*PROLOGUE*

56 3 0
                                    


THIRD PERSON

Dapat ordinaryong araw lang ito para kay Sophia bilang sophomore student ang makapasok sa private school na di naman nila afford, pero dahil sa pagkupkop sa kanya ng kanyang Tito Ramir pagkamatay ng nanay niya, nararanasan ngayon ni Sophia ang pumasok sa ganitong paaralan.

"Ang laki ng school mo, Sam!" sabi ni Sophia, halos lumuwa ang mata sa ganda ng paligid. Ibang iba sa paaralan na pinanggalingan nya.

"No, mukha lang malaki kasi first time mo, Pia. Pero ilang araw lang, tingnan mo maliliitan ka na dito," ngiti ni Samantha na kumapit pa sa braso ni Sophia.

Di sila lumaking magkasama, pero di tulad ng Tita Dahlia niya, mabait sa kanya si Samantha.

Halos ibigay na nga ni Sam ang mga magagandang damit at sapatos sa kanya. Pagpupunta sa mall, laging kukuha si Samantha ng bagay na magkatulad sila. And Sophia feels genuine love and connection towards her cousin.

"Maliit? E may swimming pool pa? Yaman nyo talaga at afford nyo dito. Swerte mo at mayaman sila Tito Ramir," inggit ni Sophia sa pinsan.

"Eei... now that you're living with us, mayaman ka na rin."

"Hindi no..."

"Ano ka ba? From the day na tumira ka sa amin, lahat ng meron ako, sayo na din."

"Talaga?" ngiti ni Sophia sa narinig mula sa pinsan. Bilang isang dalagita na ngayon lang nakaranas ng karangyaan, sobrang saya ang naramdaman ni Sophia.

"Oo nga," matamis na ngiti ni Samantha. Matagal na niyang gustong magkaroon ng kapatid na babae, at with Sophia, pakiramdam niya her prayer is answered.

"Sam!" sabay silang lumingon sa binatang tumawag kay Samantha.

"Jah!" kaway ni Samantha.

At ngayon, tumigil ang mundo ni Sophia sa pagkakita sa binatang papalapit sa kanila.

Totoo pala na darating sa buhay mo na hihinto ang oras, ang paligid, maging ang paghinga mo pag nakita mo ang taong magpapatibok sa puso mo... parang, parang kayo lang. Wala ng iba. Sa maaliwalas na panahon, napuno ng bulaklak ang paligid ni Sophia habang papalapit ang taong ito sa kanya.

"Andito ka na pala, sana nag-message ka," ngiti ni Justin paglapit kay Samantha.

"Hinatid na kasi kami ni Papa," ngiti pabalik ni Samantha.

Pero si Sophia, nanatiling nakatitig sa binatang nasa harap niya ngayon.

Matangos na ilong,
Mapula-pulang pisngi sa mestizong kulay,
Singkit na mga mata,
at magandang ngiti.

"Ahm, Jah. Si Sophia nga pala, pinsan ko," pakilala niya sa dalawa.

For the first time, nakita niya ang tingin ng binata sa kanya. Pati ang pagtitig sa mga mata nangungusap sa kanya.

"Hi... Sophia." abot ng kamay ni Justin sa kanya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Sophia, at nang maglapat ang kanilang mga palad, alam niya sa sarili niya na huminto ang kanyang mundo kasabay ng paglipad ng paru-paro sa kanyang tiyan. Sa unang beses, ngayon lang niya 'to naramdaman.

"Hi..." isang tipid na salita na nanggaling kay Sophia kasabay ng matamis na ngiti.

"Si Justin, boyfriend ko."

Sa narinig ni Sophia, binalik siya sa realidad,
ang takbo ng oras, ang paligid... ang mga tao,
ang alinsangan ng init ng panahon at paglanta ng mga bulaklak sa paligid nya.
Yung mga paru-paro... isa-isang nawala.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now