CHAPTER 11 - REVERIE

21 1 0
                                    

REVERIE
- state of being lost in your own thoughts.


SOPHIA

AFTER that day,
Mas lalo kong naintindihan si Justin

His facade of being the happy and smiling man na sobrang mahal na mahal ng lahat ay sobrang lalim na tao. But he never failed to be the happy pills for everyone.

Pero ramdam ko kung papaano nya kinocontrol ang sarili nya, ang totoong emotions nya.

"Good morning, Sophia! Andito ka ah. Anung meron?"
Bati sakin ni Stell pagkalabas ko ng elevator ng 1Z.

Tama, nasa 1Z ako ngayon.

Marami daw kasing ididiscuss si Justin at dahil kakatapos lang nya galing sa solo tours kaya sasamantalahin namin na makapagdiscuss ng face to face. Madalas kasi puro kami online meeting kasama si Ms. Xi Anne.

"Hi, Sir Stell." Bati ko. Ngumiti naman sya sa akin, ngiting pilyo.

"Alisin mo na yung Sir, Stell na lang."

"Ahm. Si..sige. Stell." Nakakahiya naman talaga kasi di naman kami close para mag first name basis.

"Ayan, mas ok." Grabe. Para naman akong matutunaw sa ngiti nya. Iba pala talaga pag kausap sila ng personal.

"Stell." Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya, and si Sir Yani pala na papunta sa amin ngayon.

"Hi Sir Yani." Una kong bati bago sya bumaling sakin.

"Oh. Hi, Sophia." Ngiti nya, kung si Justin may pagka cute na type, si Sir Yani naman yung pang matinee idol, yung tipong pag may nambully sayo tapos darating sya para iligtas ka. Ganun. Ang mysterious and serious type pa nya. Nakikita ko naman na sya dati sa school, pero sobrang dalang kasi varsity player sya unlike kay Justin na focus sa acad and club. Pero tingnan mo naman ngayon, magkasama pa rin silang magkapatid.

"Sophia.. ayos ka lang? Napako kana kakatitig kay Kuya Yani, pogi ba?" saka lang ako napatigil sa ginagawa ko nang tapikin ako ng mahina ni Stell. Nakakahiya.

"Oo.. I mean--Sorry.." nakakahiya talaga. For sure pulang pula na ang mukha ko. Si Stell naman tawa ng tawa.

"Nahiya tuloy Kuya Yani Hahahaha! Sorry daw!" Tawa nito ni Stell. Kung pwede lang magpalamon sa lupa.

"No, wala yun." Tapik sakin ni Sir Yani. "Kung si Sophia naman tititig sakin ng ganun, walang problema sakin."

Hoy.. umayos ka nga. Parang tanga to si Sir Yani.

"Hahahahaha! Naku Kuya Yani, pafall.." parang gusto ko lamunin sa lupa sa mga hirit ni Stell.

"Ewan ko sayo, Stell. Ayun nga, tawag ka ni Jay sa studio." Natatawang banggit ni Sir Yani.

"Ay, Hala! Oo nga nawala sa isip ko. Sige sige. Alis na ko. Sophia nice to see you here. Enjoy mo lang dito sa office." Ngiti ni Stell sa akin bago tuluyang nagpaalam. Parang gusto ko na nga lang din sya sundan.

"So.. ba't ka napunta dito?" Tanung ni Sir Yani. Di ko tuloy alam pano sya lilingunin.

"Ahm. Ano, nagpatawag ng meeting si Justin.."mahina kong sagot.

"Ganun ba? Pero, wala sya rito. Kakaalis lang nya kasama si Ken." Nagtatakang sambit ni Sir Yani. "Anyway, tatawagan ko na lang. For the meantime sa office kana muna mag antay sa kanya."

Nangiti na lang ako sa pagiging gentleman ni Sir Yani. Tulad nung una kaming nagmeet, sya din yung nag sorry in behalf of Justin.

"Tara?" Aya nya sakin.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now