Rhinna's Point of ViewSo anong balak niya? Ang di magsalita? Nakakarinding katahimikan, buti pa sa Dead Society maingay na masaya pa.
Ow? Good idea. Pupunta nga ako dun mamaya.
"Ahm... Inna? Galit ka ba?" napapitlag naman ako nung bigla siyang nagsalita.
Ang tahimik kasi kaya nagulat ako.
"Why would I?" i asked habang nakatingin sa bintana.
Nandito kasi kami sa lumang classroom sa pinakadulo ng building na to. At walang estudyante ang pumupunta dito.
"Sabagay... ahm... kasi Inna... si Prince... ano kasi eh..."
"Pinapalayo ka sakin. I know." ako na nagtuloy sa sasabihin niya dahil baka mayamot lang ako.
Uso ba ngayon yung ganong salitaan? Tsk.
"Sorry Inna. Ayaw lang kasi ni Prince na mapasabak ako sa gulo kasi alam niya daw na... na marami kayong kalaban. Baka daw yung grupo namin ang puntiryahin, tsaka sabi niya hindi pa daw kasi namin alam ang grupo niyo kaya ganon." sabi niya habang hindi mapakali.
"Wala naman akong pake kung palayuin ka niya sakin. Eh ano? Di ka naman kawalan." sabi ko sabay alis.
So yun pala yon? Tsk. Put* siya
"Wait Inna!" hinawakan ako sa wrist ni Dave sabay pinaharap ako.
Muntik pa kong maout balance kayat napakapit ako sa dibdib niya.
Napatingin ako sa kanya at nakangiti ito. Tsk. Agad agad naman akong umayos ng tayo at maglalakad na sana ulit ng magsalita siya.
"Pero di yun magiging dahilan para hindi kita ligawan. Please Inna, payagan mo kong ligawan ka." nagulat ako ng lumuhod ito sa harap ko at hawakan ang magkabila kong kamay.
"Mukha kang tanga tumayo ka nga dyan!" sigaw ko sabay batok sa kanya.
"Di ako tatayo hanggat di ka pumapayag." ma-awtoridad na sabi nito.
Talaga ba?
"Ah ayaw mo? Di wag." sabi ko sabay alis.
Bababa na sana ako sa hagdan pero tiningnan ko muna siya.
Nakaluhod habang nakayuko.
So uso yun? Bahala siya diyan. At tuluyan na kong bumaba.
Dave's Point of View
Wala na nga siyang pake sayo Dave diba? Bakit ka ba mapilit?
Yumuko na lang ako habang nakaluhod pa rin dito. Alam kong wala na siya kasi di ko na ramdam ang presensya niya. Nagdaan ang sampung minuto at di pa rin niya ako binalikan.
Hay.
"Di ako aalis. Di ako aalis. Di ako aalis. Di ako aalis." bulong ko sa sarili ko.
"Tumayo ka na. Tara na." napatunghay ako ng marinig ko ulit ang boses niya
Binalikan niya ko.
"Ano? Ayaw mo pa tumayo? Di wag." sabi niya sabay talikod.
Tatayo na sana ako para para pigilan siya kaso di ko maigalaw ang paa ko.
Shit. Eto na naman.
Tatayo sana ulit ako kaso mas lalong sumakit yung tuhod at paa ko.
"A-aah." inda ko habang nararamdaman ang tila nasusunog na laman sa loob ng katawan ko.
Tumingin ako kay Inna at nakita kong pababa na siya ulit sa hagdan. Wag ka ng lilingon. Shit please bumaba ka na.
Bakit kasi ngayon pa! Pero huminto ito at tumingin sakin.
Shit. Wag ka ng lumapit.
Wrong timing kang binti ka!
"Hindi ka talaga tatayo dyan?!" sigaw nito dahil malayo layo na siya sakin.
"A-ahm. Sige mauna ka na lang pala. Trip ko pang lumuhod eh. Ha-ha-ha." I fake a laugh para mukhang makatotohanan pero mukhang hindi ito kumbinsido dahil naglakad ito pabalik sa kinaroroonan ko.
"Anong nangyayari sayo?" tanong nito at agad agad na lumapit sakin.
Shiiiit. Gumalaw kang binti ka! Dali!
"Ah. W-wala ah. Ha-ha."
"You look pale." sabi niya habang pinagmanasdan ako. Kung wala lang siguro ako sa sitwasyon na ito ngayon ay baka nagtatalon talon na ako sa tuwa dahil sa nagaalala siya sa akin pero hindi. Kailangan kong isipin muna ang bagay na ito ngayon. Hindi niya pwedeng malaman!
Hahawakan na niya sana ako pero umiwas ako.
"A-ahm... Inna, mauna ka na.... please." bulong ko pero sapat na para marinig niya.
"No. I'll stay." pagmamatigas niya at inalalayan pa akong tumayo.
Gumalaw ka naman... bwiset.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya ulit ng narinig bawat daing ko sa bawat galaw ko.
Sobra na kong pinagpapawisan dahil sa ang sakit sakit ng mga binti ko, isama mo pa na sobrang lapit namin ni Inna sa isa't isa.
"I... I c-cant move." sabi ko habang naghahabol ng hininga. Please wag ngayon. Ayokong sa harap harapan niya ako maging ganito.
Nakita ko na lang na may inilabas si Inna na cellphone at kumausap ng kung sino.
Di ko na masyadong maintindihan ang pinaguusapan nila dahil sa hirap na hirap na ko sa sitwasyon ko. Unti unti ng nanlalabo ang nga mata ko at namamanhid ang bawat kalamnan ko sa katawan. Hindi ko na rin maibuka ang bibig ko dahil sa kakapusan ng hininga.
And everything went black.
~
Prince' Point of View
Bwiset talagang Dave yon! Sa lahat ng kakalimutan yung gamot pa niya!
Napakainutil!
Teka? Nasan na nga ba yun? Aaaarrggghhh! Bwiset talaga. Paano na lang kung sumpungin na naman siya ng sakit niya. Hindi pupwedeng may makaalam nun dito. Baka tagain ako ng buhay ni Uncle Leo. Hindi ko pa naman kaya ang isang yun. Parang leon pag nagagalit.
"PRINCE!" rinig kong sigaw nila Drew sakin.
"Ano?!" irita kong tanong dahil sa natataranta na ako kakaisip kay Dave.
"Si Dave..."
Di pa siya tapos magsalita napatakbo na agad kami.
Paakyat kami ngayon sa abandoned stair. Kung saan walang napapadpad na mga estudyante. Bakit siya pumunta dito?
Hanggang sa makita ko silang dalawa...
"RHINNA, DAVE!" sigaw ko nang makita ko na sila.
Agad agad akong lumapit kay Rhinna at hinawakan siya sa balikat.
Nakita ko sa mata nito na natatakot siya kaya agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Dave
"Dave!"
~
LJ's Point of View
Nung tumawag samin si RR kanina halos mag mukha na kaming sasabak sa olympics sa sobrang bilis ng takbo namin lalo na nung sumigaw si RR sa kabilang linya at ngayon alam ko na kung bakit siya napasigaw.
Nawalan ng malay si Dave sa harapan niya. At mukhang babalik na naman siya sa dati, kung saan nilalamon siya ng takot at lungkot.
Sana hindi...
Someone's Point of View
"So how are they?"
"They are still alive. Peacefully alive."
"Then make it miserable, so you can get what you want."
"I will."
~~