Someone's Point of View"Hays! Sa tingin ko kailangan na nating sabihin sa kanila." sabi nito habang nakatingin sa akin ng diretso. Pero inirapan ko lang ito. Ayoko muna makipagtalo sa kaniya hanggat maaari.
"Wag muna hangga't hindi pa natin nakakaharap yung mga bagong dating. It means, hindi pa ito ang tamang oras na makilala tayo." sabi ko sabay talikod sa kanya. Kanina pa kasi ito nangungulit at kanina pa din ako napipikon. Pasalamat na nga lang siya at hindi ko siya kayang patulan.
"Para saan pa kung lahat naman sila mukhang naghihinala na? Hindi mo ba ko maintindihan? Mas magandang malaman na nila ng mas maaga kaysa ganito!" sigaw niya.
Alam ko naman ang pinupunto niya pero hindi lang din kami nagkakaintindihan. Masyadong malawak ang utak ko kaysa sa kaniya na mas iniisip lang ang madaliang paraan kaysa yung mas nakakabuting paraan.
"Hayaan mo sila!" singhal ko. Natigilan ito at masamang tumingin sa akin. Alam kong mag aaway na naman kami dahil dito kaya naghanda na ako para sa iba ko pang plano.
"Bahala ka nga! Tsk! Pero kalian mo ba balak na magpakilala?" halatang naiinis na siya. Pero mas naiinis naman ako sa inaasta niya. Para siyang bata na gustong umamin na siya ang nakabasag ng plato sa kusina.
"Soon."
Jell's Point of View
Hi there! I'm Jell. Wala ng kasunod yan dahil wala akong pake. Charot! Ako ang pinakaplaygirl sa grupo, why? Kasi malamang maganda ako. Haha! Alam ko ng maganda ako pero wag niyo ng ipaglandakan. Minsan kasi, neheheye ne eke.
"Hey guys! Lets have some fun! Lets PARTEEEEEY!" sigaw ni LJ habang tumatalon talon. Naexcite naman ako bigla at nakisigaw na din.
"WHOOOOO! Masaya yan!"
"Tama! Tama! Masaya yan! WHOOOOO!" sigaw din ni Ollen na kanina lang ay bugnutin. Well as always!
"Tara! Kukuha lang ako ng mga fuuuuuuudssss!" sabi ni LJ sabay punta sa kusina. Kumpleto kasi kami sa gamit. Why? Kasi batas kami.
"Uy! Nakabili ka na ba ng bagong kotse?" pasisimula nitong si Lan ng paguusapan. Pagnatripan kasi naming magkakaibigan ay parati kaming nagpapayabangan sa lahat ng bagay. At laging si RR ang nanalo kahit na hindi naman siya nakikisali sa kabaliwan namin.
"Hindi pa! Baka sa susunod na lang!" sagot ni Jay-em.
"WUHAHAHAHA! Mukhang namumulubi ka na ngayon Jay-em ah?! Gusto mo pa utangin kita?" pang aasar naman nitong si Lan. Pagdating talaga sa kayabangan nangunguna siya.
"Tang*na mo! Marami pa akong pera, kaso tinatamad nga lang akong bumili ngayon! Kakabili ko pa lang kasi ng bago!" todo depensa naman nitong si JayEm. Haha! Pagkakaalam ko kase nagiipon na naman siya para sa Tita niya. Napaka Tita's girl kasi eh! di mo naman kasi masisisi dahil iyon na lang ang katuwang niya ngayon. Tulad namin.
"Teka! Bakit ikaw Lan nakabili ka na ba ng bago! Makapangasar ka kay Jay-em ah!" pangtatanggol nitong si Ollen. Bestfriends eh. Ako lahat naman kaibigan ko. Well except kay RR na hindi ko super close.
"Uhm? He-he. Hindi pa. Hahaha! Joke ko lang naman yung pang aasar ko." tumatawang sabi ni Lan. At ayun pinagtulungan na siya ng buong gang!
Yan ang napapala sa mga baliw! Hahaha! Teka teka? Bakit parang wala na naman si Quence?
"Uy! Sandali lang! Pansin niyo nasan na naman ba si Quence?" tanong ko habang inaawat sila. Infairness ang bigat ni Kad!
"Oo nga noh? Nasan na naman kaya yun?" tanong din ni Kad habang nagaayos ng damit.
![](https://img.wattpad.com/cover/13779127-288-k47832.jpg)