Chapter Twenty-Nine- Hell I

144 24 1
                                    


Hanzel's Point of View

"Shit naman! Kung hindi lang talaga sa kanilang bahay to kanina ko pa tinaob to at naghanap ng makakain!"

Napatingin sakin lahat ng tunayo ako. Umakto pa ako ng nanununtok dahil sa kabwisitan. Pano ba naman simula nung nangyari kay Jason at sa babaeng niyakap niya hindi pa rin kami pinapakain ni RR. At take note! Umaga pa yon at gabi na ngayon!

I've never experience this before! Ni hindi nga ako magawang gutumin ng mga magulang ko sila pa kaya! Nakakainis pa dahil wala kaming karapatang magreklamo! Si Prince din kasi walang magawa! And this is actually hell!

"H'wag mo lang ipakita sa mga impak--- babaeng yun ang ginagawa mo. Baka masampulan ka pa. Kita mong mga amazona sila eh." Natatawang sabi ni Drew sakin.

"Tss. Nasan ba si Prince?"

"Bakit?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng hinahanap ko. Walang tao kanina sa likod ko ah!

Jusko muntik na kong mawala sa earth! Baka mabawasan pa ng gwapo!

"Tss. Pumunta kayo sa kwarto. I already warned you yesterday, you should be careful whenever we're with them."

"Pero kasi Prince, ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pa nating sumama sa kanila. Bakasyon naman din nila to!"

Muntik ko ng malunok ang dila ko ng bigla itong tumitig sa akin. At hindi ako komportable doon. Well, hindi talaga ako magiging komportable sa paraan ng pagiging strikto ni Prince. Huhu feeling ko babalatan niya na ako ng buhay ngayon. Hindi naman kasi siya basta basta nagagalit eh! Minsan nga kahit natapunan ko na siya ng mainit na kape hindi niya ako sinaktan eh. Well, pinainom niya lang naman ako ng apat na kape. Aish!

"Sa pagkakaalam ko dati ka pa hindi nakakaintindi."

"Boom!"

Nagtawanan ang lahat ng dahil doon. Yung ihi ko na dapat palabas na sa takot ay umurong ng mapagtanto kong nagbibiro lang si Prince. Jusko akala ko katapusan na ng buhay ko!

"Punta na muna kayo sa kwarto. I'll explain everything there."

Maagap naman akong sumunod dahil sa I still have will to live. I don't want to end my life with this. Okay, I'm over reacting things now.

Pagkarating na pagkarating namin doon ay nagsimula na ding magkwento si Prince. Not a fairytale. But looks like there's a chimeras chasing you.

A hell for them.


-


Quence' Point of View

"Where are you going?"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni RR. Ang pagkakaalam ko ay tulog na ang lahat, gising pa pala. Well, kahit naman ata tulog siya at gumalaw ako mararamdaman pa rin niya. She's RR by the way.

"I'll drink water." Tipid kong sagot dito. Tinanguan lang ako nito at bumalik na sa pagkakatulog.

Napagusapan kasi namin ngayon na dito sa kwarto ni RR kami matutulog ngayong gabi dahil sa marami kaming paplanuhin. Marami naman na kaming napagusapan. Isa na doon ang pagiging maingat sa kasama naming mga lalaki. Hindi naman daw sila kalaban pero hindi din daw dapat itong gawing kakampi.

Oo, at may maitutulong sila sa amin pero hindi sa matagal na panahon maaaring tulong ang ibigay nila sa amin. Anytime they can betray us.

Naglakad ako ng tahimik palabas ng kwarto para wala ng maistorbo. Baka magpanic pa ang mga abnormal na iyon at mapatay ako. Matindi pa naman sila magulat. Tss. Pababa palang ako ng hagdan mapatigil ako dahil sa kung anong ingay ang narinig ko mula sa baba.

Dumiretso ako ng tahimik pababa at inihanda ko ang sarili ko para sa kung anong pwedeng mangyari. Baka kung sino lang itong taong to.

Habang palapit ako ng palapit ay palakas ng palakas ang tunog ng kung ano at tingin ko ay mula ito sa kusina. Parang nilulukot na mga plastik ang tunog na naririnig ko mula dito. Bago ako pumasok sa kusina ay kinuha ko ang vase na malapit sa pintuan para kung sakaling bigla ako nitong sugurin ay may laban ako.

Nang makarating ako sa loob ay may nakita akong taong nakaupo sa sahig habang nakaharap sa ref. Kaya naman mabilis akong kumilos at walang pag aalinlangang hinataw ito sa batok.

"P*TA! ARAY!"

Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng mapagtanto kung sino ang nahataw ko. Hawak hawak niya ang batok niya na ngayon ay mayroon ng malaking sugat at kitang kita ko din ang pulang pula niyang mukha. Para akong bato na nakatingin lang sa kaniya habang siya ay unti unti namang namumutla. Patuloy din kasi ang pagdugo ng kaniyang batok dahil siguro sa lakas ng pagkakahampas ko dito.

"S-sorry... kasi---"

"T-tulungan mo na l-lang ako p-please."

Maagap ko itong dinaluhan at inakbay ko sa aking balikat ang kaniyang kamay at dinala sa aking kwarto. Para akong nilalamon ng konsensya dahil sa ginawa ko. Nang makita ko ang pagkaputla niya ay parang pati ako ay nanghina. Hindi ko naman sinasadyang mahampas siya. Ayoko namang isisi sa kaniya ang pagkain sa kusina ng ganitong oras dahil alam ko ay hindi pa sila kumakain.

Aish!

Maingat ko siyang inilapag sa kama at mabilis na kumuha ng basang towel sa banyo. Nang makabalik ako ay kita ko ang mabilis na pagtaas baba ng dibdib niya marahil ay dahil sa sakit.

Malaking vase at malakas na pagkakahampas.

Iyon lang naman ang dahilan kung bakit nasa ganito siyang kalagayan ngayon. At nakokonsensya ako.

"Halika lilinisin ko yung sugat m---"

"A-ayoko!"

"Kailangan malini---"

"A-ayoko nga sabi! Ikaw m-may dahilan kung b-bakit ako nasa ganitong s-sitwasyon tapos tutulungan mo ko? Baka p-patayin mo na ko!"

Parang bigla namang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Edi mamatay ka na dyan!" Sigaw ko dito sabay bato ng towel na basa sa kaniyang mukha. Kita ko pa ang pag-inda nito sa sakit dahil sa sugat. Bigla naman akong naawa. Kahit na ba ininis niya ako ay may konsensya pa din ako. Pag natuluyan to ay ako pa ang masisisi.

Quence, just spare him. Always remember, he needs your help. I blow a frustated sigh before walking towards him again. I need to be patient. No, I need so much patience right now.

"Tss. I know some first aid. You need to be healed. Mamaya ka na magalit, okay?"

Alam kong aangal pa siya kaya naman inagapan ko na ng salita pa. Kailangan ko siyang libangin para naman mas mapadali ako.

"You know what, dati tuwing nasusugatan ako my parents always there to heal me. Kahit na hindi naman talaga ako nasaktan. They're over reacting in everything. Kaya nga ngayon kahit na sinisigawan mo ko--- na kahit kailan ay hindi ginawa sa akin ng kahit sino man--- ay gagamutin pa din kita. My parents raised me as a good enough person that will help others whenever they are hurt." Tapos ko ng linisin ang mga dugong kumalat sa paligid ng sugat niya kaya naman kinuha ko na ang panglinis ng sugat sa kit, "Kaya nga ng mawala sila kailan man hindi na ko gumaling pa. They are my doctors so how I'm going to be healed if they are already dead?" Binalutan ko na ng gauze bandage ang parte na may sugat siya at marahang inayos ang pagkakahiga niya. Tiningnan ko pa kung maayos ang lagay niya para makasigurong hindi na ko kakainin ng konsensya ko kung sakali, at mukhang okay naman na.

"You're totally fine." Sabi ko at tiningnan ang mukha niya. Ganoon na lang ang pagkagulat ko mapagtanto kong nakatitig pala ito sa akin.

Hindi ko mawari kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan sa paraan ng pagtitig niya. At hindi ako kumportable doon.

"You, you're not fine."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong tinutukoy niya? Me? Not fine? As far as I know, I'm totally fine. He's the one who's injured here. So what is he talking about?

"Want me to be your doctor?" He seriously said and after that he already lost his conciousness.

And then, here, I literally drop my jaw because of what he said. He what?!



-

Hi Guys!

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now