LJ's Point of ViewNakakabadtrip na talaga yang si Quence ah. Makapaghinala over over. Ano naman kayang problema nun? Siguro nireregla yun. Joke!
"Huy! Tol? Ano kayang meron dun kay Quence nung isang linggo?" tanong ko kay RR.
Isang linggo na kasi ang nakalipas simula nung araw na naging weird ang mga kilos ni Quence. Well, lagi naman kasi siyang weird kumilos sadyang nadamay na lang kami ngayon.
"Ewan ko?" simpleng sagot nito habang inaaliw ang sarili sa hawak niyang shuriken. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na muling matitigan ng mabuti ang itsura nito.
Napaka amo talaga ng mukha niya. Kaso nga lang kung ano ang kinaamo ng mukha niya yun namang kinabrutal ng ugali niya. Minsan ko lang ito nakitang ngumiti ng totoo. Parati kasi itong seryoso pero alam kong miserable ang loob niya.
Naalala ko na naman tuloy yung unang araw na nakita ko siya.
Four years ago...
"Manang gusto ko ng lumipat ng school!" narinig kong sigaw ng isang babae sa likod ng punong inuupuan ko.
Nandito kasi ako sa park at nagmumuni muni lang. Kahapon lang kasi nilibing si Dad at nawawala naman ngayon si Mom. Ni hindi ko nga sigurado kung buhay pa ito ngayon o hindi. Sana nga lang ay buhay pa. Hays. Magisa na lang ako sa buhay. Bakit ba naman kasi naging mayaman pa kami? Ayan tuloy, daming naging kaalitan nila Mom. Tss. Pagnahanap ko talaga sila, ako mismo ang tatapos sa buhay nila. Ako mismo ang papatay sa kanila.
"Pero Ma'am Rhinna bawal po, magagalit po ang Auntie niyo." magalang na paliwanag nung kasama niya
Sumilip na ako sa likod na yun at nakita ko yung babaeng mga kasing edad ko lang at yaya niya ata.
"Wala akong pake. Basta lilipat ako!" sigaw nung babae. ABA'T. Napakaselfish naman nitong babaeng to!
"Pero Ma'am?"
"Fine! Tanggal ka na sa trabaho! Madali lang naman akong kausap eh." sabi niya. Grabe na talaga siya!
"Ahm. Mawalang galang na ho. Ahm kasi grabe ka kase makipagusap sa mas matanda sayo. Gusto ko lang sana sabihin na kahit yaya si manang ay respetuhin mo pa din." singit ko. Tama naman ako diba? Dapat gumalang pa din siya. Di porket yaya niya lang ang kausap niya di na siya gagalang. Nakakapanginit ng ulo ah.
"Eh ano naman! Yaya ko lang siya kaya wala siyang karapatang tanggihan ako! Tsaka sino ka ba at nangingielam ka ng buhay ng may buhay huh!?" sigaw niya! Aba at namumuro na tong babaeng to ah! Pero kakalma na muna ako hanggat kaya ko pa, nagbilang ako ng 1-10 saka huminga ng malalim.
"Eh kahit na po ba na yaya niyo siya mas matanda pa rin po siya sayo. Tsaka ako pala si Lyra, hindi naman ako nangingielam eh nagsasabi lang ako." paliwanag ko ng mahinahon
"Tss. Dont talk to me, okay? EVER!" sigaw niya sabay alis. Nakakabwisit siya ah!
"Alam mo! Sa tingin ko wala talagang tatagal sayo! Sa ugali mong yan nako! Sayang ka lang! Mukha ka pa namang mabait." sigaw ko sa kanya. Tumigil pa siya sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko. Pero sa pagtigil na yun parang wala lang, naglakad na lang siya ulit.
Tss. Sana naman kahit papaano matauhan na siya!
(Kinabukasan)
OW SHOCKS! PASUKAN NA PALA!
Nagmadali na lang akong magayos para hindi ako malate sa pagpasok. Naku naman! Bakit ngayon pa ako nalate magising! >.<
"Ahm Ma'am? Hindi na po nakasabay si Likary sa inyo kase po nagmamadali na po——"