CHAPTER 5 - SERENE

21 3 0
                                    


Serene
- peaceful and calm



JUSTIN

DUMIRETSO na ko sa condo ni Stell after ng mahabang dance rehearsal kasabay pa ng editing ng concepts for MV kaya talagang pagod ang katawang lupa ko.

"Kamusta pala yung nabanggit mo sakin na babae sa Korea?" Tanung ni Stell habang kumakain kami ng take out ramen.

"Nameet ko sya."

"O tapos, so kilala mo nga?"

Tumango ako saka sumubo ng noodles na kanina pa ako natatakam kainin.

"San mo nameet?"

Muli ko na namang naisip yung mga nangyari sa Korea, lalo na yung unang araw na nagkita kami.
"Schoolmate ko pala sya ng highschool."

"Talaga? Ang galing naman sa Korea pa kayo nagkita. O tapos?" Sunod sunod na tanung naman ni Stell. Kung may tao man na pinakamatanung bukod sakin, si Stell na talaga yun.

"Ayun, kaya di rin talaga naging solo trip yung pagpunta ko ng Korea kasi may nakasama ako." Patuloy ko habang kumakain.

Eto na naman si Stell sa tingin nyang kakaiba, malamang may iniisip na naman tong di maganda.
"Ang lagay tuloy para kang nakipag date sa Korea ng isang linggo.. o baka.."

"Baliw. Dumi ng utak mo."

"O bakit? Babae yun.. for sure kung may nakakilala sayo at nakita kayong magkasama same kami ng iisipin."

"E hindi nga ganun. Saka malabo."

"Bakit naman?" Tanung nya. Dapat ko pa bang sagutin o hayaan na lang pero alam ko naman na di talaga sya titigil.

"Naalala mo yung nakwento ko sayo na first girlfriend ko." Pauna ko sa kanya.

"Yung Sam, anung meron?" Pagtataka ni Stell sa sinabi ko.

"Pinsan nya yung nakita ko sa Korea." Seryosong sagot ko kay Stell. Tulad ko nagbago din ang facial expressions nya.

"Ah ganun. E yung Sam di nya kasama?"

Umiling ako, ang totoo gusto ko rin sana itanung kay Sophia pero hindi ko na ginawa dahil ayoko na ring maungkat yung mga nangyari dati.

"Di na ko nagtanung syempre. Ang awkward naman na magtanung pa ko saka wala na kami at nakapagmove on na lahat."

"Moved on nga. Traumatize ka naman, tsk."
Bulong ni Stell saka nagpatuloy sa pagkain nya. Ako pa tuloy nabalingan sa huli.

Oo, I had girlfriends pero wala talagang tumatagal.
Sa huli kasi ako ang umaayaw.
Pakiramdam ko kasi pag sa twing mafafall na ko ng malala kusa nang humihinto ang puso ko at hanggang sa ayoko na.



Naging balik sa dati ang routine ng buhay ko.
Zone, shoot, meeting, rehearsal, engagements, perform, ngiti dito at doon. Paulit ulit na parang kahit may matapos akong isang bagay doble naman ang nadadagdag. Di ako nagrereklamo, pero talagang bibigay ang katawan ko.

"Grabe, pano nga ulit matulog?" Hilata ni Stell sa sofa.

Naupo naman ako sa tabi ni Ken na ngayon nakasalumbaba at pinagkakasya sa swivel chair ang sarili para makatulog.

Si Josh naman, ayun. Kanina pa bagsak sa carpet. Bampirang laging tulog.

"Ikaw, Jah. Di ka pagod, antok?" Tanung sakin ni Pablo nang maupo sa kabilang kanto ng mesa. Pungay na pungay na rin ang mata nya dahil sa walang tulog. Halos lahat kami.
Kunti na lang patagos na kami sa pader.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now