Jason's Point of View
"Ang galing!"
"Woaw!"
Napatigil kami sa pagkain ng mga kasama ko dahil sa ingay mula sa sala. Ang totoo niyan ay kanina pa sila pag gising namin nagiingay. Hindi naman kami makaapela dahil hindi naman namin lugar ito.
Hindi ko naman maintindihan si Prince kung bakit siya pumayag na sumama kami sa bakasyon na to. Hindi naman kami mahilig doon dahil bahay pa lang nila Dave ay pwede ng bakasyunan.
Nakakainis pa dahil isang laptop lang ang dala ko dahil hindi sa akin pinadala ni Prince ang siyam pa. Masyado daw magiging pabigat sa lakad namin iyon. Wala tuloy akong mapaglibangan.
"Ako lang ba o tayo yung unti unti ng napipikon sa mga babaeng yun?" Inis na sabi ni Hanzel.
"Hindi ka nagiisa bro." Gatong namin ni Sam.
Maya maya pa ay bigla kaming natahimik. Parang may dumaan na anghel. At parang naging iisang utak din ang mayroon kami.
"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Bulong ko. May nabubuong plano sa utak ko ngayon at alam kong magugustuhan nila yon. Well, pare parehas kasi kami ng trip.
"Bro kahit wala akong isip, naiisip ko siya." Natatawang sabi ni Hanzel sa akin. Siya kasi ang pinakawalang kwentang utak sa amin. At sinabayan pa ng pagiging slow. Pero akalain mo nga naman na nagets niya agad ang naiisip ko.
Tiningnan ko ang lahat at isa isa silang ngumisi.
"Let's play."
-
Au's Point of View
Kasalukuyan akong naglalaro sa laptop ko kung saan pinapanood ako ng mga kasama namin. International kasi ang kalaban ko kaya ganun na lang sila magtili kanina pa. Nahihiya na nga ako para sa mga bisita dahil alam kong dahil sa kaingayan namin sila nagising kanina. Pero mukhang sadya din naman kasing nagiingay ang mga kaibigan ko para inisin sila.
Hindi naman na ako umaasa na aalis pa sila so lulubusin na lang namin ang pagkakataon na mas mataas kami sa kanila.
"Hi!"
Napatigil kaming lahat sa paglalaro nang makita ang mga lalaking kanina pa nasa kusina. Simula kasi ng magising sila ay wala pang lumalapit o kumakausap sa amin. Hindi ko nga mapagtanto kung anong meron.
Hindi naman kami mabaho. Because before taking a nap, naliligo kami.
Hindi din kami bad breathe. We always brushing our teeth.
Hindi din kami nangangain. Because first of all, we don't eat cheap food pano pa kaya ang basurang gaya nila.
Uhm, well, mayaman naman daw talaga sila but I really don't see them as one.
"Wala man lang bang 'hello' dyan?" Tanong ng lalaking nakacap.
That's why I don't like them. Nasa loob ka ng bahay tapos ang lakas mo makasuot ng cap? Sino bang siraulo ang gagawa non?
"This is embarrassing. Masyado niyo kaming iniisnob ha." Pacute na sabi naman ng lalaking sa pagkakatanda ko ay yung mahilig mang asar kay Jell.
Ang kilala ko lang kasi sa kanila ay sina Dave, Prince at Jan which is kanina ko lang talaga nakilala dahil parati siyang nakabuntot kay Chris. Sina Dave at Prince kasi ang nakausap ni RR noong nasa classroom kami at nagtatawanan. Bigla silang sumingit na akala mo ay may napakainteresanteng bagay ang napaguusapan namin.
Kaso kung sino pa ang kakilala namin, sila pa ang wala. Prince, Dave and RR went to the market. Kailangan daw nilang mamili ng kakainin namin within one week at si Jan naman ay kasama si Chris na lumabas.