Chapter Twenty-Five- New

290 25 1
                                    

"Copy."


Dumiretso ng takbo si Rhinna habang nililibot ang mga mata. Binaliktad nila ang dapat na magiging plano nila at dahil yun sa isa niyang pinagkakatiwalaan. 'Ang hudyong iyon!' Sigaw ni Rhinna sa isip niya. Ayaw niyang isatinig iyon dahil maraming mga gwardyang naglilibot sa buong lugar. Papaliko na sana si Rhinna ng may mahagip ang kaniyang mata.

Dalawang babae.

Gumulong siya pakanan kung saan maririnig niya ang dalawa ng hindi napapansin. Kung titingnan ang dalawang ito ay mukha lang silang ordinaryong babae. Wala silang dalang armas di tulad ng nakikita niya sa paligid.

Kumunot ang kaniyang noo ng mapansin parehas silang nakahood at nakamask.

'Sino naman tong mga ito?'

"I told you to leave!"

Nang marinig niya na ang mga boses nito ay mas nagtago pa siya sa mga halaman. Ayaw niyang mahuli para hindi masira ang plano. Mayroon pa siyang dalawam'pung minuto para makapagsimula. Ayon iyon sa pinagusapan nila ng kasama.

"You know I can't." Mahinang sambit ng mas matangkad na babae.

"You can, but you don't."

"I can't leave you here. Please Sen, don't push me."

"Papatayin nila tayo dito. Ako ng bahala kay mama. Kaya ko silang tulungan."

"Kaya ko ding lumaban kung hahayaan mo ako, Sen."

"Malala na ang sakit mo sa puso. Makinig ka sakin, Max."

"It is not about my disease, Sen. Please... I want to help. If we escape with Mom, di na tayo magkakahiwalay pa. You're my twin. I want to be with you."

"Ang kulit mo naman eh! Sabing bawal nga!"

Napatigil sa paguusap ang dalawa ng may biglang dumating na matandang babae.

"Hinahanap na kayo ng mommy niyo. At pinapasabi nila na isama niyo daw ang fiance mo Sen."

"Si Wein? Akala ko ba nasa office siya ng mga Imperial?"

Nang marinig niya ang pangalang iyon nabalik sa isip niya ang plano nila. Agad siyang umalis doon at dumiretso na sa basement ng mga Imperial.

"Lyra." tawag niya sa kabilang linya, "Nandito na ko sa basement. Ikaw?"

"Rhinna! Umalis ka dyan! Tumakas na tayo! Natunugan tayo ni Rovanno ngayon papunta na dyan ang mga bantay!"

"Shit!"

Agad siyang tumakbo palabas pero napabalik din ng matanaw niya ang mga bantay na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Kahit masikip ay pilit niyang pinagkasya ang sarili sa bintana at tumawid patungo sa kabilang kwarto. Alam niyang mas malaki ang posibilidad na may tao doon pero pumasok pa din siya.

Nang tuluyang makapasok sa loob agad siyang nagtago sa likod ng mga kurtina ng marinig ang tunog ng doorknob. Kampante siyang hindi siya agad mapapansin ng kung sino man dahil madilim ang loob.

Hindi siya gumalaw hanggang sa marinig niya na pumasok ito sa banyo. Lumabas siya sa pinagtataguan at sinalubong ang madilim na anyo ng lalaki.

"Who are you lady?"

Rhinna's Point of View

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now