Rhinna's Point of View
"Umamin ka na LJ!" Pang aalaska ni Ollen kay LJ na ngayon ay pulang pula na. Kanina pa namin ito inaasar at kanina pa siya dumidepensa. Ayaw niya pang umamin kahit naman alam ko na.
"Wala naman kasi talaga akong aaminin eh! Stop na kasi!"
Humarap ito samin habang pumapadyak ng paa. Pag nadapa to habang naglalakad ng patalikod tatawa talaga ako ng malakas.
"Ouch!" Napatigil kami ng matisod si LJ na ngayon ay hawak hawak na ng isang lalaki.
Teka? Namumukhaan ko sila ah?
"Tumingin naman kayo sa dinadaanan niyo! Tss!" sigaw ni LJ.
Nakita kong napakunot ang noo ng lalaking nakasalo dito at bigla siyang binitawan. Kaya ang nangyari ay natumba na ito ng tuluyan.
"Walang modo!" Sigaw niya ulit. Pero ang lalaki ay tahimik lang na parang walang pake sa ginawa niya.
"Tss. Pasensya na okay? Kayo kaya tong hindi nagiingat." singit nung lalaking nakabonnet. Pinanliitan ko ito ng mata ng maalala kong siya yung mayabang na nanakit kay Ollen dati.
"Tara na."
Napatingin ang lahat sa nagsalitang lalaking nakatingin sa malayo. Bigla namang nanlamig ang buong sistema ko habang nakatingin dito.
Parang napako na ang tingin ko dito at ayaw ng humiwalay.
"R-rh...."
"Tara na sabi ko!" sigaw niya ulit at humarap na samin.
Nababaliw na naman ako! Kung ano ano na naman ang naiimagine ko. Napakaimposible ng naiisip ko.
"Galit na si Prince. Puntahan na natin si Dave sa room." Sabi nung lalaking nakabunggo kay LJ kanina.
"Tara na. Ayoko ng hangin dito eh. Dumudumi." Bulong ni Chris na nakatingin sa lalaking kanina pang nakayuko. Alam kong may something sa mga ito pero hindi na ko mangangaialam. Wala din ako sa wisyo para magtanong pa.
"Let's go." Sabi ko at tumingin muli sa lalaking tinatawag nilang Prince.
"H'wag kang malinlang. Alam ko yang iniisip mo. Nakita ko. Tara na." sabi ni Lj sakin at hinatak na ako para umalis.
Kung hindi lang siguro siya humarap, talagang iisipin ko na siya nga yon.
Ewan ko ba pero buong araw na kong tulala sa kakaisip sa nakita ko kanina. Kahit pilitin kong wag isipin yun ay hindi ko maiwasan. Paulit ulit pumapasok sa isip ko ang mukha nito.
Nandito kami sa garden ng school ngayon at kumakain pero sila lang yun dahil wala akong gana. Well, lagi naman talaga akong walang gana.
"TROY ANO BA?!" narinig na lang namin si Lan na nagkanda tili tili na, teka sino ba yang lalaking yan?
"HAHAHA! DARREN! SALO!" sigaw nung lalaking sinisigawan ni Lan dun sa lalaking paparating pa lang.
"Teka si kuya to diba?" Kunot noong sabi nito habang nakatitig sa litratong nasalo nito.
"Kuya Darren akin yan!" sigaw ni Lan sabay talon papunta dun sa Darren ba yun? Ang kaso umiwas yung Darren kaya ang natulak ni Lan ay yung nasa harapan kong lalaki.
Nice.
Prince' Point of View
"Kuya Darren akin yan!" sigaw ni Lan kay Darren sabay talon kaso itong lalaki namang ito ay umilag kaya sakin ang bagsak.
Nice.
"RR!" sigaw nila at dun ko lang nalaman na may nadaganan pala ako.
Fvck!
![](https://img.wattpad.com/cover/13779127-288-k47832.jpg)