Viridity
- naive innocenceSOPHIA
DI ko expected na magkikita kami ulit ni Justin.
Sobrang nakakagulat na sa dinami daming tao, sya pala yung tinutukoy ni Ms. Liv na kaibigan nya. Akala ko nga dahil sa A'tin si Ms. Liv kaya may Zone gallery yun pala si Pablo ang boyfriend nya at mga kaibigan nya ang apat, including Justin.Hindi ko pa rin na kukwento kay Ms. Liv na kilala ko si Justin from highschool masyado rin kasing busy. Pero nasabi ko na tinulungan ako ni Justin sa pag set up na ang sabi nya ay hindi na bago kay Justin ang maglend ng help.
One week na ang nakalipas pero hindi pa kami ulit nagkita ni Justin. Bukod kasi sa sobrang hectic ng schedule nya e si Ms. Liv lang ang madalas pumupunta sa Zone at ako ang naiiwan dito sa gallery. Tulad ngayon, sinundo lang sya ni Ms. Vien papunta sa Zone balita ko, mag pupunta sila ng La Union.
'Justin De Dios latest single reached Top 1 on Hot Music'
'Creative Director Justin De Dios debut on Vogue Magazine'
'Justin De Dios VIP guest on NCAA.'
Stalker peg for today. Makita at mabasa ko lang lahat ng tungkol sa kanya di ko mapigilang hindi humanga. Ibang iba sa Justin na nakilala mo nung highschool. Di ko naman akalain na magiging sikat na PPOP members sya at makikilala globally.
'Sophia.'
- UnknownSino naman kaya to?
At dahil hindi ko trip ang sumagot at magreply sa mga unknown number hindi ko na lang pinansin.'tawag ako. Sagutin mo. Justin to.'
Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko sa sumunod na message. Is this real?
Maya maya pa ay nagring na nga ang phone ko na di ko na alam kung pano sasagutin. Sasagutin ko ba? At bakit naman ako nagdadalawang isip?
Namatay na lang ang tawag pero hindi ko pa rin sinagot. Hanggang sa muli syang tumawag sa akin.
Kahit kabado, nilakasan ko na lang ang loob ko at sinagot ang tawag.
"hello.."
"Sophia. Ang tagal mo naman sumagot." iritable sa boses nya.
"pano mo nalaman number ko."
"I have my means. Ba't di ka sumama?" direkta nyang tanong sa akin.
"Saan?"
"Here sa Elyu."
"Ahm. I'm not invited and not expected to come. Saka may trabaho ako."
"I told Liv about us. Di mo pala nakwento sa kanya na magkakilala tayo." ramdam ko ang disappointment sa boses nya. At di ko naman alam na dapat ko pala sabihin. Malay ko ba kung ayaw pala nya.
"Di ako nagkaron ng chance e." Yun naman ang totoo.
Matagal bago sya ulit sumagot.
Ganun din ang ginawa ko. Pero mula sa background nariring ko na nagkakasiyahan sila."Let's meet pagbalik ko. I need to discuss something with you and Liv."
"Something like?"
"Sabi ko pagbalik ko." Ang sungit. May ganito pala syang side. This is the Justin that I know. Yung strict.
"Si..sige."
"Ok. Bye."
"Bye--"
Walang sabi sabi. Binaba nya ang tawag. Di ko alam kung nakainum ba sya or what o sadyang galit o dismayado talaga sya.
YOU ARE READING
FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTIN
FanfictionHow can I turn away from my past love when I know she has suffered for so long without me by her side, and hurt someone whom my heart is choosing to be with? - Justin I was here first, and I still love him. So many years were lost that I could have...