Chapter Thirty-Two- Better Win

103 20 0
                                    

Rhinna's Point of View

"RR, kunin mo na lang agad sa noo ko ang sticky note. I won't fight." Bulong nito pero sapat na para marinig ko. I feel disappointment ng hindi niya ako tawagin sa pangalang parati niyang tinatawag sa akin.

Para rin akong gininaw sa sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Maayos naman kami noong una. Pero nitong mga nakalipas na araw ay halos hindi ko na siya makausap. Oo, sumama siya sakin kahapon na mamalengke, pero ni isang salita naman ay wala akong narinig mula sa kaniya. Para lang siyang hangin na nasa tabi ko, samantalang ang prinisipe naman ng mga epal ay puro dada. But not in a close way. Puro lang siya utos at turo ng mga dapat bibilhin dahil alam kong nararamdaman niya ang presensya ni Dave na hindi namin gusto pareho.

I doubt kung sino ang dahilan non. Pero nafifeel kong may kinalaman doon ang prinsipe ng mga epal.

"Anong nangyari sayo?" Sa halip ay tanong ko. Nakita ko pa na nagulat ito pero agad ding bumalik sa walang ekspresyon ang mukha niya. Pero hindi ako susuko. I'm Rhinna, in any way.

"Just nothing." Tamad na saad lang nito. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang bulto ng prinsipe ng mga epal na sa amin ang atensyon. Hindi ko na rin naman kailangan pang alamin kung sino ang panalo sa amin dahil malakas ang pakiramdam kong mananalo kami. We need to win. Hindi sila pwedeng makisali sa laban naming Zerdiacs. Hindi na sila pwedeng madamay pa. This is only our fight.

"Call me Inna if nothings wrong." Malamlam na sabi ko dito. Mahirap mang aminin pero malaking epekto sa akin ang pakikitungo niya. Yes, nakukulitan ako sa kaniya, which is I hate the most. Pero nang dahil nasanay na ako sa ganung pag-uugali niya ay talagang nanibago ako.

"I don't want to. Nasa kalagitnaan tayo ng laro. At sa tingin ko mas lamang na kayo kaya hindi ko na kailangan pang lumaban. So, you better move now."

Halos mag init ang dugo ko ng sabihin niya yon. Masyado na akong napipikon sa ginagawa niya! Masyado siyang pabebe!

Lumapit ako dito at marahas na kinuha ang sticky note sa noo niya. Pero dahil pinikon niya ako, sinipa ko siya sa kinabukasan ng pamilya niya. Tss.

"ARGH! Bakit mo ko sinipa?!" Namimilipit na sambit nito. Pero ni isang awa ay wala akong napulot. Tss. I'm a bitch.

"Napaka-pabebe mo kasi. Psh!"

"What the! Anong pabebe?!"

Napaisip naman ako doon. Narinig ko lang talaga yon kay Jell. At sa pagkakaintindi ko ang salitang yun ay pakipot, well I don't care kung ano ba talaga yun. Ang mahalaga nakaganti na ko sa pamimikon niya sakin.

"Heh!"

"Inna---shit! Ang sakit ng ano ko! Itayo mo ko, please!"

Bigla namang nagliwanag ang mundo ko ng tawagin niya ako sa pangalang iyon.

Isa lang ang ibig sabihin non!

Nagbalik na si Dave!

Agad akong lumapit sa kaniya at maingat siyang itinayo dahil kitang kita sa mukha niya ang paghihirap. Alam ko namang malakas ang sipa ko kaya alam kong totoong paghihirap ang pinapakita niya.

Isang sipa lang pala ang kailangan para matauhan ang isang to. Kung maaga aga ko lang nalaman iyon ay baka umpisa pa lang sinipa ko na siya sa kinabukasan ng pamilya niya.

"Sorry." Bulong ko dito habang bitbit siya sa balikat. Naririnig ko pa din ang mga daing nito marahil masakit talaga ang ano niya. Sadya na hindi ko sadya ang nangyari. Ayoko lang talaga nung iniinis ako. I'm really a sensitive person. Konting inis lang ay nakakapatay na ko. That's for exag.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now