42

10 2 0
                                    

ART

Hindi ko napigilan yung sarili kong maisip yung uuwian ko sa Manila. Despite this great night, kahit na masaya ako kanina, I just can't stop thinking about it. The thought that after this happy trip, pag-uwi ko, sasalubungin ako ni Mama ng galit niya. She's temperamental.

This is shi**y! Kung hindi lang sa mga post na yun, hindi ako magkakaganito, but knowing my mother. She's not gonna be disappointed, she's gonna be disgusted. Kumakalat sa buong school na yung anak niya, nagkakagusto sa kapwa lalaki? Heck, she's not gonna accept that.

"I'm sure Tita would understand if we explained, and we will. Like I said, we can deny it. Sasamahan kita." saad ni Hugo

There's also that. I like you, Hugo. Sinasabi mong we can deny it, you can do it maybe, but not me. My feelings are strong, kahit na alam kong mas ikagagalit ni Mama yun, I won't be able to deny it.

"Even if we explain, I don't think I can join you in denying it."

"What?" tumingin ako sa kaniya pero agad ko ding naman iniwas

"Art. What are yo-" hindi ko siya pinatapos, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya.

My feelings are showing, how the hell can I deny it. I'm in the verge of crying. I'm afraid of my mother, and I'm too weak to even lie to protect myself.

"Art..." he took a long pause. "Basta sasamahan kita." tumingin ako sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata niya ang kakaibang ningning na ngayon ko lang din nakita sa kaniya. "I think I know why you can't deny it. But I don't think I'm ready to delve into that yet. Pero sasamahan kita. If you need comfort, ibibigay ko sayo. Just like how you comforted me when I was the one feeling down, it's going to be my turn next." ngumiti siya. "So don't worry. I'll be by your side."

I don't completely know what he meant about knowing why I can't deny our issues, but I have a rough idea.

"Thank you!" I can feel my burden lightening a little bit

Knowing I'll have him by my side as comfort, f**k, my heart is pounding. Kakailanganin ko ng suporta, kahit kanino tatanggapin ko.

Hinila niya ako, muli kong naramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Yinakap niya ako. Yinakap ko siya pabalik. Sa yakap niya pa lang, nagiginhawaan na ako.

HUGO

Eto pa lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Yakap ng isang kaibigan, hindi ng karibal, kundi ng isang matalik na kaibigan.

I can relate with him to some degree, naga-alala din ako sa magiging reaksyon ni Dad. He believes in my capabilities, pero with the issues surrounding me na nagkalat na sa school, maybe even outside it, hindi na ako sigurado sa magiging reaksyon niya.

Humiwalay sa yakap ko si Art. I like him. Sigurado na ako duon, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa sa mga posibleng mangyari kung aamin man ako, o kung malaman ko mang hindi one-sided ang nararamdaman ko. That's my weakness, wala akong assurance sa sarili ko. I'm now 18 years old, I should've been stronger and more responsible.

"Thank you, Hugo."

Ngumiti ako. "No worries. You comforted me nuon, ako naman ngayon ang gagawa. Kaya huwag kang mag-aalala, sasamahan kita." I assured him

Ngumiti siya, and I smiled back.

-----

6:14 AM

It's time to go home. Napapalibutan ako ng mga kaklase kong nagrereklamo dahil dumating na ang katapusan ng class trip. Gustuhin man nilang mag-extend, A news semester awaits us. As for us ni Hugo, our issues are waiting to be confronted.

Nakatayo kami sa lobby, kumakabog ang puso ko sa kaba, for real this time. Kinakabahan ako sa kung anong uuwian namin. Sumulyap ako kay Art, nakikita ko sa mukha niya ang dinadamdam niyang kaba.

Hinawakan ko ang kamay niya, nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin. Sinabi kong ako ang magko-comfort sa kaniya ngayon, ang I intend to do that. I also intend to fulfill my promise, no matter the outcome, I'll be there for him, as a friend...

----------

Nasa biyahe na ulit kami pauwi. Humahampas ang hangin sa bukas na bintana ng kotse ni Kiel, ang pinagkaiba lang, hindi na si Zeke ang kasama namin kundi si Donny. Hindi ko alam kung sa iba sumabay si Zeke, pinagsawalang-bahala ko na lang. Right now, mas concerned ako kay Art.

May mas malalim akong nararamdaman para sa kanya kaysa sa kung gaano ko siya kagusto. Gusto ko siyang bigyan ng seguridad, bigyan ng katiyakan, at iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya lang ako, tulad ng pangako ko. Sana lang na sa pagbabalik namin sa Manila, maging matatag kaming dalawa para harapin ang dapat naming harapin.

Binaba na kami ni Kiel sa harap ng Ville, umakyat kami sa condo unit namin pagkabawi namin ng keycards, at ngayon, nasa loob na kami ng sarili naming kwarto. Bumuntong-hinga ako. Umidlip ako saglit...

I opened my phone when I received a notif.

-Want beer? Nasa sala ako.

Binuksan ko ang pintuan, bumungad nga sa akin si Art na nakaupo sa sahig, at may ilang lata ng beers sa mesa. I joined him, of course.

"San mo nakuha tong mga to?"

"Bumaba ako saglit."

Binuksan ko ang isang lata. Tumingin ako sa beer ni Art nang ilahad niya ito sa akin, just like a toast.

We silently sat there, habang umiinom ng beer at nakatunganga. Napapansin kong nakakarami na rin siya. Piles of cans are stacking.

"Do you think we'll be okay?" hindi ako sumagot. "Pwede pa ba tayong tumakas?" pabiro ngunit napipiyok niyang sabi

"I wish..." bumuntong-hinga ako. Tumingin ako sa kaniya, namumula na siya, halatang natatamaan na ng epekto ng alcohol. "It's those fake news, kung sino man ang mga nagkakalat nun, gumawa nun, sila ang mali. At kapag nalaman natin kung sino siya o sila, hindi sila makakatakas sa atin."

Bahagya siyang napangiti. "Yeah..." maiiksi niyang komento

Kung siguro noon, binigwasan ko na siya sa pagiging dramatic niya, but now, I can't say I don't sympathize. Naiintindihan ko ang bigat ng dinadala niya. Parang may tahimik na labanan na nagaganap sa loob niya, at gusto kong pansamantalang mapagaan ang paghihirap na iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit sa abot ng aking makakaya. Tumingin siya sa akin, at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya...

I want to reassure him...

"Art... I like you." pag-amin ko 

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon