CHAPTER 10 - LATIBULE

21 3 0
                                    


Latibule
- a place of safety and comfort


JUSTIN

AFTER that night,
I found someone.
An old soul like mine.

"Mukhang nakakabawi kana, Jah ah. Ganda na ng aura mo." Bati sakin ni Josh.

"Nabawasan ng loads kahit papaano at matagal ng maganda aura ko" Ngiti ko.

"Ewan ko sayo.." tapik sakin ni Josh.

Kakabalik lang naming lima sa Manila from out of town events. Sobrang pagod pero worth it after seeing A'tin and casual crowds. Ngayon naman may reading kami for a commercial sa isa sa ninang namin sa SB19. Then after nun final fitted na for outfits sa Metro Ball which is invited kami as new cover ng 100th issued ng Metro Magazine.

Tulog,
Ano nga ulit yun?

More than one week na simula nung huli kaming magkita ni Sophia, we just send emails and messages related to work at dahil may alam sya sa Digital Media sya na yung nag eedit ng mga videos then finalization ko bago iapproved ni Pablo.

Madali syang katrabaho,
Parang wala pa nga syang hinindian sa mga pinagawa ko sa kanyang projects.


"Sino sasama sa Metro Ball, allowed naman magsama upto five employees di ba?" Tanung ni Stell.

Nandito na kami sa show room ni Mr. Francis Liberan at ako na ang nakasalang sa fitting room.

"Oo ata. Ask mo si Kuya Yani." Sagot ni Pablo.

"Sino sino ba pupunta?" Tanung ni Ken

Lumabas na ko ng fitting room after ko magsukat saka naupo sa tabi ni Stell.

"Oks kana Jah sa damit mo?" Tanung sakin ni Stell sabay abot ng drinks. Kahit gano pa to kalakas mangbasag trip sakin kuyang kuya pa rin kung umakto sakin.

"Oo. Ok na ko. Thanks"

"Hmm. Si Kuya Yani, Irmay, Ate Lea, Xi Ann."
Bilang ni Pablo.

"O may isa pa, si Liv?" Tanung ni Ken.

Umiling naman si Pablo, "I already asked her, pero may schedule sila ni Mama sa Cavite kaya malabo. Mas pipiliin nun sila Mama kesa sa akin.." Simangot ni Pablo.

Natawa naman kami sa pagkakasabi nya, pagdating talaga kay Liv nagiging para syang bata.

"Si Vien na lang?" Tanung ni Josh. Bigla namang nagreact si Ken na may kasama pang pagbato ng unan.

"Sisirain mo ba araw ko, par? Si Vien talaga?" Taray ni Ken na nag siside eyes pa. Hahahah init ng ulo ng gar pah dating kay Vien.

"Biro lang! HAHAHAHA! alam ko kasing magrereact ka!" Tawa ni Josh. Ayun pikon na tuloy si Ken.

"Ahh alam ko na!" Palakpak ni Stell. Sino naman kaya nasa isip nya?

"Si Sophia ni Justin! O di ba? Para may photographer na rin tayo!" Tingin sakin ni Stell na ngiting ngiti pa, talaga ba Stell?

"Anung 'Sophia ni Justin' ka jan. Mema mo, Stell." Hampas ko sa kanya ng unan

"O bakit?! Lagi mo nga kaemail at chat di ba? Kahit nga gabi hanggang madaling araw kausap mo sa video conference?! O ano ka?" Anger issue na naman si Stell imbis mainis ako e hindi dahil sa reaction nya.

"Hoy, trabaho yung pinag uusapan namin, wag kang ano." Totoo naman e. Walang kaming ibang pinag uusapang personal ni Sophia bukod sa editing and filming.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now