Solace
- a source of comfort in sorrow.SOPHIA
WE spend the last three days sa tour together, may mga pagkakataon nga na halos muntik muntikan na kami maiwan dahil sa curiosity namin na kung saan saang parte na kami nakakarating.
Pero isang bagay lang ang alam ko, nag enjoy talaga ako.Nasa Namsan Park kami for the last tour, pero mas pinasya na lang namin hindi na sumabay sa ibang delegates pabalik ng hotel. Ang ganda ng lugar lalo na't malapit na mag sunset.
"Smile.." wika ni Justin kaya napalingon ako sa kanya sakto sa pagpindot nya ng camera.
"Nice. Ganda ng kuha ko." Ngiti nya. Pinakita din nya ang kuha nya sakin at totoong maganda nga.
"Nakakailang kuha kana sakin ah. Mamaya pag uwi ko sa Pilipinas wanted na pala ako." Biro ko sa kanya.
"Di ah. Judgmental ka. Isasama ko to sa gallery ko." Ikot nya sabay upo sa nakita nyang wooden bench kaya tumabi na rin ako.
"Biro lang. E ikaw, wala kang kuha. Akin na picturan kita." Kuha ko sa camera nya pero ayaw nya ibigay.
"Wag na. Kaya ko kumuha mag isa."
"Sige na."
"Wag na nga."
"Daya." Simangot ko sa kanya na nagpatawa naman sa lokong to.
"Galit kana?" Silip nya sa mukha ko.
"Kunan na kasi kita."
"Oo na." Abot nya ng camera sakin, tumayo naman sya at pumwesto sa harapan ko saka naglakad ng malayo.
"Kunan mo na ko. Ayusin mo ah." Malakas nyang banggit na nagpangiti sakin.
Una ayaw. Tapos ngayon umaaura. Loko din.
Sumunod na lang ako sa kanya at kinunan sya sa bawat anggulo. Ang totoo, walang pangit na angle sa kanya. Lahat. Perfect.
"May I see." Takbo nya palapit sa akin na sa sobrang lapit ng mukha nya halos maamoy ko na sya.
"O. Tingnan mo." Abot ko sa kanya ng camera saka lumayo ng bahagya. Hindi ko kaya ang presensya nya nang ganun kalapit. Mahihimatay ako.
"Nice. Ganda mo kumuha ah." Ngiti nya.
Ang ganda talaga ng mukha ni Justin. Kung dati ang gwapo na nya, lalo na ngayon na lalong na emphasize ang tangos ng ilong nya, ang jawline at ang mata nya. Pero sa lahat yung ngiti nya talaga dun ka bibigay pag nakita mo.
"Stop staring, that's rude." Pisil nya sa mukha ko.
"Hindi no."
"Tsk. Oo na. Alam kong gwapo ako kaya titig na titig ka." Pang aasar pa nya. Halos pamulahan na ko ng mukha sa kanya.
"Feeling.." kainis. Bakit ba kasi lagi na lang akong nawawala sa realidad pag kaharap ko sya. Tawa tuloy ng tawa tong isang to.
Bumalik na kami sa hotel. And this will the last night na magkakasama kami dito sa Korea dahil flight na nya bukas pabalik, ako naman pauwi sa bahay.
"So pano, see you around pag nasa Pinas kana." Paalam nya sakin ng makapasok kami sa elevator.
"Yeah. See you around. Sana di ka busy."
"Just message me. Para pag may oras, makapag meet tayo ulit." Ngiti nya.
Nasa loob ng bag ko yung bracelet na binili ko, gusto kong ibigay sa kanya pero nahihiya naman ako. Pano ba?
YOU ARE READING
FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTIN
FanfictionHow can I turn away from my past love when I know she has suffered for so long without me by her side, and hurt someone whom my heart is choosing to be with? - Justin I was here first, and I still love him. So many years were lost that I could have...