3

19 2 0
                                    


4:30 PM, naglilinis na kaming cleaners sa room. Sa kasamaang palad naman, kasama ko ang gamu-gamong pinepeste ang buhay ko. Nasa mga kani-kanilang areas naman ang iba naming kaklase.

"Hoy! Ikaw magpunas ng mga bintana." utos niya sa akin

"Bakit ako? Magwawalis at mag-aayos lang ng upuan ang role ko. Kayong dalawa kaya ni Rico ang naka-assign diyan." pagtanggi ko

Totoo naman, silang dalawa ang naka-assign diyan. Bakit sa akin niya ibibigay?

"Aba, masyado naman atang madali yang trabaho mo?"

"Oh bakit, yun ang in-assign sa akin ni leader eh. Bakit ba?"

"Diba ikaw ang anak ng may-ari ng school nato. Dapat maging obligasyon mo ring maging maayos ang school, lalong-lalo na ang classroom mo."

"Oo! Ako ang anak ng may-ari, kaya inuutusan kita, ikaw ang magpunas ng mga bintana, sabunan mo na rin."

"Bakit ako? Ikaw ang magpunas. Sa pamilya mo tong school diba?"

"Shareholder ang nanay mo! Dapat may obligasyon ka rin! Magpunas ka, pagbutihan mo."

"Shareholder lang siya, hindi siya ang may-ari."

"Wala akong pake! Ikaw ang maglinis, punasan mo."

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Tama na! Kami na ni Rico ang magpupunnas. Apaka-arte! Nakakarindi yang mga boses niyo!" pagalit na sita ni Donny, ang leader ng cleaners' group namin. "Ilabas niyo na yung mga bag nung iba, dun kayo sa labas nang hindi magdilim ang paningin ko sa inyo."

Agad kaming sumunod. Sa lahat ng mg estudyante dito sa school, siya lang ang kinakatakutan ko. Siya kasi ang top student sa buong school, kaya pabor na pabor sa kaniya ang lahat ng teachers, lalo na si Dad.

Kahit na anak ng may-ari o ng shareholder, walang laban sa kaniya dahil siya ang nagpapanatili ng magandang image ng school. Tanga na lang ang kakalaban sa kaniya...

"Ikaw kasi eh! Tamad!" pabulong na paninisi sa akin ni ****s

"Ako pa talaga, ikaw nga ang nag-umpisa." pabulong ko ring paninisi para hindi kami mapagalitan

Nilapag namin lahat ng mga bag sa sahig na walang pake kung nawalisan na ba o hindi. Inayos na namin ang mga upuan sa pwestong nalinisan na mula sa utos ni Donny. Kami na rin ang nagsarado ng mga bintana at nagtanggal sa pagkakatali ng mga kurtina.

Saktong dumating ang mga kaklase namin, kami na ang nagbawal sa kanila na pumasok pa dahil ayaw ni Donny na dumumi na naman ang sahig.

-----

Agad akong sumalampak sa sofa ko. Hindi ko alam kung alin sa mga ginawa ko ngayong araw ang nagnakaw ng enerhiya ko, ang dami eh! Nararamdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko, hinayaan ko na lang dahil wala naman na akong magagawa pa...

3RD

Habang naidlip si Hugo, sa kalagitnaan ng pagtulog niya, ilang beses tumunog ang cellphone niya. Dala ng kapaguran, hindi niya agad ito nakita.

Sa banda ni Alicia, hawak ang kaniyang cellphone, halata sa mukha niya ang isang ngising nagpapahiwatig ng isa na namang balak para sa dalawa niyang manliligaw.

Kagaya na lamang ni Hugo, animo'y lantang gulay si Art na nakahandusay ang kalahating katawan sa sahig ng kaniyang kwarto samantalang ang itaas ay nasa kama. At kagaya rin ni Hugo, hindi niya napansin ang mga tunog mula sa kaniyang cellphone na dulot ng pilyang si Alicia.

HUGO

Isang hikab ang kumawala sa bibig ko. "Hmm?" kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Bigla akong bumangon.

"Huy!" biglang gumapang sa katawan ko ang pagkataranta. "Mama!"

Kinapa ko yung mesa at hinanap ang cellphone ko. Agad ko itong in-on.

"P*****-***!" mura ko nang mapagtantong gabi na pala at hindi lang naka-on ang ilaw kaya ang dilim ng paningin ko

Nagshower ako at nagbihis ng pantulog. Nagluto na lang ako ng dalawang pancit canton para kainin (malamang...).

Bumalik ako sa sala at binuksan ang TV. Pinagpatuloy ko na lang ang pinapanood kong show sa Netflix. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito, binalewala ko na lang at tinuon ang atensyon ko sa TV.

Matapos kong kumain, agad akong naghugas ng plato, kinuha ko ang cellphone ko sa sala, pinatay ang mga ilaw, at dumiretso sa kwarto ko. Nagbrush ako sa sarili kong C.R at naghilamos.

Inunat ko muna ang katawan ko bago sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kadami ang notifications ko sa messenger.

"Rivals at My Command?" pagbasa ko sa isang group chat kung saan nanggaling lahat ng notifications. "Ano to?"

Tinignan ko ang mga members, napaangat ang noo ko nang makitang kaming tatlo nila Alicia at a****** ang nakalagay. Lahat ng 69 unread messages ay galing kay Alicia. Binasa ko mula sa una hanggang sa dulo niyang messages... Puro "Hi" lang

-Uy! Hugo, ikaw ang unang nakakita
ng mga message ko ah!

Oo, ako nga. Halata namang hindi pa nakikita ni a****** ang mga messages ni Alicia. Another win for me!

Ah, oo-

­-So, explain ko na lang tong GC nato.

-Ginawa ko itong GC na ito para sa ating
tatlo lang. Dito ko ibibigay ang mga
ipapagawa ko sa inyo.

-Huwag kayong mag-alala. Madadali
lang naman ang lahat.

-Ok.

Hmm? Online na si **p**.

-Kaya ko lahat ng ipapagawa mo, kahit
akyatin pa ang Mt. Everest!

Wow! **p** talaga! Pa-bida ang kolokoy.

-Wow naman! Gawin mo nga!

Natawa ako sa chat ni Alicia. Nag-haha react agad ako.

-Hahahaha... 😅

Ano ka ngayong **p** ka! Nagpapa-bida pa kasi, ngayong inuutos, parang tanga!

-Anyways. Mas magandang dito na tayo
mag-usap, lalo na kung walang pasok.
-Para mapadali, siyempre mga commands
na beneficial for me lang naman ang gagawin
niyo. Wala namang kayong angal no? Ready
pa rin kayo?

-Yes.

­ Opo-

-Nakumpirma ko na kaninang tumulong
nga kayo. Very good sa unang araw... 🎊

-Of course! Kayang-kaya sabi eh!

Naman! 💪-

-Ready na ba kayo para bukas?

-Always

Oo-

-Ang gusto ko. Wala ni isa sa inyo ang
pumansin sa akin buong lingo...

?????-

-Huh?

-Yes! Yun ang utos ko. Palayain niyo muna
ako. Huwag niyo akong papansinin buong
linggo. Deal?
-As in walang pansinan. Parang hindi ako
yung nililigawan niyo. Fellow classmate/
schoolmate lang. Gusto yun ang gawin
niyo, for a whole week. 😁

Kumurap-kurap ako. Ano? Edi paano kami manliligaw niyan? Paano ko maipamumuka sa **p** na iyon na mas bagay ako para kay Alicia?

-Paano kung hindi namin magawa?

Yan! Good question yan for once, **p**!

-Edi busted na kayo agad.

Ano! -

-Ha!

B-busted? Pati ako, maba-busted? Hindi magiging kami?

-Wala na bang iba pang parusa?

-No more options. Busted kung busted. 😁

S***!

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon