31

21 2 0
                                    

Inabutan ako ni Art ng tubig. "Namumula ka, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong

"Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!" napatingin ako kay Kiel. Umiiling-iling siyang bumuntong-hinga

"Ayos lang ako." sagot ko kay Art at kinuha ang tubig na inabot niya

Bakit yun? bigla akong nakaramdam ng kuryente, nagwawala na nama ba electrons ko? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Huminga ako ng malalim at pinakawalan yun, ilang beses kong inulit yun hanggang sa maramdaman ko ang pagkalma ng puso ko.

"Hugo, ayos ka lang ba talaga?" tumingin ako kay Art. Hindi ako agad nakasagot. Napatitig ako sa mga mata niya, na muli na naman akong hinahatak at kinakadena. "Hugo!" nabalik ako sa huwisyo nang yugyugin ako ni Kiel

"CR lang ako." sabi ko at agad na tumayo

Agad akong napabuga ng hangin pagpasok ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Sumandal ako sa sink at tinignan ang repleksyon ko. Hinawakan ko ang pisngi kong namumula talaga.

I'm aware of what I'm feeling... Kilig to diba? Pero ako kinikilig? Bakit? Well, dahil kay- No! Impossible! Bakit ako kikiligin? Anong nakakakilig dun? And for heaven's sake, I'm straight... Yes, I'm straight! Imposible namang bigla na lang akong babaliko.

Napatingin ako sa pintuang bumukas. "Hugo, ayos ka lang ba talaga?" natuod ako sa pwesto ko. Papalapit sa akin si Art at nakatayo lang ako. "Hugo."

Nararamdaman ko ang pisngi kong nag-iinit. Bakit niya ako sinundan? "Bakit?"

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Masyado kang namumula, pati tenga mo..."

Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hayp, ano na naman tong puso ko. Kumakabog, naririnig kaya ni Art? Umaabot ba sa pandinig niya ang tibok ng puso ko? Tibok na para sa kan- What?

Agad kong tinabig ang kamay niya nang maramdaman kong mas bumilis ang puso ko dahil sa biglang pumasok sa isip ko. And it was too late when I realized what I had done.

ART

Napakurap ako sa ginawa ni Hugo. Kunot-noo ko siyang tinignan, mukhang pati siya ay nagulat sa ginawa niya. "Hu-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang pumasok si Sean, Vice President namin. "Hugo, ayos ka lang? Sabi nila Zeke, namumula ka daw."

Bumalik ang tingin ko kay Hugo. "Ah, uhmmm. Nainitan lang ako masyado... Wala to." sagot niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mabilis niyang pagsulyap sa akin. "Excuse me." sabi niya at iniwan kami ni Sean sa loob ng CR. Sinundan ko lang siya ng tingin paalis

"Ayos lang ba talaga siya?" Sean

Hindi ako nakasagot. Hindi rin ako sigurado... at nag-aalala na ako.

Lumabas kami ni Sean, pabalik na sana ako sa table namin nang makita kong hindi na sa tabi ko nakaupo si Hugo, kundi nagpalit sila ni Kiel.

"Nag-away na naman ba kayo? Okay lang kayo kanina ah..." sabi ni Kiel pagka-upo ko

Tumingin ako kay Hugo. "Hindi ko rin alam. Bigla na lang siyang... parang nawawala. Kanina nga okay lang siya, pero ngayon. Parang nagbago ang mood niya."

Hindi ko alam kung anong nasa isipan ni Hugo. Biglang nagbago yung pakikitungo niya. Ayos nga lang kami eh, pero bakit biglang nagbago... Nagbago nung pumunta siya sa CR, pero kaya siya pumunta sa CR ay dahil sa namumula siya... Bakit nga ba siya namula? Hindi naman maanghang yung sisig... Ang tanging naiisip ko lang ay nung naglapat ang kamay namin.

What could that mean?

Matapos namin sa Resto, bumalik na ulit kami sa Bus. Mas lalo akong nabahala nung sa tabi na ulit siya ni Donny umupo. Nakasalubong ko pa ang nagtatakang tingin ni Alicia na nasa ibang upuan na.

Hindi naalis ang tingin ko kay Hugo buong biyahe. Kahit na ang dami nang sinasabi ni KC sa harap ay hindi ko pinapansin, tanging kay Hugo lang ako nakatuon.

Seriously, what's wrong with him? Mas nag-aalala na ako.

Pinagpatuloy namin ang page-explore sa spots na nasa itinerary ni KC, pero ni hindi ko man lang ma-enjoy yung tour dahil panay lang ang buntot ko kay Hugo. At mas lalo na mang hindi ko magawang magsaya dahil hindi din siya nagsasaya, parang kung anong nakikita ko sa kaniya, nagre-reflect sa akin.

"Okay, break muna tayo, ang lawak pala ng park nato, pero infairness, ang daming amusements." komento ni KC. "Okay, since malapit naman nang mag-alas tres, after ng break natin, sige... Pwede na kayong humiwalay sa grupo." nagkantyawan naman ang lahat. "Pero eto ha, baka sisihin pa ako ng mga magulang niyo pag nawala kayo, balik tayong lahat sa entrance by 6PM. Kuha ba ng lahat?"

"YESS!!!" sigaw ng mga kaklase ko

Inakbayan ako ni Zeke at lumapit sa kumpol nila Kiel. Napansin ko ang agad na pag-iwas sa akin ng tingin ni Hugo.

"So saan tayo?" tanong ni Zeke

"Dun tayo sa mga booths." suggestion ni Jake

Dun kami lahat pumunta, at kahit wala kaming mood pareho ni Hugo, sumama na lang kami. How can I enjoy, kung hindi siya nag-e-enjoy?

Nadaanan namin ang pwesto ng mga animal headbands, nasa likod lang ako ni Hugo samantalang nagkakandarapa na sila Zeke sa mga headbands at nagtatawan. Napukaw ng rooster beak ang atensyon ko. Sinulyapan ko si Hugo at kinuha ko yun.

Napaigtad si Hugo nang bigla akong dumating sa harap niya at isinuot ang Rooster beak. Bago pa siya makapagsalita, sinuot ko ang googly eyes glasses. Inalog ko ang ulo ko para gumalaw yung glasses sabay nilabas ko ang dila ko.

"PFFT!" napatakip ng bunganga si Hugo para pigilan ang tawa niya

Mas lalo ko pang pinalala ang facial expression ko para mas matawa siya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya habang natatawa

Nakapurap ako, bilang see through tong glasses, nakita ko yung pagtawa niya. Napatigil ako. Napakacute niyang tumawa, nagliliwanag talaga ang mukha niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

Patuloy ang pagbungisngis niya samantalang ako, nakatitig lang sa kaniya. Kung noon, naasar ako tuwing nakikita ko siyang nakangiti man lang. Pero ngayon, ibang-iba. And hindi naman ako naging isa sa mga top student kung hindi ko malalaman kung ano tong iba na ito...

Hindi ko namamalayan, napangiti na pala ako.

"Anong nginingiti mo diyan?" tanong niya

Napakurap ako at nawala ang ngiti ko. Nawala na naman ako sa huwisyo... "Dahil sayo."

"Huh?"

"Huh?" nagulat ako sa sarili ko...

"Dahil sa akin?"

Wala akong nagawa kundi ang mapakurap sa nilabas ng bibig ko. I pursed my lips.

"I mean, dahil sayo, ikaw!" tiniro ko siya. Bumuntong-hinga ako. "Can we please talk, Hugo? About us."

"About us?"

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon