Naglalakad-lakad lang ako habang sinisiguradong hindi ako mahihiwalay sa grupo. Kaniya-kaniyang kuha ng pictures yung iba, samantalang heto ako, mind photography ang ginagawa.
Tong mga to, parang ngayon lang nakapunta sa probinsya at nakakita ng mga farm animals.
"MOOOOOOOO!" napatingin ako sa baka
Kumakain lang sila ng mga damo, walang pake sa paligid kahit pinapaligiran na sila ng mga tao at ginagawang katuwaan. Bumuntong-hinga ako, kung siguro baka na lang ako, wala na lang rin akong pake sa mundo. Basta magawa ko yung trabaho ko at mapakain, makatulog, at manatiling healthy ako; okay na ako sa buhay.
"Gusto mong maging baka?"
Napatingin ako sa tabi ko. "Huh?" nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya
Ngumiti si Art. "Kung makatitig ka kasi, parang gusto mo na lang silang samahan kumain ng damo. Sabagay, kamukha mo naman."
Bumusangot na lang ako. Narinig ko ang bungisngis ng m****g sa tabi ko. "Dun ka na lang sa far away. Nambu-bwisit ka sa ganito kagandang panahon."
"Maganda yung panahon, pero parang problemado ka." napatingin ako sa kaniya. "Ni hindi mo nga napansin na ikaw na lang yung nandito eh." napataas ang mga kilay ko
Tuminging ako sa paligid, kaming dalawa na lang pala ang nandito. "Anong pinoproblema mo?"
Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Mahahalata mo ang paga-alala sa mukha niya. Para bang natatakot siyang may dinadamdam ako. Weh? Siya?
Bumuntong-hinga ako. "Pagbalik natin sa Manila... Pagbalik natin sa school... Dito, sa maikling oras, kapag natapos na yung stay natin, ewan... Hindi ko mapigilang mainis. Mainis sa sarili ko, dapat masaya ako ngayon, dapat nage-enjoy. Pero kapag maiisip ko kung anong babalikan kong issues sa Manila..." naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at hinihimas yun. Pinapakalma niya ako... "Ikaw? Hindi ka ba naaapektuhan? It's escalating as time goes by. Ginagawa na tayong some sort of entertainment ng mga fanatics sa school. Ang dami ko nang nakikitang articles sa Forum ng ARNHS na gawa-gawa ng ibang students. Kinakatakot ko, baka makaabot yun kay Dad, or if lumabas na yun in public and umabot sa board, I'll become some sort of embarrassment kay Dad. Wala lang sa akin kung mapag-usapan na ako, fake news, pero looking at the bigger picture; kapag hindi nakontrol, it will spell out trouble to the school and kay Dad. Close-minded pa naman most of the board members. Baka mapagtulungan siya" pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mata ko
Bigla akong nakaramdam ng mainit na sensayon sa katawan ko. Tumingin ako sa kanan ko, nakikita ko lang ang tenga ni Art. Inusisa ko ang kabuuan ko, niyakap na pala ako ni Art, at hinahaplos ang likod ko. Once again, pinapakalma niya ako...
"Naaapektuhan na rin ako sa issue, but I can't say if it's the same concern as you. Kasi hindi mo iniisip yung sarili mo, hindi ka naaapektuhan dahil kasama kang main topic ng fake news, but you're thinking for your father's sake. I mean I can relate, nasa board din si Mama." pinakinggan ko lang siya. "But they're grown-ups. Mas mature sila sa atin, they know how to handle what comes their way. Hindi naman sila malalagay sa mga positions nila if they don't have the skills and the intellect. My advice to, bilang literal na kasama mo sa issue nato... trust them."
Humiwalay siya sa yakap naming dalawa. "Kung hindi mo man ako nakikitang naaapektuhan same as you, it's because may tiwala ako sa nanay ko. We're all having a tough time. Parehas tayo, at sila if nakaabot na sa kanila yung issue. The only difference, they have the power and authority to control this, and we don't. But that's why we should trust them and not worry about them. Hindi to makakalabas sa publiko, mawawala rin yung mga articles, it's all under control." hinaplos niya ang pisngi ko at pinunass ang luhang tumulo. "Don't let your worries get in the way of functioning as you are. Ikaw si Hugo Aries Robin, matapang, matalino, walang dapat katakutan, malakas, at higit sa lahat, worthy as my rival."
Nakatitig ako sa kaniya. I think it's working, yung pagpapakalma niya. Him assuring that everything would turn out fine makes me feel at ease. Sa mga sinasabi niya, parang nasisigurado ko ring hindi na lalala ang problema... and he's right. I shouldn't worry about Dad, he's the type of person na kayang suungin ang bawat kalbaryo sa buhay niya. He's strong, in all aspects.
"Thank you, Art. Salamat sa assurance."
Ngumiti siya at muli niya akong niyakap. This time, I rested my head on his shoulders and hugged him back.
"We're here to enjoy, kaya dapat lang na itabi mo muna yan. Sure, pagbalik natin meron na naman yun, pero we're here to enjoy. Mga damit ang dinala nating bagahe, not our problems."
Tumatango-tango ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kaya mas hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kaniya. He's right, I shouldn't always think about problems... Kaya mas namomroblema ang tao, kasi hindi nila tinitigil ang pag-iisip tungkol dun. I'm here to enjoy, I'm here to freshen up.
"Thank you, Art. Maraming salamat talaga."
"You're welcome. You need to let loose, and I'm here for you."
His words really bring me comfort. "Sorry for being weak."
"No! You're not weak!" agad niyang refute. "You're just emotionally inclined. And that's fine, that means that you are caring and loving." naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko na mas lalong nagpapakalma sa akin. "You're strong, Hugo. Always remember that."
I'm strong... Yet I feel weak in his embrace... weak, yet comforted. I feel safe.
ART
Kino-comfort ko lang si Hugo... Sobrang lapit at higpit namin sa isa't-isa, and I just feel something. I feel like... this is... right. Ewan, hindi ko alam kung paano ipaliwanag...
Huminga-ako ng malalim while still hugging him tight. Tumingin ako sa kaniya.
What I said was true... Naaapektuhan din ako sa issuing pumapalibit sa amin, but definitely not the same as him. He's worried for his father and the school's image. While me... this is entirely the opposite.
I can't grasp it properly, but these past days, I feel different. I see him in an unfamiliar perspective. I see him more as a caring, strong, good-hearted person, and emotional person. He no longer seems like my rival, but also not a friend.
If he's afraid for his father... I'm afraid for me. Hindi ko alam, pero alam kong may nababago sa akin.
BINABASA MO ANG
THE RIVALS
Genç KurguGrade 12 student Hugo Aries Robin is one of the hottest heartthrobs in the school, and so is his rival, Art Lyle Cartagena Growing bonds is hard yet also easy; how about rekindling lost bond turned to hatred to love? The story that started with riva...