Dave's Point of ViewDalawang linggo na ang lumipas hindi pa rin pumapasok si Inna. Gusto ko man siyang puntahan di ako makaalis, dahil pinabantayan na naman ako ni lolo.
"The hell! Why did you forget to take your fvcking medicines huh?!" singhal ni Prince ng magising ako.
Ganda ng bungad ah? Di man lang nangamusta. Joke. Alam ko namang nag aalala lang din siya sa akin. Palagi ding ganito ang reaksyon niya sa katangahan ko.
"Sorry na babe. Okay lang naman ako eh. Hahaha!" pangaasar ko pero mas nainis pa siya. Psh.
"Tss. Shut the fvck up Dave, nabalitaan na agad ni lolo to. At pagagalitan na naman kami!" sigaw niya. Kaya naman pala eh. Pero agad agad? Hala ka! Bilis makibalita ni lolo ah. Dami sigurong koneksyon.
"Nasan na siya? Miss ko na siya eh hahahaha!" pero sa totoo lang kinakabahan na ko.
Kung strikto kasi tong si Prince sa akin, 1000 times naman ang kay lolo.
"Mukhang mas nagiging MABAIT na bata ang apo ko ah?" natigilan ako ng marining ko ang boses na iyon.
Si lolo.
Kaya eto ako ngayon nasa garden magisa. Malayo sa nanlilisik na mata ni Prince at sarkastikong pagkukwento ni Lolo. Kasi naman palagi siyang nagkukwento ng kabataan niya na napakabait daw niya, bakit daw hindi ko siya gayahin.
"What are you doing here apo? Why don't you join us?" biglang sulpot ni lolo sa likod ko.
"I just want to visit someone." nakatulala kong sagot.
"Oh then, visit her." teka? pano naman niya nalaman na babae ang pupuntahan ko?
"Kilala ko na si Rhinna, matagal na." Nagulat naman ako ng magsalita ulit siya. Teka? Kilala niya? So nagkita na din sila dati pa?
"How?" I asked.
"They are our former business partner." he said kaya nagulat ako. So pwedeng may alam sila sa pamilya ni Rhinna?
"Bakit sila namatay? I-I mean, bakit sila pinapatay? I know that the Imperial did that but why?" sunod sunod kong tanong.
"There are some things that unbeleivable, unpredictable." makahulugan niyang sabi.
Alam kong may alam si lolo at Prince pero wala silang nababanggit sakin. Napakarami nilang itinatagong sikreto na sila lang ang nakakaalam.
Lalo na si Prince.
-
Rhinna's Point of View
Dalawang linggo na akong nandito pero wala pa rin ni isa sa kanila nagsasalita. At nabubwiset na talaga ako ng sobra. Gusto kong magwala at sila ang pagbuntunan pero wala pa din akong nakukuhang impormasyon kaya nagtitimpi pa din ako. Pero masyado silang matigas
Anong gagawin ko sa kanila?
"Where are the Imperial's hideout." tinutok ko na ang punyal na hawak ko sa leeg ng lalaking matagal ko ng napansing umaaligid sa akin.
"K-kahit... ugh... a-anong gawin m-mo... hinding h-hindi ako... ugh... magsasalita!" lakas loob niyang sabi na mas kinainis ko naman.
Kung ganon, edi wag.
Itinurok ko punyal na hawak ko sa kanyang leeg na agad namang may sumirit n dugo. Pinagmasdan ko pa ang itsura niya na naghahabol ng hininga hanggang sa natuluyan na siyang mawalan ng buhay.