24

10 1 0
                                    

HUGO

Lumabas kaming dalawa ni Art sa elevator, binigay namin sa receptionist ang keycard namin bago lumabas ng building as per regulation.

Naghihintay na sa amin sila Jake, Kiel, at Zeke, ang tatlong natatangi naming kaklase na nakakaalam ng sitwasyon namin ni Art. Sinundo na nila kami dahil nauna na ang ilan naming mga kaklase.

"Sup!" Kiel, siya ang magmamaneho

Tinanguan na lang namin siya. Matapos naming ilagay sa likod ang mga gamit namin ay sumakay na kami. Pinaggitnaan ako nina Art at Zeke.

"Ready naman na siguro kayo mamaya ano?" Zeke

"Anong meron?" tanong ko

"Ano pa ba... Mga babae!" sigaw ni Jake sa passenger seat

"Yown!" kantyaw ni Kiel

Napataas na lang ang noo ko at nagbitaw ng tipid na ngiti, panandalian kong sinulyapan si Art at tinignan ang reaksyon niya... Wala. Parang hindi siya excited.

For some reason, hindi ako excited, not even a little bit. Parang nawala ang interest ko sa mga ganung bagay. Dahil ata sa masyado akong stressed sa mga nangyaring hindi ko inaasahan, pati na rin sa pag-iisip ng mga susunod pang mangyayari sa akin. O baka naman dahil may kung ano nang nagbago sa akin na hindi ko alam.

Habang nasa biyahe, nag-enjoy lang kami. Nakabukas ang mga bintana kaya preskong-presko, bumili rin kami ng mga magugustuhan namin mula sa mga vendors na nasa tabing-kalsada lang, for tourist and travelers.

Sumandal ako ng mabuti sa upuan. Nare-relax ako dahil sa preskong hangin at sa stress-free environment. Tama ang desisyon kong sumama, kailangan ko ng oras para mag-enjoy at hindi inaalala ang mga issue ko, na apparently, ako lang ang naaapektuhan.

Tinignan ko ang katabi ko, nakadungaw lang siya sa bintana at pinapatama ang hangin sa mukha niya. Halatang hindi siya stress at hindi siya nago-overthink. Sana all na lang!

"Hello?" napatingin kami kay Zeke, tumawag kasi si Macy. "Ah... On the way pa lang, nandiyan na kayo? ... Ahhh... Tilapia? Sige, pwede naman siguro... Ah sige... Okay." binaba na niya ang tawag. "Pwede ba tayong mag-stop sa palengke diyan? Nakalimutan daw kasi nilang bumili ng Tilapia para iihaw mamaya."

"Sige, may alam akong malapit na palengke dito." sabi ni Kiel

"Nasa resort na daw ba sila?" tanong ni Art

Umiling si Zeke. "Nasa kalsada pa sila, wala pa ni isa nating kaklase ang nakarating, pero ang pinakamalapit na daw ay sila Troy, 4 am daw sila umalis eh. So baka tayo ang huling darating."

Tumango ako. Narating namin ang palengkeng tinutukoy ni Kiel. Paloob ito, malalagpasan ang parkingan ng mga van at jeep na katabi lang ng highway.

"Sinong sasama sa akin?" tanong ni Zeke

"Ako! Bibili na rin ako ng kung anong fruits." Kiel

"Sama." Jake

"Kayong dalawa?" tanong ni Zeke na nasa labas na

Nagkatinginan kami ni Art... Agad bumungad sa amin ang sigla ng mga nagtitinda at mga mamimimli. Malawak ang paligid, hindi masyadong crowded, dahil siguro sa weekday.

Humiwalay na silang tatlo sa amin. Hindi ko alam kung bakit ako bumaba, wala naman akong gagawin dito kundi ang maglibot at potentially, mawala.

"May bibilhin ka ba?" tanong ko

"Wala. Ang ambag ko lang naman sa trip nato ay ang presensya ko." kaswal niyang sabi

"Same..."

Naglakad-lakad na lang kami, wala na kaming magawa. May mga tumatawag pa sa aming mga tindero't tindera, inaayawan na lang namin. Nang makita namin si Zeke, agad kaming lumapit sa kaniya. Sa kaniya na kami sumama, at hinanap na rin namin sina Kiel at Jake na bumibili ng mga prutas.

"Oh, bakit kayo nakabuntot kay Zeke?" Kiel

"Wala daw silang magawa." Zeke

Umiling na lang si Kiel.

KIEL

Tahimik na kaming lahat sa biyahe, maski etong katabi ko na madaldal ay hindi na umiimik. Pero hindi rin naman siya behaved. Kinukunan niya ng litrato si Zeke na nakangangang natutulog at tahimik na humahagikhik, napailing na lang ako sa ugali niya.

Sinulyapan ko siya sandali, malawak ang ngiti niya. Sinilip ko ang picture na tinitignan niya, picture nina Art at Hugo na natutulog. Nakasandal sa balikat ni Hugo si Art at nakasandal naman sa ulo ni Art si Hugo.

"Anong alam mo na hindi ko alam?"

"Huh?" napatingin siya sa akin

"Bakit ka ngumingiti sa picture nilang dalawa?"

"Wala lang, ang cute lang nilang tignan."

"Hindi sila bakla."

"Anong connect? Ang cute lang naman nilang tignan, hindi ko sinabing bagay sila."

Sinulyapan ko lang siya panandalian at nanahimik na lang. Tumigil ako sa isang gas station, sakto na rin at naiihi na ako.

"Unleaded, full tank." sabi ko sa attendant. "Bantayan mo tong sasakyan." utos ko kay Jake at bumaba.

Binuksan ko ang zipper ko at pinakawalan na ang dapat pakawalan. Narinig kong bumukas ang pintuan ng cr. Nasa tabi ko na si Jake at nagpakawala na rin ng dapat mapakawalan.

"Sinong nagbabantay?"

"Nagising si Zeke. Sasabay na sana ako sayo kanina eh, iniwan mo lang ako."

Sorry naman. "Same size pala tayo?" sabi niya habang nakasilip

Kinunutan ko siya ng noo. Sinilip ko ang kaniya, tumango ako. Oo nga, magkapareho nga ng laki.

Tumabi na ako kay Jake sa sink at naghugas ng kamay. Napatingin na lang ako sa kaniya nung tumawa siya.

"Yung zipper mo bukas pa, kitang-kita yang boxer mo."

"Siraulo ka."

Itinaas ko ang zipper ko, pero napatigil ako. Sinilip ko kung anong meron, may nakaharang na tela, mula ata sa boxers ko.

"Oh, anong problema?" tanong ni Jake

"Na-stuck yung zipper ko." binaba ko ulit yung zipper, pero hindi pa rin matanggal yung tela

"Ako na nga." lumuhod siya sa harap ko at sinimulang kalikutin ang zipper, nasusundot na niya ang **** ko pero hinayaan ko na lang. "Huwag kang tigasan, g***!" sabi niya at natawa

Napangiti na lang ako. "G***!"

Naramdaman kong umayos na ang zipper ko. Mukhang natanggal na niya ang tela mula sa boxer ko. Itinaas na niya ang zipper at tumayo siya.

"Salamat, naluwagan din."

"Basta kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako." nagngitian kami sa isa't-isa

Palabas na sana kami nang makita namin ang isang lalaking nakasuot ng uniform ng gas station. Nanlalaki ang mga mata niya sa amin.

Nagkatinginan na lang kami ni Jake. Lumabas ang lalaki na gulat-na gulat. Nang lumabas kami, nasa harap na siya nung lalaking employee na in-charge sa store.

Kumunot ang noo ko nung malagpasan namin yung lalaki nakita ko siyang umaaktoong nakapabilog ang kamay at tatlong beses nilapit-layo sa bibig niya habang nakabukol ang pisngi at tinignan kami.

T***-*** namang buhay to!

MALI YUNG INIISIP NIYO!

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon