CHAPTER 15 - TACENDA

28 3 0
                                    

Tacenda
- things better left unsaid



JUSTIN




"GANDA ng ngiti ni Jah ah, sino kaya ang kachat?"
Pang aasar ni Josh sa akin.

"Daming ebas ni Josh." Snob ko dito saka lalo pang sumiksik sa upuan ng van para umiwas sa kanya.

Sino nga bang magpapangiti sa kin?
E simpleng good morning lang naman ang natanggap ko kay Sophia.

"Pansin ko rin yan, parang sumisekreto na to si Jah e.. sino ba kasi?" Dagdag pa ni Stell. Kahit na alam naming dalawa na alam nya.

Umiling na lang ako kesa sagutin pa. Hay naku. Ako na naman ang nakita.

Nag stop over muna kami sa gas station bago tuluyang umakyat pa Benguet for shoot. And syempre magkakasama kami sa artist van kasi walang may gustong magdrive nang ganito katarik maliban kay Pablo at Josue na magkasama ngayon sa personal van nila. Sayang nga e, akala ko dito sasabay si Sophia pero dun pala sa kanila kasama si Liv at Vien.

"Di ka ba mag babanyo, Jah. Mahabang byahe na to wala nang babaan mamaya." Sabi ni Kuya Yani pag akyat ng van at tumabi sa akin.

"Di na, tinatamad din ako bumaba eh." Sagot ko saka pinagpatuloy ang pag scroll sa phone.

"Ok, ikaw bahala. Mukhang mahaba din ang pila sa toilet nandun pa si Pablo e."

Napabangon ako sa pagkakaupo sa binanggit ni Kuya, kaya siguro hindi na sya nagreply kasi bumaba sila ng van, bat ba di ko yun naisip agad.

"Anjan si Pablo? Sino kasama?"

"Sila Liv nakita ko pumasok sa shop kasama si Vien at Soph--- o san ka? Akala ko ba di ka bababa?" Di ko na kasi pinatapos si Kuya nang tumayo ako palabas ng van.

"Bibili ako foods!-- Ken! Tara samahan mo ako sa shop!" Sagot ko na saktong papasok naman sana si Ken sa van pero hinawakan ko na ang braso nya bago pa sya makaangal.

"Hah? Saan? Kagagaling ko lang sa shop saka andun yung asungot kaya ayoko." Tanggi nya pero bago pa sya makahindi e inakbayan ko na sya pahila sa shop.

"Dali na! Pag ikaw lagi kita sinasamahan ah" o bahala, lapagan na ng cards to.

"Tssk, ganyanan ah, Jah ah, Bitaw na kasi!-- aray--" pero kahit anung palag nya di ko sya binitawan hanggang makapasok kami sa shop kaya wala syang nagawa hahahaha!

"Oh! Hi Jah, Ken andito ka ulit?" Bati ni Liv kaya pumirmi na kami ni tayo ni Ken kahit nakailang kurot na sa gilid ko si Ken sa inis.

"May araw ka rin sakin." Bulong ni Ken, "Hi, oo may nakalimutan ako bilhin." Baling nya kay Liv saka naglakad papuntang snack area pero nakasama ng tingin sakin si manok.

"Hi, oo. Bibili din ako ng snacks." Sagot ko kay Liv saka bumaling ng tingin kay Sophia at Vien, "Hi, Sophia, Vien."

"Hi." Tango ni Vien

Habang ngiti naman ang sagot sakin ni Sophia.

Kahit na ganun.
Ok na ko na makita sya.

Ewan. Basta gusto ko lang syang makita.

"Kalokahan mo talaga, Jah. Kahit kelan di na ko didikit sayo, pahamak ka." Inis sakin ni Ken ng makabalik kami sa van at nag simula na ulit sa byahe.

"Sorry na. Malay ko bang pati sa pag order magkakainitan pa kayo ni Vien.." pano ba naman, nagkapalit sila ng order kaya etong isa naghimutok at muntikan na naman silang mag pang abot na dalawa sa loob ng shop. Hays.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now