CHAPTER 9 - FIREFLIES

24 2 0
                                    

Fireflies
- remind us that it's the small, simple things in life that matter the most.

SOPHIA

KAGAYA ng sinabi ni Justin sinundo nya ako ng 7am, natulog lang ako ng mga three hours siguro pagkatapos ko maghanda ng mga dadalhin.

"Mag drive thru na lang tayo para sa breakfast, hula ko di ka pa kumain." Saad ni Justin saka lumiko papunta sa drive thru ng fastfood.

Mukhang na mukhaan sya ng cashier kasi panay ang ngiti at sa huli nakipag selfie pa sa kanya na pinagbigyan naman nya.

"Mag almusal kana." Abot nya ng mga orders.

"Thanks."

Inayos ko muna ang mga pagkain at inilagay sa side counter ng sasakyan nya para makuha nya agad saka ako nag ayos ng akin.

Naging smooth naman ang byahe namin, and almost four hours drive bago kami makarating sa location. Nakakatuwa lang yung mga nadaanan namin na lugar nakalibre gala pa ko.

Pagbaba namin halos nakaset up na lahat, pati yung tent kung saan kami pupwesto. Ang ganda ng lugar at punong puno ng flowers sa paligid pati yung landscape ang ganda.

"Sophia!" Tawag sakin ni Justin

Kausap lang naman nya yung ibang nasa production kaya bakit pa nya ako kailangan dun, pero syempre lumapit na lang din ako.

"Bakit?" Tanung ko sa kanya pero hindi sya bumaling ng tingin sakin kaya ngumiti na lang din ako sa ibang kausap nya.

"This is Sophia, assistant ni Liv, she will be the one handling the lighting technicals but hopefully wala nang masyadong adjustments kasi natural lights naman gamit natin." Pakilala nya sa akin kaya ngumiti na lang ulit ako.

Ang ganda talaga ng lugar, pero nakakasilaw sa liwanag sa sobrang tirik ng araw, nahihirapan tuloy ako tumingin mas ok pa dun sa tent eh.

"Wala kang cap?"
Boses ni Justin. Nanglingunin ko sya nakatingin na sya sa akin kita ko yun kahit naka sunglass pa sya.

"Wala. Di ko alam na tirik pala araw dito--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng hinubad nya ang baseball cap nya at sinuot sa akin.

"Anung ginagawa mo?" Pigil ko pero hinawi lang nya ang kamay ko.

"Baka matuyo utak mo mas magastos."

Kainis.

Di na ko nagmaganda pa kaya inayos ko na lang sa pagkakasuot, nakita ko naman na itinaas nya ang hood ng jacket nya para di sya mainitan.

"Bumalik kana dun." Utos nya saka naglakad palayo. Tatawag tawagin ako tapos aalis din pala. Dahil sa sobrang init na di ko matiis, bumalik na lang din talaga ako sa tent at inantay hanggang sa magsimula ang shoot.

Paroo't parito na naman ang lakad ni Justin, may mga time na nagpupunta rin ako sa location nya para mag adjust ng reflector saka lightings.

"What are you doing?" Mahina nyang bulong para di makuha sa mic kasi on take na.

"I'm adjusting. Di kasi maganda tama sa monitor." Sagot ko.

Ayaw ata maniwala kaya tiningnan pa sa tablet na hawak nya.

"See? Sabi ko sayo e di maganda." Ngisi ko sa kanya. Bumuntong hininga lang sya saka nag alis ng tingin sakin. Eto na naman sya sa pagiging suplado.

"Cut!" Sigaw nya kaya nagulat ako. "Sir Delfin, paayos po ng lighting sa kanan paiwas sa reflector." Utos nya.

Nakisilip din ako sa sa tablet nya, at oo nga. Tama sa kanan na ilaw ang may di magandang angle. Eto, bumaling na naman ng tingin sakin.

"Maling ilaw yung ginagalaw mo."seryoso nyang tingin sakin.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now