HUGO
Naalimpungatan ako sa mga tapik na naramdaman ko. "Hmmm?" Lumingon ako sa paligid ko, at isang mukha ang bumungad sa akin
"Tara na, nasa labas na silang lahat."
Tumingin ako sa kabuuan ng loob ng bus, kaming dalawa na nga lang talaga ang natira. Ilang oras na kaya ako tulog? Hinintay niya pa ata akong magising, gagi nakakahiya talaga!
Lumabas kaming dalawa, ang madilim na gate ng resort at ang ihip malamig na hangin ng gabi na lang ang sumalubong sa amin.
"Nauna na nga sila." komento niya
Humarap ako sa kaniya. "Sorry, dahil sa akin nahuli tayo." paumanhin ko
"Huh? Ano ka ba. Kanina pa tayo nakarating, ngayon lang talaga kita ginising, alam ko kasing napagod ka kalilibot kanina." sabi niya at ngumiti. I appreciate that
Naglakad na kami patungo sa tinutuluyan namin. Pagpasok namin sa lobby, nakasalubong namin si KC. Nakasuot na siya ng floral dress.
"Uy, dumating din kayo. Sumunod na lang kayo mamaya sa beach after niyong magpalit, nandun kaming lahat." saad niya
"Sige." Art
Pumasok na kami sa sarili naming kwarto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, simpleng floral polo at khaki shorts lang ang sinuot ko. Buti at nagdala rin ako ng sandals, saktong-sakto siya sa occasion.
Habang inaayos ko ang buhok ko, narinig ko ang isang katok. "Hugo? Tara na." rinig ko ang boses ni Art
Lumabas ako. Parehong floral polo ang sinuot niya na nakapatong sa white sando, at khaki shorts rin ang suot ni Art. Halos same kami ng damit, mas maangas nga lang ang pagkaka-style niya dahil nakabukas ang polo niya at kita ang fitted sando niya at humuhulma ang hubog ng katawan niya. Napalunok ako sa biglang panunuyo ng lalamunan ko.
"Angas mo ah." komento ko
"Parang gentle ng hitsura mo ngayon." komento niya pabalik
Napangisi na lang ako. "Dahil gentleman ako." pabiro kong sabi
Bumungisngis siya. "Oo na lang." nauna siyang naglakad. "Tara na, baka madami na tayong na-miss."
Pagdating namin sa beach, sari-saring activities ang bumungad sa amin. Ilan sa mga kaklase namin ay nagsasayawan, karamihan naman ng mga lalaki ay nasa grill area at sa food table, yung iba, nanonood lang sa kasiyahan ng iba at nagvi-video. Makikita mo talaga sa kanila ang pagiging carefree bilang mga kabataan.
Musta naman akong na-stress dahil sa mga issues na nakapalibot sa akin.
"Yo! Ang tagal niyo ah." saad ni Kiel pagkalapit namin sa kanila
"Sorry, nakatulog lang." paumanhin ko
"Can't blame you, pinagod ba naman tayo ni Jake." mungkahi ni Kiel
"Uy! Hindi ko naman kayo pinilit ah!" atungal naman ni Jake
"Wow, parang may choice kami buong maghapon ah. Kung saan-saan na kami napadpad dahil sayo." mabilis na response ni Zeke
Inikutan na lang kami ni Jake ng mata at nagpatuloy sa pagkain ng barbeque. Nakita ko na rin sa wakas yung tilapiang binili namin sa palengke na iniihaw, ngayon naman pala namin kakainin.
"Guys, tara! Sayaw tayo!" hinila kami nina Macy at Ashley
Wala na kaming nagawa. Maybe this is better, I mean, afterall, nandito kami para magsaya at magrelease ng stress. Dapat lang na mapuno ang gabi ng halakhakan at hiyawan. Nagpadaloy na lang ako sa saya ng mga kaklase ko at inenjoy din ang gabi.
Sumayaw, nagkantahan, naghabulan, at nagtawanan, enjoy na enjoy talaga namin ngayong gabi. Nawala sa isipin namin ang ilang mga problema, we really are enjoying our youth.
"Wait, nauuhaw na ako." paalam ko sa mga kasayawan ko
Kumuha ako ng coke sa cooler. Grabeng refreshment ang naramdaman ko nang makainom ako. Tumingin ako sa mga kaklase ko, nilibot ko ang tingin sa kanilang lahat na may malawak na ngiti. Nadapo ang tingin ko kay Art, sa may dulong bahagi ng crowd. Lalapitan ko na sana siya, pero napatigil ako sa paglapit ni Alicia sa kaniya.
Bigla akong nabato sa pwesto ko, animo'y walang magawa. Nararamdaman ko ang pagkawala ng ngiti ko.
ART
Pinapanood ko lang mula sa gilid ang mga kaklase kong nagkakasiyahan, hindi ko rin naman inalis ang paningin ko kay Hugo na punong-puno ng saya ang mukha ngayong gabi. I feel relieved that he chose happiness tonight, para mawala muna ang mga bumabagabag sa kaniya. Sinundan ko siya ng tingin habang pupunta siyang kumuha ng maiinom.
"Real life na ba?" napatingin ako sa tabi ko nang may magsalita
"Huh?" tanong ko pabalik kay Alicia
"Kanina ko pa kasi nakikita yung titig mo kay Hugo. So, I'm here to clarify something." napalunok ako sa susunod niyang sinabi. "May gusto ka na ba kay Hugo?"
Halata sa mukha niya na hinihintay niya ang sagot. Hindi ko alam kung aamin ba ako, or ide-deny ko? Napatingin ako kay Hugo. Anong sasabihin ko? I mean, looking back, sobrang saya niya kanina. Hindi siya nag-aalala dun sa mga issues naming dalawa, if I admit it now, baka mas lalong lumala ang issues na kumalap sa school. Especially, if ako lang naman ang nagkakagusto sa kaniya, unrequitedly.
"Wala. Hindi ko siya gusto." sagot ko kay Alicia
Kita ko ang dismaya niya sa sinagot ko. I can't admit it, and I won't. Ayokong i-risk na kumalat na gusto ko si Hugo, chismosa pa naman tong si Alicia. Husto nang nagwo-worry siya sa mga issues namin, hindi na dapat dumagdag pa na gusto ko siya, lalo kung hindi ko kayang i-deny.
"Sayang." napatingin ako kay Alicia. "I always saw something between the two of you, you know? Lagi kayong nagbabangayan, sure, but I also see something deeper. Yung parang hindi lang dahil sa rivalry niyo ang dahilan. Your banters, yung pagko-compete niyo sa isa't-isa, parang bonding niyo lang." tumingin siya pabalik sa akin. "I don't mean to hint something, pero may something. Hindi niyo lang nakikita."
Wrong, kitang-kita ko na ngayon. I like Hugo, I'm just not sure when it started, but I have always liked Hugo. I can see that now. Tanggap ko, pero hindi ko kayang ipagsigawan o ipagmalaki, lalo kung hindi naman kami parehas ng nararamdaman. And I'd rather not, hindi maganda ang timing.
"Wala ka na ring feeling sa akin, no?" tanong ni Alicia
"None." diretso kong sagot
Ngumiti siya. "At least ikaw alam mo na agad. Unlike him, kinailangan ko pang ipa-realize." tinuro niya si Hugo at bumuntong-hinga siya. "I wonder, what fate may unfold for all of us."
I wonder too. Anong mangyayari sa akin these coming days. Masaya kaya? O masasaktan lang ako dahil sa wala. With my feelings, may maaabot kaya ako? May chance kaya ako?
BINABASA MO ANG
THE RIVALS
Teen FictionGrade 12 student Hugo Aries Robin is one of the hottest heartthrobs in the school, and so is his rival, Art Lyle Cartagena Growing bonds is hard yet also easy; how about rekindling lost bond turned to hatred to love? The story that started with riva...