HUGO
Nakarating na kami sa resort. Kita agad namin yung beach mula sa malayo, ganda nung kulay.
"Hello!" si Macy na ang bumati sa amin, mukhang hinintay niya talaga kami. "Bakit nakabusangot yan?" tanong ni Macy nung makita si Kiel
Natawa si Jake, mas lalong bumusangot ang mukha niya at nauna nang umalis kasunod si Jake.
"Hindi namin alam." sabi ni Zeke. "Silang dalawa lang ang nakakaalam."
"Anyways, nandun na silang lahat sa lobby ng resort, let's go!"
Hinila ni Macy si Zeke at nauna na, naiwan na lang kami ni Art.
"Tara na." aya ko
Nauna na akong naglakad. Nilibot ko ang mga paningin ko. Isang minipark ang bubungad sa pagdating mo na nasa tabi lang ng hindi sementadong parking lot. May isang malaking arko as entrance sa mismong resort, duon mo na makikita ang mga cottages at ang mismong beach.
Mayroong stone pavement patungo sa three-story building kung nasaan ang mga rented rooms. Sa pagkakaalam ko, mayroon itong 30 rooms in total, second and third floor, ayon sa GC namin. Bawat kwarto ay may apat na kama at isang cr, swerte mo na lang kung ang nabook mo ay may balcony na beach-view.
"Ayan na sila." puna ni Keith
"Okay, nandito na ang lahat." panimula ni KC. "So, bunutan tayo. Since 36 tayo, may nine rooms kaming na-book, pero, may pero, dalawa lang ang na-book naming beach-view rooms at pitong obviously hindi, fully book na daw kasi. Para fair, magbubunutan tayo kung sino ang magi-stay sa kung saang room. May dalawang kulay dito, green at blue na may room numbers." tinaas niya ang isang box. "Blue, para sa beach-view, at green para sa hindi. Ang walong maswerteng makakakuha ng blue... wala, swerte niyo lang."
Nagkatinginan kami ni Art at nagtaasan ng mga kilay.
"Okay, bunot-bunot na!"
Sumingit-singit silang lahat sa pagbunot, kaming tatlo lang nila Donny at Art ang hindi na nakigulo.
Lumapit sa amin si KC nang may ngiti sa labi. "Sabay kayong pumunta dito?"
Tumango kaming dalawa. "Sumabay kami kila Kiel, Jake, at Zeke." sabi ko, pinipigilan niya lang kasing kiligin... Hindi ko kailangan ng fake news tungkol sa akin ngayon... Bakasyon ko
Tumango lang siya at parang disappointed nga. Kay Donny siya huling lumapit.
Blue paper, room 10 ang nabunot ko. Tinignan ko ang nabunot ni Art, blue din siya, pero room 9. Mukhang hindi kami mapupunta sa iisang kwarto... hindi naman sa gusto ko...
Madami sa mga kaklase ko ang nagreklamo, tuwang-tuwa naman ang ibang mga nakakuha ng blue.
Ang kasama ko sa kwarto ay sila Zeke, Donny, at Macy.
Isang maliit na rectangular table sa gitna ng dalawang bunk bed, isang shower room at cr para sa aming apat, at may apat ring locker-type drawer para sa mga damit namin. Sakto lang ang lawak ng kwarto, may space pa kami para makapaglakad-lakad sa buong kwarto.
"Ako sa taas." agad na sabi ni Zeke at umakyat sa kaliwang bunkbed
Binaba ko sa mesa ang bag ko at lumabas. Ito ang highlight ng kwarto, a scenic view of the beach. Nakikita ko rin mula sa kaliwang bahagi ko ang elevated pool area na parang singlaki ng isa at kalahating basketball court.
Base sa nakikita ko, mas patok sa mga tao ang beach kesa sa pool.
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa kanan ko, nasa kabilang balcony rin pala si Hugo. Nagtanguan lang kami nang magtama ang mga mata namin at ngumiti sa isa't-isa.
Bumalik sa beach ang tingin ko nang maramdaman ko ang simoy ng sariwang hangin. Parang nasa probinsya lang ako...
"Guys, nagchat si KC. Diretso na daw tayo sa baba after nating mag-ayos ng mga gamit natin." anunsiyo ni Macy
"Kkk!" Zeke
Tango lang ang binigay namin ni Donny.
"Tapos na ako, tara na!" hinila ni Zeke si Macy palabas at naunang bumaba, atat lang kumain...
Sinarado ko ang drawer, nilagay ko sa baba ang bag ko para hindi na makalat sa kama o sa sahig.
"Nagbago ka."
Napatingin ako kay Donny nang putulin niya ang katahimikan sa aming dalawa. "Huh?"
Sumandal siya sa drawer. "Dati sobrang angas mo, madaldal ka rin. Pero ngayon, total opposite ka. Naging maamo ka at halos hindi ka na nagsasalita. From an extrovert to an introvert?"
Napakurap ako. Napapansin ko rin yun sa sarili ko, pero dahil lang naman yun sa stress ko sa mga issues involving me. Kaya nga gustong-gusto ko tong bakasyon na to eh, stress reliever.
"Panandalian lang to. Masyado lang akong maraming iniisip."
"Kagaya ng rumors na couple na kayo ni Art? From "The Rivals" to "The Lovers"? yun ba?"
Inikot ko ang mata. "Oo, kaya please lang, huwag mong mabanggit-banggit yan sa akin. Ayokong naaalala ang mga problema ko sa lugar na dapat may peace of mind ako."
"Ano bang big deal. It's just rumors."
Bumuntong-hinga ako. "Rumors na hindi ko gusto. Baseless rumors, ginagawan lang nila kami ng BL fiction. Hindi kami, wala kaming feelings para sa isa't-isa"
Pinagdikit niya ang mga labi niya. Tinapik niya ako sa balikat ko. "Sana nga... Hindi lang kasi ako ang nakakapansin ng hindi niyo napapansing dalawa." sabi niya at naunang lumabas sa akin
Kumunot ang noo ko. Anong ibig-sabihin niya doon? Hindi namin napapansing dalawa? Ano naman yun?
"Hay naku! Huwag kang mag-stress. Nasa bakasyon ka, enjoy the day." sabi ko sa sarili ko
Bumaba na ako at sumunod sa kaniya. Napatingin ako sa likod ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Lumabas si Art sa kwarto nila, akala ko naman hindi ko nasarado ng mabuti yung pinto...
"Hi." bati niya
"Hi." bati ko pabalik, at naging tahimik bigla kaming dalawa. "Tayo na?"
Tumango siya... Nauna na lang akong bumaba habang kasunod ko siya. Nakita na lang namin ang iba sa labas at nakalabas na ang mga selfie sticks. Ine-enjoy na nila ang araw nila.
"Anong balak mong gawin?" napatingin ako kay Art
"Wala lang... Baka maglalakad-lakad lang ako sa tabing-dagat." sagot ko
"Pwedeng sumama? Wala akong maisip na gawin."
"Pwede naman, I don't own the beach." sabi ko at nginitian siya
-----
This place is very serene, walang ibang naririnig kundi ang hangin at ang alon ng dagat. Sobrang sariwa ng hangin, walang kahit na anong bakas ng polusyon. Ang sarap manirahan dito.
Tumingin ako kay Art, may ngiti sa labi niya, mukhang nagugustuhan niya din ang payapang kapaligiran namin. Napangiti na lang ako nang makita ang relaxed na expression ng mukha niya. Parang nare-relax na rin ako.
This feels good.
BINABASA MO ANG
THE RIVALS
Novela JuvenilGrade 12 student Hugo Aries Robin is one of the hottest heartthrobs in the school, and so is his rival, Art Lyle Cartagena Growing bonds is hard yet also easy; how about rekindling lost bond turned to hatred to love? The story that started with riva...