CHAPTER 12 - BEWILDERED

17 3 0
                                    

Bewildered
- confused.

JUSTIN


MAAGA pa lang nagpunta na ko sa condo ni Sophia, nagtataka nga si Stell bakit sobrang aga ko gumising e kadalasan pag wala kaming sked nasa unit lang nya kami at nagpapa home massage.

"Ang aga mo ah." Bati ko kay Sophia. Wala pa kasing 7am pero bihis na sya.

As usual, her normal outfit.
Ang cute.

"Para maaga tayo makabalik." Ngiti nya.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan para makapasok sya sa loob saka ako umikot sa driver's seat.

"Buckle up." Ngiti ko bago patakbuhin ang sasakyan.

Tulad ng dating gawi, dumaan kami sa drive thru para bumili ng almusal, halata naman kasing wala pa kami parehong kain sa aga ba naman.
At syempre,
ang pabarito nyang Hot Chocolate Drink.

"Yeyy! Thank you!" Parang batang abot nya ng makuha sakin ang Hot Chocolate Drink nya.

But honestly,
It makes me smile whenever she's satisfied.

"Nahihiwagahan pa rin talaga ako at bakit mo ko sinama dito.." bulong nya pagkalabas namin ng sasakyan.

"Maniningil ako kaya kita sinama dito.." sagot ko sa kanya habang kinukuha ang mga gamit sa compartment ng sasakyan.

"Ano yan?-- wait, are we going to paint?" Halos mamilog ang mata nya ng makita ang laman ng box na bitbit ko.

"Yup."

"Are you sure?!!"

"Oo nga. Kulit." Ngiti ko saka dumiretso sa pinto para buksan.

"OMG!! Yehey! Dapat kagabi mo pa sinabiiii.." patalon talon nyang sagot sa akin. Parang bata. Hahahaha!

"E di di nakatulog kung sinabi ko sayo.." pisil ko sa pisngi nya bago nya ako sinuklian ng ngiti.

"Hahahahaha! Oo nga no.. For sure kagabi pa lang niyaya na kita dito." tuloy tuloy nyang pasok sa loob.

Galing na ko dito last week pero saglit lang para mag ayos and now, oras na para maningil ako sa kanya.

"So what are we going to do?" Tanung nya sa akin habang papaakyat ng second floor.

"Chill. Saglit lang."

"How to chill e excited na ko..." Napakakulit.

Inilapag ko na ang mga bitbit kong gamit. Kung dati magulo pa dito sa second floor ngayon naayos ko na. Napinturaha na rin ng all white ang bawat pader kagaya ng gusto ko.

"Ano na, Jah?" Sambit ni Sophia habang nanghihila ng damit. Ang kulit. Buti na lang talaga cute to.

Humarap ako sa kanya saka sya dinala sa malapad na pader dito sa 2nd floor katabi ng veranda.

"See that wall?" Tanung ko.

"Anung mero sa wall?"

"Naalala mo nung pinakita ko sayo yung fireflies.." panimula ko.

"Hmm. Yup.. pano ko naman makakalimutan yun e napaka magical nun." Ngiti nya.

"And sabi mo sa akin, tutulungan mo kong mapreserve yun, naalala mo?" Dugtong ko.

"Sinabi ko ba yun?" Eto na naman sya para mang inis kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Biro lang, Oo naman!"

"Isa pang biro mo iiwanan kita sa gubat."

"Biro nga lang." Tawa pa sya. "O ano na, tapos?"

Napailing na lang ako bago muling tumingin sa pader na walang kahit na ano bukod sa white paint. And this is where I want to preserve those memories I have on fireflies.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now