16

12 1 0
                                    


ALICIA

Late na akong nagising, 10:39 am na. Well, sabado naman today, wala din akong special plans. Nakahilata lang ako sa kama ko at walang ibang pumapasok sa utak ko, kundi ang...

BAGAY SI HUGO AT ART! CHEMISTRY OVERLOAD! MY FUJOSHI HEART!

I can't believe myself! Tinuturing ko pa naman ang sarili ko bilang master detector ng mga lalaking destined to be with the same gender!!!! Ang lalaki ay para sa lalaki! Bakit hindi ko agad napansin? Eh kasi naman, puro sila away kapag nasa harap ko. Pinag-aagawan ako, isang babaeng nabasbasan ng pambihirang kagandahan.

"Alicia, nandito kaklase mo!" sigaw ni Mama mula labas ng kwarto ko

Sino namang kaklase? Wala naman kaming usapan nila Macy. Lumabas ako papuntang sala.

"Donny? Anong ginagawa mo dito?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Hi."

"May kailangan ka ba?"

Umangat ang noo niya. "Ahh... Wala." kumunot ang noo ko. Kinuha niya yung bag na dala niya. "Yung notes na hinihiram mo." inabot niya sa akin ang isang notebook

"Ahh! Hindi ka na sana nag-abala pang pumunta dito, pinadala mo na lang sana."

Ngumiti siya. "Ayos lang. Hindi naman ako busy eh."

Ngumiti ako pabalik. Ang cute niya palang ngumiti, hindi ko gaanong napapansin ang iba kong mga kaklase nuon dahil sa dalawang yun. Pero simula nung inutos kong huwag nila akong papansinin, mas nagkaroon ako ng oras para sa ibang mga tao.

"Ah sige. Aalis na ako."

"Salamat dito." sabi ko

"Oh ijo! Aalis ka na ba?" biglang sumulpot si Mama

"Opo. Baka po makaabala po ako."

"Ay. Hindi, dito ka na muna. Sumabay ka sa aming mananghalian."

Umangat ang noo ko. Bakit biglang nag-imbita to?

"Ahy naku! Nakakahiya po, hindi na po." magalang na pagtanggi ni Donny

"Hindi yan. Halika na! Samahan mo na kami."

Napatingin sa akin si Donny, nagkibit-balikat lang ako. In the end, sumuko rin siya.

"Upo ka muna. Alicia, i-entertain mo siya, tatapusin ko lang yung niluto ko."

Kumunot ang noo ko. "Mang-iimbita ka tapos hindi ka pa pala tapos. Paghihintayin mo pa yung tao."

Pinandilatan niya lang ako. "I-entertain mo. Pagsilbihan mo siya." sabi niya at bumalik na sa kusina

Tinignan ko si Donny. "Pagpasensyahan mo na si Mama, may saltik lang." ngumiti lang siya sa biro ko. "Anong gusto mong inumin?"

"Ikaw na bahala, kung ano na lang ang meron." malumanay niyang sabi

Tumango ako at pumunta sa kusina.

HUGO

Kanina ko pa naririnig ang vacuum mula sa labas. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumabas o manatili lang dito.

"Nag-offer naman akong tumulongg, bakit parang nakokonsensya ako?" sabi ko sa sarili ko. "May point naman siya, ako ang mas matagal sa unit nato. Meaning, ilang beses ko nang nalinis tong unit, bilang bago lang siya, dapat na siya ang maglinis... Diba?"

Pero parang mali eh. Dapat ako yung naglilinis kasi akin tong unit. Sa akin nakapangalan. Hindi! Pati na rin siya nakatira, siyempre dapat maglinis din siya. Tsaka ako rin naman naglinis nung kwarto niya ah, dapat lang na maglinis din siya.

Napailing ako sa mga iniisip ko. Ano bang pake ko kung naglilinis siya? Dapat lang, ico-consider ko na lang tong isang kompetisyon. Tapos naman na ang ceasefire namin, hindi pa kami busted...

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. "Gusto mo bang linisin ko itong kwarto mo?"

Agad akong umiling. "Pinagsasabi mo? Personal space... Ako lang pwedeng maglinis ng kwarto ko."

"Ah... Okay." maiksi niyang sabi at isinara na ulit ang pinto

Tinagilid ko ang ulo ko pakanan. Bakit parang medyo may disappointment akong natonohan sa boses niya? Guni-guni ko lang ata. Sumilip ako at tinitignan kung ano nang ginagawa niya. Wala siya, baka nasa kwarto niya.

Dumiretso ako sa kusina, magluluto na lang ako.

ART

Ang presko! Kumuha ako ng mga damit ko sa cabinet. Napasinghot ako nang makaamoy ako ng kung anong masarap. Binilisan ko ang pagbibihis at inalam kung ano yun.

"Sandali na lang to." sabi ni Hugo pagkalabas ko sa kwarto ko

Lumapit ako at mas lumilinaw kung ano ang naaamoy ko, pansit bihon!

"Marunong kang magluto nito?" mangha kong tanong

"Naturuan ako ni Lola nun sa probinsya pa."

Tumango ako. Pinanood ko kung paano niya buhusan ng toyo ang bihon para mas maging malasa...

"Hmmmm! Sarap!" papuri ko nang malunok ko na ang kinakain ko

Sobrang malasa, pero hindi siya maalat. May crunch din siya dahil sa mga gulay na nakahalo. Gusto ko rin yung chewiness at texture ng pancit, may kasama pang mga maliliit na hiwa ng karne.

"Ako na maghuhugas ng pinggan." alok ko

Umiling siya. "Ikaw na ang naglinis, ako na ang maghuhugas. Huwag ka nang umangal."

Wala na akong nagawa. Umupo na lang ako at pinanood siyang maghugas.

HUGO

Nakatunganga ako sa harap ng TV, tinititigan lang ang madilim kong repleksyon. Wala na akong magawa dito, gusto kong matulog pero ayaw ng katawan ko. Nababato na ako. Tinatamad na rin akong mag-isip ng kung ano mang productive. Wala rin ako ganang manood. Anong pwede kong pagka-abalahan? I need to move.

"Mall tayo?" napatingin ako kay Art. "Medyo nabo-bored na kasi ako."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang khaki-brown oversized shirt na may nakasulat na LIFE in Berlin Sans FB Demi font. Cargo jogger pants at Nike Air Max Goadome.

Tumingin ako sa mukha niya, mas nakakadadag sa kagwapuhan niya ang suot niya. Medyo magulo ang buhok niya pero nakakadagdag lang ito sa appeal na kanina pa niyang nilalabas.

"Hugo?" saka ko lang napansin na napatagal na ang pagtitig ko at hindi na ako nakasagot

Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang closet ko. Marami akong damit, pero isang t-shirt ang nakakuha ng atensyon ko. Bakit meron ako nito?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero ito ang kinuha ko. Nang tignan ko na ang sarili ko, napangisi na lang ako. Lumabas na ako nang makuha ko na ang wallet, susi, at cellphone ko.

Napaangat ang noo niya nang makita ang t-shirt ko, napatingin siya sa t-shirt niya. Simpleng Nike Jogging Pants at ang Niko Winflo 8 ang suot ko. Ang nakakuha ng atensyon niya ay ang t-shirt ko na parehong-pareho ng sa kaniya. Mula sa kulay, hanggang sa tatak.

"Papogian na lang tayo. Tignan natin kung sinong mas gwapo sa t-shirt nato." hamon ko

Ngumisi na lang siya at umiling. Sabay na kaming umalis.

"Kaninong kotse ang gagamitin?" tanong ko

"Akin. Oras naman na para sa akin ka sumakay."

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon