Hide
- to conceal from the view.SOPHIA
MAAGA ako pumasok sa Studio dahil maraming guests ngayon na nagbook para sa tour kaya double effort, wala pa naman si Ms. Liv.
"Ang daming tao no." Bulong sa akin ni Summer.
"Oo nga e."
Nagdagdag naman kami ng tao para sa event para naman hindi kami mag cramming ni Summer, sya na ang bahala sa guests list ako naman sa loob nag fafacilitate.
"Siguro close si Ms. Liv sa 1Z, sya lang ang bukod tanging photographer na ang daming behind the scenes na kuha. And hindi talaga yun pwede unless with permission" bulungan ng ibang guests.
"Mukha nga or maybe she's the special someone of one of the boys, we don't know."
"Yeah. I think that's possible."
Kung alam lang nila.
Nangiti na lang ako sa gilid.Pero syempre bukod sa Zone area ang dami pang collaborations ni Ms. Liv international kaya naman kilala talaga sya pag dating sa film industry.
Ginugol ko na lang ang oras ko sa pagpafacilitate lalo na't sa akin to pinagkatiwala ni Ms. Liv kaya gusto kong galingan.
Pag may time din ako madalas akong magpunta sa white house kahit hindi pa pumayag si Justin alam ko naman kung nasan ang susi nakalagay kaya walang problema .Saka pag nandun ako pansamantala kong natatakasan ang realidad at nagpapakalunod sa pagpinta.
'I can't reach you. Nasan ka?'
- JustinBinaba ko muna ang hawak kong brush para mareplyan sya. Andito na kaya sila sa bansa?
'white house.'
- me'alone?'
- Justin'yes.'
- meNag antay pa ko ng ilang minuto pero hindi na sya nagreply. Lagot mukhang yari ako sa kanya.
Tinapos ko na lang kung ano yung gusto kong gawin sa murrals and after nun nagpasya na rin akong magligpit para makauwi na.But sad to say...
Umuulan. Hays."Pano ba to? Ang hirap pa naman magbook pagganitong maulan.." nakailang subok na ko sa apps pero wala talaga.
And it was my first time na ulanin ng ganito kalakas kaya napirmi na lang ako at naupo para magpatila ng ulan. Mukhang walang balak tumila ng ulan kasama pa na kidlat.
"Wake up.."
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ko sa pagkakasandal ko dito.. pero what really suprise me is seeing him, again.
Kahit malabo pa ang tingin ko sa pagkakamulat, I know it's him.
"Justin?."
"Oo ako nga." Ngiti nya na nakaupo na pala paharap sa akin.
Nakita ko rin ang iilang basa sa kanyang mukha kaya maigi kong inayos ang upo ko para mas lalo syang mapagmasdan. Basa rin ang kanyang buhok pati na rin ang damit nya.
"Basang basa ka."
"Pagbaba ko ng sasakyan papunta dito but I'm ok." Maikli nyang ngiti sabay hawi ng buhok nya.
"Dumating na pala kayo di ka nagsabi.." ginamit ko ang hawak kong blazer para ipunas sa kanya. Ayoko naman syang magkasakit.
"Actually, kakaland lang namin nung nagmessage ako tapos dumiretso na ko dito." Hawak nya sa kamay ko.
"I want to see you kaya nandito ako."
YOU ARE READING
FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTIN
FanfictionHow can I turn away from my past love when I know she has suffered for so long without me by her side, and hurt someone whom my heart is choosing to be with? - Justin I was here first, and I still love him. So many years were lost that I could have...