1

52 2 0
                                    


HUGO

Agad akong bumangon pagkarinig ko pa lang sa alarm kong 5:00 am. Hinanda ko na ang uniform ko bago ako nagmumog at naghilamos. Matapos kong mahugasan ang mukha ko, ngumisi na lang ako sa angkin kong kagwapuhan lalo na kapag basa ang mukha ko. Mas nakadadagdag ng kasesksihan ko.

Dumiresto ako sa kusina para magluto, oo, ako lang ang nagluluto ng pagkain ko. Simpleng pritong itlog at instant noodles lang ang niluto ko.

Ako lang ang mag-isang nakatira sa condo ko, at walang katulong. Ano namang silbi nila kung ako lang rin naman ang gagawa ng lahat. Sa mga bayarin ko, si Dad na ang bahala duon, in exchange of high grades na natutugunan ko naman.

Matapos kong kumain, nilagay ko agad sa lababo ang plato at hinugasan para wala nang gaanong gawain paguwi ko ng hapon. Naligo na ako't nagbihis. Pagtingin ko sa orasan, 6:38 am na.

Dali-dali akong tumakbo papuntang elevator, pinindot ko ang basement level. Pasara na sana ang pinto ng may sumigaw.

"Sandali!"

Agad kong pinindot ang Door Open button, pumasok ang isang lalaking naka-suit and tie. Kasing-edad niya siguro si Dad.

"Salamat, hijo."

Nginitian at tinanguan ko na lang siya. "Anong floor po?"

"Ah..." tinignan niya ang mga buttons. "Pareho lang, basement level." tumango na lang ako.

Nakarating ako sa school ko, the prestigious Aruelio Robin National High School. Pagmamay-ari ni Dad, pero founded and built by my great-great-great-grandfather. So talagang may katandaan na tong school nato.

Nag-park ako sa sarili kong parking space, konting special treatment lang as child of the owner.

I'm Hugo Aries Robin, 18, Grade 12 HUMSS Strand. I'm always one of the top students, hindi nga lang ng buong school. 5'11, still growing... Middle Child sa aming tatlong magkakapatid. Not an athlete, but I enjoy playing men's volleyball and tennis as a hobby.

Agad akong naging agaw tension paglabas ko pa lang, napangisi na lang ako nang makita ang mga babaeng lantaran kung makipagtitigan sa akin... I like that and all, pero isa lang ang habol ko.

The girl who's fabulously walking towards the Senior High Building, Alicia Vercosa. Winner of the Ms. ARNHS, voted as the campus queen, at ang pinakamagandang babae sa buong school. Not only that, she's also an angel and a literal godsent.

Kahit sino mahuhumaling sa kaniya... Unfortunately, kasali sa listahan ang may-ari ng sasakyan na kasunod ko lang. Walang-iba kundi ang pesteng karibal ko... Art Lyle Cartagena. Naturingan siyang karibal ko, dahil siya lang ang may tapang na kalabanin ako. Punong-punong ng poot ang tingin ko sa kaniya. Palibhasa 33% shareholder ng school ang nanay niya.

Nang lagpasan niya ako, isang ngisi lang ang binigay niya. Naikuyom ko na lang ang panga ko at sumunod sa kaniya, siyempre, nakipag-unahan ako papunta sa room namin.

-----

Habang nagdi-discuss ang teacher namin, napapatingin ako kay Alicia at napapangiti. Bukod sa maganda na, studious pa.

Nag-ring na ang bell hudyat na recess na, agad na itinago ng mga kaklase ko ang mga gamit nila.

"Okay class, huwag niyong kakalimutan, mao-observe ako bukas. I hope na magtino kayo, I will be expecting full cooperation okay." sumang-ayon naman ang lahat. "Yung mga sakit sa ulo jan sa likod, ewan ko ba kung bakit jan kayo laging naka-upo, kayo ang dapat na pinakamagtino, diyan sa likod niyo uupo si Ma'am Agustus, okay!"

"Yes Ma'am!"

"Oh sige, you may go out."

Agad akong lumapit kay Alicia, na sa kasamaang-palad ay ginawa rin ng peste.

"Ano? Mag-aaway kayo sa harap ko? Go lang, recess naman na." sarkastikong tanong ni Alicia. Umiling kaming dalawa. Ngumiti si Alicia, mas lalo tuloy siyang gumanda. "Handa na ba kayo sa mga ipapagawa ko?"

Tumango kaming dalawa. Kumunot ang noo namin nang makita ang isang nakakakilabot na ngisi sa mukha niya na para bang may malagim siyang pinaplano.

"Narinig ko kanina sa faculty, may sakit daw yung cook ng cafeteria, may replacements naman kaso mahihirapan silang magserve sa mga students. Gusto kong gawin niyo, during break and lunchtime, magvolunteer kayo para tumulong, at dapat makikita ko talaga kayong tumulong."

"Sus!" buwelta ko. "Yun lang? Kayang-kaya." sigurado kong sabi

"For the whole semester, tuwing may mababawas na cafeteria staffs."

Napataas ang mga kilay ko. "Huh?"

Tumango siya. "Balita ko, magre-request daw yung dalawang staff ng leave eh. Yung isa, maternal leave dahil malapit nang manganak, yung isa naman, kailangang asikasuhin yung mga papeles ng pagbebenta ng lupa sa probinsya nila. Hindi ko alam kung kailan, pero kapag nangyari yun, dapat ready kayo."

Whole semester... Kaya ko naman, pero bakit yun ang gusto niyang gawin namin? Ah! Malamang! Hindi lang siya maganda, studious, may malasakit pa sa kapwa!

"Sige! Kayang-kaya ko, ewan ko lang sa isa jan." pang-aasar ko

"Kayang-kaya ko rin. Hindi ako kagaya ng iba jan, nagpapanggap lang para magpa-impress."

I scoffed. T******** pala to eh! Kung wala lang si Alicia, binigyan ko na siya ng make-up sa mata!

"Masyado nang late ngayong breaktime, hindi na kayo makakaabot. Mamayang lunch na kayo tumulong." tumango kami

-----

Dumating ang lunchtime. Sa school nato, provided na ang lunch ng mga estudyante, libre dahil kinukuha na sa tuition fee ang pambayad.

Agad akong dumiretso sa cafeteria habang wala pang gaanong mga estudyanteng lumalabas dahil hindi pa dini-dismiss ng teacher. At ang **p** na l****** peste, nakikipag-unahan talaga sa akin!

"Ah, hello po." panimulang bati ko sa kahera. "Narinig ko po na kulang daw po kayo sa tauhan, gusto ko po sanang mag-volunteer." sabi ko sabay ngiti

"Ako rin po." nagkatinginan kaming dalawang ng asungot

"Ay naku! Hindi na kailangan, kaya naman na namin ito." sabi ng matandang babae

"Sige na ho, mas dadami pa po mamaya yung mga pupunta dito. Habang maaga pa po, mas magandang may extra kayong katulong." pangungumbinsi ko

"Kaya ko pong mag-serve." singit namang ng asungot

"Hindi na..." hindi pagtinag ng babae. "Tsaka bakit ko naman pagta-trabahuin ang anak ng may-ari ng school na ito."

Agad akong umiling. Alang-alang kay Alicia, hindi importante ang estado ko sa school nato.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako ng **p**. "Ako po, hindi po ako anak ng may-ari. Pwede po ako."

"Shareholder ang nanay mo." sabat ko

"Shareholder lang, wala sa kaniya ang majority ng titulo."

"Yun na nga." singit ng matanda. "Hindi namin kayo pwedeng pagtrabahuin."

Naman! Paano ba siya makukumbinsi, gamitin ko kaya si Daddy? Hindi! Baka sabihin pa ng ****s na to na Daddy's Boy ako.

Anong pa bang pwede kong gawin? Utak, isip!

THE RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon