Confess
- to admit.SOPHIA
IT'S been a week simula ng makabalik kami sa Manila kaya balik trabaho din.
Mas naging hectic ang schedule ni Justin kaya mas naging madalang kaming magkita. Naging kontento na lang din kami sa video chat or minsan simpleng 'good morning' and 'goodnight.'
"Hi Sophia." Bati sakin ni Ms. Irmay.
Nandito ako sa 1Z para dalhin yung mga hard copies na tapos na iedit sa studio. For finalization naman para sa magazine para sa isasama sa publishing.
"Hi Ms. Irmay." Ngiti ko pabalik.
I stay in the lounge area, di ko rin kasi ugaling mag gala o ikot ikot pag nandito ako sa 1Z.
"Sama ka sa akin sa studio, nandun yung boys para makita ka nila." Aya nya sa akin bago pindutin ang elevator.
"Di ba nakakahiya? Baka maabala natin sila sa practice--"
"Hindi yun. Tara. Wala pa naman si chief."
Mukhang di naman ako tatantanan neto eh "Ahm.. sige.."
Nakarating na kami sa studio pero kahit hindi pa man kami nakakapasok e rinig ko na yung dagundong ng sound and ingay sa practice nila.
I first saw Sir Yani na kausap yung ibang team na kumukuha ng behind the scene siguro kasama to sa documentary series nila.
He smile when I wave to him without cutting their discussion ng kausap nya.Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mga nagpapractice at nakita ko na rin sila Justin kasama ang iba na halos hingal na sa practice pero todo bigay pa rin.
Di ko tuloy mapigilan di mangiti seeing him enjoying the dance and choreo, magaling din talaga sya sumayaw.
He smiled from the mirror when he saw me kaya nangiti na lang din ako.
"Nandito ka pala?" Si Sir Yani. Natapos na pala sila sa pinag uusapan nila kaya lumapit sya sa akin.
"Ahm. Yes Sir. Dala ko na yung hardcopies. Gusto kasi ipacheck ni Ms. Liv sa inyo kung alin yung ipapasa sa editorial."
"Ah ganun ba? Ok lang sayo sa office na tayo mag usap?" Tanung nya sa akin.
"Ok po. Maingay din dito para magdiscuss." Ngiti ko.
"Alright. Tara." Kuha nya ng envelope sa akin saka tumalikod papunta sa pinto.
Tumingin muna ako ulit kay Justin na mukhang kanina pa din nakamasid. I give him signal na aalis na ko kaya tumango at ngumiti sya sa akin giving me a hand signal na tatawag sya.
"So, let me see..." Sinumulan na buksan ni Sir Yani yung folder kaya naupo na rin ako sa gilid na swivel chair.
"Ang galing talaga kumuha ni Liv." Usisa nya sa bawat pictures, totoo. Kung ako nga halos walang tapos sa mga kuha nya e. Pero hindi naman pwede ilagay tong lahat.
"Sinabi nyo pa. Pareho sila ni Justin.." naalala ko tuloy yung sa white house nya, ang gaganda ng kuha.
Napatigil saglit si Sir Yani saka tumingin sa akin,
may nasabi ba ako?
Para na naman akong malulunod sa tingin nya."You really admire Jah a lot."
Ano ba to, parang naiwang nakabukas ang bibig ko.
Totoo naman eh, pero masyado bang obvious?"Ahm." Di ko tuloy alam anong isasagot ko.
"Totoo naman. Kung hindi idol si Justin, for sure magsusucceed din sya sa film or photography." Ngiti nya saka muling binaling ang tingin sa pictures.
YOU ARE READING
FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTIN
FanfictionHow can I turn away from my past love when I know she has suffered for so long without me by her side, and hurt someone whom my heart is choosing to be with? - Justin I was here first, and I still love him. So many years were lost that I could have...