CHAPTER 14 - WHELVE

26 3 0
                                    

Whelve
- to hide

SOPHIA

THIS day will be the moment na makikita ko si Samantha. Ang totoo, halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, sabik na makita sya pero meron ding kaba.

'Ingat ka for the whole day. Message me pag out mo na so I can pick you. '
- Justin


'Ikaw din, galingan mo sa interview and guesting. See you later.'
- me

And this man never failed to make me smile and my heart to jump a bit. After ng nangyari sa white house, mas naging caring si Justin. He gave time to picked me here or kaya kahit saglit na dumaan sa unit para lang maghatid ng Hot Chocolate Drink.

Mas nagiging madalas na rin sya mag send ng messages just to check on me for the day, even in his busiest day or even out of town. Kung minsan nga ako na lang ang umaawat para makapagpahinga sya.

I smiled and took a deep breath, ano mang mangyari ngayong araw sa pagkikita namin ni Sam. Mas excited ako sa paglipas ng oras na makasama ulit si Justin.










"Sophia, eto yung list ng mga guests. Ikaw na bahala ah, kaya mo na yan, proceed na ako sa gallery may mga kakausapin lang akong investor na gusto kumuha ng canvas natin." Abot sa akin ni Ms. Liv ng folder.

"Got this, Ms. Liv. Kasama ko naman si Summer. Galingan nyo po sa deal mamaya." I give Ms. Liv a fighting pose na nagpatawa naman sa kanya.

"Hahahaha! Para ka na talagang si Justin. Sige na. Alis na ko.. galingan mo din." Natatawa nyang sagot sa akin.

Di ko tuloy mapigilang di mangiti.
Ganun nga ata pag lagi mong kasama, may mga ways na maaadapt mo rin talaga.

Ilang minuto lang kami nag antay ni Summer at dumating na ang mga guests, and that one person entering the gallery caught my attention.
At last,

"Sam.." tawag ko sa kanya pag kapasok nya ng exhibit.

Nauna na ang iba nyang mga kasama after makapag present ng stamp at naiwan kaming dalawa sa gitna ng hallway.

Blanko ang naging sagot ng kanyang mukha ng mapagtanto nya na ako ang tumawag sa kanya, hindi nya ako marahil matandaan. Pero ako, hindi ko sya makakalimutan..

Ang maamo nyang mukha,
Biluging nga mata,
At sa totoo lang, mas lalo syang gumanda.


"Do I.." halos kumunot na ang kanyang nuo sa pag iisip kaya mas mabuti lapitan ko na lang sya.

"Di mo ako naaalala?" Palapit kong ngiti sa kanya.

"I'm really sorry.. pero hindi kita maalala.." halos malungkot nyang sagot sa akin.

"It's me, Sophia. Yung pinsan mo.." sunod kong banggit bago ko hinawakan ang kamay nya "hindi mo pa rin ba ako naaalala?"

Kitang kita ko kung pano ang pagkabigla sa mukha ni Samantha na halos magpangiti na sa akin.

"OMG?.. is this for real?! Sophia Madrigal?.. Is this really you?" Dalawang kamay na hawak nya sa mukha ko para kilatisin.

"Oo nga!--Aray!" Pihit nya sa mukha ko dahil sa pagkabigla. Parang mababalian ata ako ng leeg.

"OMG!!!! Pinsan!!! Huhuhu! OMG! I can't believe it, Ikaw nga!" Halos madurog naman ang buto ko ngayon sa yakap nya na tumatalon talon pa.

"Oo nga, ako to-- aray! Mapipirat ak-- di ako makahinga--" halos manggigil naman to sa yakap.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now