Quence' Point of View
"Quence!" tawag ni LJ sakin na patakbong papunta sa harapan ko. Lumabas na kasi ako sa HQ dahil hindi ko maatim na huminga ng parehas na hangin sa mga tao doon.
"Bakit?"
"Problema mo?" tanong niya sabay akbay sakin. Pansin ko lang kay LJ ang hilig niyang mang akbay. Kahit ata hindi niya close ay gaganitohin niya din.
"Wala ka na dun." sabi ko sabay tapik sa kamay niyang nakaakbay sakin. Ayokong mahawakan ng mga kriminal. In short, ayokong magpahawak sa kaniya.
"Kung may problema ka sabihin mo lang at baka pwersahin pa kita." seryosong bulong ni RR. Kinilabutan naman ako bigla sa mga salitang binitawan niya. At para bang naulit ulit yung pakiramdam ko dati ng makita ko ang Dark Duo. Ang dalawang taong kilala kong pumatay sa magulang ko.
Three years ago...
Nandito kami ngayon ng mga parents ko sa Italian restaurant at nagcecelebrate ng 43th birthday ng Daddy Tony ko. Ngayon na lang kasi ulit nagkasama sama dali sa sobrang busy nila sa pagtatrabaho kay sobrang saya ko at ngayon ay magkasama kaming kakain. Kilala sa buong europa ang pamilya namin dahil sa kabi kabilang business ang naitayo nila sa bawat lugar. Kaya naman hindi na ko nagtaka na busy sila parati. Hindi naman ako nagtatampo dahil naibibigay naman nila ang lahat ng pangangailangan ko kaya wala akong karapatang magalit.
Ang sarap pala sa fee——-
"LAHAT KAYO YUMUKO!"
*BANG*
*BANG*
Napayuko ako at pumailalim sa lamesa ng marinig iyon.
"KYAAAAAAAAAHHH!" sigaw ng mga tao. Apat na lalaki ang nagpaputok ng baril kaya nagkagulo na ang mga tao. Kami naman nila Mom and Dad nagpapanik na para lumabas dahil masyado ng delikado sa lugar na ito pero parang naging slow motion ang lahat. Natamaan si Mom and Dad ng tatlong sunod sunod na putok ng baril.
Nakita ko na lang si Dad at Mom na nakahandusay na sa sahig at punong puno ng sarili nilang dugo. Unti unti namang tumulo ang luha ko at lumapit sa kanila. Hindi pwede to, hindi sila pwedeng mawala!
"A-anak. E-ency t-tumakbo ka na. B-bilisan mo!" kahit na hirap na hirap na silang magsalita ay pinilit pa rin nila.
"Ayoko po Mommy! Tatawag po ako nv ambulance para magamot kayo ni Daddy!" Sabi ko habang pinipilit na abutin si Daddy na nawalan na ng malay. Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kaniya dahil sa tapat ito ng puso natamaan.
"No, E-sncy. L-listen to me. You s-should run n-now. Kailangan mong mabuhay. Dapat k-kang mabuhay." Sambit nito habang hinahaplos ang pisngi kong puno na rin ng dugo galing sa kamay niya at luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Unti unting sumisikip ang dibdib ko sa pangyayaring nasaksihan ko ngayon. Ayoko silang iwanan dahil sila na lang ang mayroon ako ngayon. Kung mamamatay sila ay sasama na lang din ako dahil hindi ko rin naman kayang mabuhay ng mag isa. Kailangan ko sila. Kailangan ko ang mga magulang ko.
Nakarinig ulit ako ng putok ng baril at alam kong malapit ito sa akin. Napalingon ako sa pinanggalinan nun at ganoon na lamang ang takot ko ng makita ko silang papalapit na sa akin.
"Ency, run!"
Labag man sa loob kong sundin ang sinabi nila ay ginawa ko pa din. Siguro nga'y kailangan ko pang mabuhay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Hindi ako papayag na ganoon na lang matapos ang buhay ng mga magulang ko.
Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero natatakot akong tumigil dahil alam ko at pakiramdam kong may sumusunod sakin. Ayokong mahabol nila ako. Kailangan kong magtago.
Lumiko ako sa malapit na eskinitang nakikita ko
"AAAHHH—-HHMMMPPPHH!" nagulat na lang ako ng may nakabunggo akong isang babaeng nakamask at nakakulay itim na fitted long sleeve na damit. Lumapit ito sa akin at ako naman ay paatras. Patuloy pa din ako sa pag iyak kahit na kailangan kong maging matapang. Dito na din siguro matatapos ang buhay ko.
May ibinato ito sa akin na maliit na bagay at maya maya lang parang inaantok na ako. Anong nangyayari?
Doon ay bigla bigla na lamang akong nilamon ng kadiliman, nakatulog na ako.
"Bakit mo pa kasi dinala yan dito?!"
Nasan na ako?
"Sinusundan kasi siya ng mga yun. Alangan iwanan ko edi patay din. Ang tatanga naman kasi nila bakit late na dumating sa resto?!" R-resto? S-sila siguro ang may gawa kanina nun? Sila siguro ang pumatay sa mga magulang ko! Pumatay sa mga maraming tao!
"Eh ano naman kung sinusundan siya! Dapat hinayaan mo na lang siya!" Rinig kong sigaw ng kasama pa nito. Natatakot man ay sumilip na ako sa likod ng pinto kung saan ako nakahiga at may nakita akong dalawang babaeng nakasuot ng isang fitted na damit. Yung isa nakakulay pula at yung isa naman yung kaninang nagdala sakin dito.
Tumayo na ako ng dahan dahan at lumapit sa kanila pero ganoon na lamang gulat ko ng may muntik ng tumusok sakin sa mukha. Pagtingin ko sa likod ko nakita kong isang shuriken. At may nakasulat pang Ddx? Ano tong pinasok ko? Mukhang delikado ako sa lagay ko. Akala ko pa naman ay ligtas na ako dito!
Tumingin ulit ako sakanila at nakita kong nakatingin sila sakin. PATAY!
Pero kailangan kong magpakatapang para makaalis na ako dito. Tumakbo ako ng mabilis para sana lumabas sa nakita kong nakaawang na pinto kaso lang ay may malakas na naghampas sakin ng kung ano sa batok ko. Pero bago pa ako mawalan ng malay ay narinig kong may tumawag sa kanila.
"Dark Duo."
Simula nung araw na namatay ang mga magulang ko naging matapang na ako para sa hustisya. Hustisya para sa mga taong namatay ng araw na iyon. At alam ko na kung sino ang mga pumatay sa kanila.
Dark Duo.
"Wala akong problema kaya hindi niyo na ako kailangan pang pwersahin." sabi ko at lumayo ng konti kay RR, masyadong nakakatakot ang presensya niya. Kahit siguro sinong tao ay matatakot kung ang isang tulad niya ang makakasama mo.
"Eto naman, tayo tayo na nga lang magkakaibigan dito lagi ka pang nagtatago ng sekreto samin." sabi ni LJ habang tumatawa.
"Yun nga eh. Tayo tayo na nga lang ang magkakaibigan tayo pa ang naglilihiman." Mariin kong sabi sabay alis pero bigla akong hinawakan ni RR sa braso at bumulong na nakapagpataas lalo sa aking balahibo at pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Wag ka na magtago sakin. Remember, I'm a mind reader." Sabi nito bago ako bitawan.
---
❌UNEDITED CHAPTER❌