ko? Hindi panaginip... Did I really confess, tas nag-confess din siya? O talagang umangat lang yung kagustuhan kong maging mutual feelings kami?

I would, definitely, want that.

Hinain niya sa akin yung arroz caldo. As usual, masarap. Best arroz caldo ever, matik! Binigyan ko siya nang ngiti nang Tanungin niya ako kung nasarapan ba ako. "Masarap."

Habang naghuhugas siya, I can't really shake the thought. Mutual feeling ba kami? Oh ako lang ba talaga to? Ako lang yung nagkakagusto...

"Hugo..."

"Hmm?" hindi siya tumingin sa akin, nagtuloy lang siya sa paghuhugas.

Itatanong ko ba? Wala namang mawawala, I'll just play it safe. Itatanong ko lang kung anong nangyari after naming uminom.

"Anong nangyari nung uminom tayo?" napansin ko ang pagtigil niya. Sh*t! Paano kung may nagawa ako? "Did- did I do something stupid?"

Hindi siya nakasagot agad. Saka lang siya nagsalita nung nagpatuloy siya sa pagkukuskos ng pot. "Wala."

Binanlawan niya yung pot at humarap sa akin habang nagpupunas ng kamay. "Natamaan ka na agad ng alak, tas nakatulog ka. Dinala na lang kita sa kwarto mo. Pasensya na hindi kita nabihisan. Nagluto kasi agad ako..." sagot niya

So... nothing really happened. "Ganun ba?"

"Yeah."

"Thanks..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon