Chapter Three- Collide

1.6K 77 5
                                    


LJ's Point of View

"HAHAHAHAHAHA!" yan lang ang nagawa namin kay Ollen na halos isumpa na niya yung mga lalaking bumaril sa kanya kagabi. Pero for sure pag nakita namin ulit yun naku sobrang ganti gagawin namin dun! Ang yayabang! Nakakaasar! Feeling malalakas. Kainis.

"GUYS! *hinga* *hinga* HA! HA! WAIT HIHINGA LANG MUNA AKO! Aish!" biglang litaw nitong si Lan na hingal na hingal. Problema nitong babaeng to? Kala mo nakipagkarerahan sa kabayo eh -_- sabagay mukha naman na siyang kabayo! HAHAHAHAHAHAHA! joke lang. Wag kayo maingay ah? Baka kotongan ako eh hahaha.

"Ok na! Ano na nga palang sasabihin ko? Hmm! Ah! Bumalik na daw sila." sabi niya sabay hinga ulit ng malalim na malalim. So? Anong sabi qt tinutukoy niya?

"Sino?" sabay sabay naming tanong kay Lan na ngayon ay umiinom ng tubig. Pawis na pawis siya kadiri.

"Death Prince, yung katorseng mga lalake. Yun ang usap usapan ngayon."

"Okay." sabay ulit naming sabi na nakapagpalaki sa singkit na mata nitong si Lan. Magbabalita na nga lang napakawalang kwenta pa.

Nandito kasi kami sa HQ at nililinis namin ang sugat ni Ollen sa balikat at pinaguusapan yung nangyari kagabi. Teka teka parang may kulang ah?

"Sila yun." bored na sabi ng kadadating lang na si RR. Sabi na nga ba may kulang eh, siya pala. San ba galing ang isang to? Parang ewan eh hahaha!

"Huh?" tanong ko naman. Kasi kakapasok lang nitong isang to magsasalita na agad.

"Sila yung mga lalaking nakasalubong natin kagabi." simpleng sagot naman niya habang papunta sa upuan niya at kumuha ng chichiryang nasa lamesa.

"Huh? Ano? Pero? " tanong naman ni Kad na may pagtataka sa mukha. Sarap isumpa. Wow rhyme yun pre! HAHAHAHAHAHA joke okay seryoso na ulit.

"Tsk! Kararating lang daw nila. Tsaka diba LJ ikaw na ang pinaka matagal dito sa school it means ikaw ang nakakakilala sa kanila." tanong ni RR sakin at humiga na ng tuluyan sa mahabang couch. Napakabossy talaga netong impaktita na to.

"Oo kilala ko sila pero hindi bilang Death Prince kasi ang alam ko sampu lang sila dati. At pagkakatanda ko pa, mga busy na sila sa business ng pamilya nila. Tsaka kagabi, ilan lang silang nagpakita sa atin. Hindi pa nga ata lalagpas ng walo yung mga yon." sagot ko. Kasi totoo naman eh, ang alam ko sampu lang sila eh bakit naging katorse? Ano yun padami na ng padami ang grupo nila? OA naman ata nun.

"Kung ganun malamang apat ang nadagdag. At mukhang hindi lang talaga sila kumpleto kagabi." sabi naman ni Kad.

"MGA BWISET YUNG MGA YUN! PAPATAYIN KO TALAGA SILA PAG NAKITA KO ULIT SILA!" nanggigigil na sigaw ni Ollen. Kanina pa yan ganyan. But don't messed up with her. Matindi magalit yan, nagmumukhang leon. Hahahaha!

"PFFFFT----- HAHAHAHA! Yan ka na naman eh!" natatawang sabi ni Jell kay Ollen at nakitawa na din kaming lahat, syempre maliban na lang sa isa.

"Pero hayaan niyo na sila! Mga walang kwenta naman sila eh!" sabi ko nang nakangiti. Pero napalingon ako kay RR nang magsalita siya.

"Meron. May iba akong pakiramdam sa kanila. Di ko nga lang alam." cold na sabi ni RR, teka ano bang meron kay RR at parang naging cold na naman siya ngayon? Nanaginip na naman ba siya kaya mukha siyang ewan na dumating dito kanina?

Mukhang may maninira na naman sa tahimik naming buhay ah?



Rhinna's Point of View

Ewan ko ba? Bakit parang naattract ako sa mga lalaking yun? Hindi sa gwapo sila o ano pa man, sadyang may kakaiba lang? Alam niyo yun?

May kakaiba.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now