No choice, stairs tayo... Mula sa 6th floor, inakyat ko hanggang sa 9th floor. Hingal akong umabot, hindi ako nag-aksaya ng oras at tumakbo pupunta sa unit ko.
Wala akong nadatnang tao sa harap. Na saan yun? Namali kaya siya ng pindot sa elevator at napunta sa ibang floor? Hays! Nagpagod ako, pwede ko namang hinintay na lang... Eh sabi ni Ate puntahan ko daw eh!
Kinuha ko sa bulsa ko ang keycard ko... pero nang kapain ko ay wala sa bulsa ko. Heck! Na saan yun! Arghhhhhh! Naiwan ko, hindi ko kinuha! Naman! Lord, bakit niyo naman ako pinaparusahan.
AH! Si ate, alam niya ang passcode. Puro kasi keycard ang ginagamit ko, hindi ko nagagamit ang number pad.
"Ate, ano yung passcode ng unit ko?" agad kong tanong
(Huh? Eh yung keycard mo?)
"Naiwan ko sa loob kamamadali para puntahan sa lobby yung pesteng yun. Nakasakay naman na daw sa elevator, pero wala naman akong nakikita dito. L**** ka kasi!"
(Aba! Ako pa talaga ang sinisi! Sino bang nakipagkasunduan na magkaroommate ka? Ako ba? Ako ba?) pagalit niyang balik sa akin
"Tss! Kahit na, ano na nga yung passcode?"
(Ayy... Sandali, hanapin ko.)
"Bilis."
(Oo na!) bulyaw niya
Hindi ako mapakali. Paano kung nasa loob na pala yun, nakakuha na siya ng keycard eh. Katukin ko kaya para hindi niya maituloy ang pagnanakaw niya?
Grabe ka naman Hugo. Kalmahin mo yang utak mo. Hindi mo nga kilala eh diba, so huwag kang tumalon sa mga konklusyon.
(Oh eto.) naghanda ako. (0329.)
"Kk. Thanks."
Agad kong tinipa ang code, bumukas nga ang pinto. Agad akong pumasok, wala akong nakikita. Mukhang wala pa nga dito, namali ata ng floor. Chineck ko sa kwarto ko, wala namang tao, buti naman at salamat. Panatag ang katawan at isip ko...
"Hugo?" napatalon ako sa gulat
Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya lumabas mula sa kwartong yun, paano siya nakapasok? Napatingin ako sa hawak niya, isang keycard, keycard ng building... Ibig bang sabihin nito...
"Ikaw?"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Art
Art Lyle Cartagena, 18, Grade 12 HUMSS Student at ARNHS. Ang binansagang karibal ko sa madaming bagay.
Siya ang magiging roommate ko?
"Condo unit ko to, ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Dito na daw ako titira sabi ni Mama."
And that, was my confirmation.
Art Lyle Cartagena, 18, Grade 12 HUMSS Student at ARNHS. Ang binansagang karibal ko sa madaming bagay. And now, adding to that... he's now also, alongside his title as my rival, my roommate.
Dapat ba akong matuwa? Magulat? Mainis? Magwala? Dapat ko na bang tawagin sila Jake para upakan siya? Ano? Anong dapat kong gawin?
Ano?
--------------------
ART
I'm Art Lyle Cartagena, 18, Grade 12 HUMSS Strand. I'm always the second of the class. 6' counting over... Pangalawa at bunso sa aming dalawang magkakapatid. Not an athlete, but I enjoy playing men's volleyball and soccer as a hobby. Aspiring to be a Master of Science in Criminal Justice with specialization in Criminology.
Lagi akong agaw tension dahil sa kagwapuhan ko, lagi akong pinaglalawayan, pero hindi ko alam kung bakit may isa pa silang pinaglalawayan... my so-called rival, Hugo Aries Robin.
Si Hugo ang anak ng pangalawang may-ari ng school. Hindi niya inaabuso ang authority at status ng tatay niya, maliban nga lang kung pagdating sa akin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagiging rivals namin, basta alam ko... Hindi ako ang nagsimula.
Magkaribal kami sa madaming bagay, pero ang pinaka-pinagaagawan namin ay si Alicia. Ang pinakamagandang babae sa buong school. Bagay lang naman na ang pinakamaganda ay maging girlfriend ng pinakagwapo...
But that's changed... Hindi ko alam kung paano oh bakit... pero...
Pero...
Hindi ko talaga alam...
...kung paano ako napapayag nung may saping abnormal na yun na magtulungan kami sa challenge ni Alicia. May kung ano akong naramdaman na pwersang nagtulak sa aking pumayag.
So far, I have no complaints. Hindi ko inasahang magkakaroon pala ng oras at dadating ang araw na magiging kalamado lang kami habang nag-uusap. Naihahatid niya pa ako pauwi...
But now, I am facing another problem... ang baliw kong ate.
"Ma, pinapalayas na ako ni Ate." maktol ko
(Hay nako. Hahanapan na kita ng matitirahan.) sabi ni Mama sa kabilang linya
"Sabi niya kapag kinasal na siya saka lang ako aalis. Hindi pa naman siya kasal ah! Nanghihingi ako ng extension, pero ayaw niya."
(Sa ate mo yang bahay anak, kung papalayasin ka edi lumayas ka.)
Aray naman! Masyado naman atang matalim yung espada, parang lowkey favoritism ang ipinamamalas ni Mama ngayon.
"Saan ako tutuloy. Sakto pa namang pagka-uwi kong galing grocery, bubungad sa akin yung mga gamit kong naka-impake na."
(Akong bahala. Kakausapin ko yang ate mo na panatilihin ka muna diyan hangga't hindi pa ako nakakahanap ng matutuluyan mo.)
"Kita mo, pati ikaw naaabala sa kabaliwan ng anak mo. Nalaman lang na buntis eh! Nine months pa bago nagkakababy ang mga babae!" sinigaw ko na ang huling pangungusap para naman tumatak sa isip ng babaeng yun na masyado siyang baliw
(Oh, sige na. Ako nang bahala.) binaba na niya ang tawag
Nakaupo lang ako sa sofa dahil hanggang dito lang daw ako ayon sa mangkukulam ng bahay nato.
Sarap niyang gawin bacteria at buhusan ng alcohol. Dalawang beses para walang .1 or .01 ng kasamaan niya ang matira.
-----
Sunday na. Ayon kay Mama, nakahanap na daw siya ng matutuluyan ko, ite-text niya na lang ang address kaya nag-umpisa na akong mag-impake. Sabi niya, sa Tuesday pa ako lilipat para maihanda yung matutuluyan ko. For the meantime, dito muna ako sa bahay.
Dumaan si ate sa harap ko habang nag-iimpake ako, isang ngisi ang lumabas sa mukha niyang ewan ko kung bakit at paano nakabingwit ng gwapo at hindi niya deserve na lalaki. Mga taste ng mga kalalakihan ngayon... Sana hindi ako mahawa sa virus na yun.
Matapos kong mag-impake, napagdesisyunan kong kumain. Habang kumukuha ako ng kanin, bigla akong nakaramdam ng isang masamang presensya. Paglingon ko, isang mangkukulam ang nakangiti nang nakakakilabot sa akin.
Paulit-ulit nangyari yun. Maski kaninang umidlip ako, pagkagising ko ay muntikan nang lumipad ang kaluluwa ko palayo dahil mukha niya ang una kong nakita. Halatang sinasadya niya iyon dahil humalakhak siya matapos nuon.
Sinabihan ko si Mama na paagahin ang paglipat ko. Sabi niya bukas pa daw ng gabi ang pwede dahil may pasok pa ako bukas.
That's how, I ended up here.
BINABASA MO ANG
THE RIVALS
Teen FictionGrade 12 student Hugo Aries Robin is one of the hottest heartthrobs in the school, and so is his rival, Art Lyle Cartagena Growing bonds is hard yet also easy; how about rekindling lost bond turned to hatred to love? The story that started with riva...