CHAPTER 18 - CONFIDE

16 4 0
                                    

Confide
- to entrust.





SOPHIA

HE likes me.


And it's still like a dream,
Dati sa mundo ko lang,
Ngayon totoo na.



'Mag ingat ka. Magkita tayo pagbalik ko.'
- Justin





Ang saya pala na gusto ka ng taong matagal mo ng gusto. Dati kasi alam kong imposible dahil alam ko at nakita ko kung gaano sya kasaya at gaano nya kamahal si Samantha.

Pero ngayon,

Ako na muna.


"Surprise!!!! I'm here!!"

Pero papaano ko gagawin yun, kung yung nakaraan nya nandito sa harap ko ngayon.

"Sam?"

Kumunot ang noo nya at binaba ang dalawa nyang kamay na kanina pa nakaangat para ipakita ang mga dala dala nya.

"Ano ba yan? Ba't parang di ka masaya na makita ako?" Lungkot sa mukha nya

Saka ko lang naalala ngumiti,
Sam never do me bad, napakabuti nya sa akin kahit dati at hanggang ngayon. Kahit basahin pa ng sino sng puso ko wala akong masamang bagay para sa kanya, dahil mahal ko si Sam.

"No-- of course not. Nagulat lang ako." Ngiti ko sabay hawak sa braso nya para papasukin sya sa unit ko.

Hindi kasi natuloy yung huli naming balak na pagkikita kasi meron syang inasikaso, hindi ko naman na tinanung kung ano basta ang alam ko nakabalik na galing US sina Tita Dahlia at Tito Ramir.






"Can I stay here with you?" Seryosong sambit ni Sam.

Kakatapos lang din namin kumain at magkwentuhan eh kaya eto pareho kaming nakahilata sa kama habang ako nag ssketch pa sa tablet ko.

"Yes, you can sleep here tonight. Bukas kana umuwi."
Mabilis kong sagot kasi wala naman talagang problema sa akin yun e.

"No. What I mean is, kung pwede dito na ako sayo." Gulong nya sa kama paharap sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya. As in? Seryoso ba sya?

"Dito? Sa akin? You mean you stay here?"

Tango nya, "yeah."

"E pano sila tito at tita e kararating lang nila, saka di ba nakalipat na kayo sa bago nyong bahay? Ok na ulit yung negosyo nyo?"

Bumangon naman sya at sumiksik sa gilid ko, just like the usual na ginagawa nya dati.

"Eeei.. e pano mag isa lang ako dun. Saka, ikukulong lang nila ako sa bahay just like sa US.. unless samahan mo ko dun sa bahay dun kana din tumira."

Living with them?
Parang malabo ata yun.. babalik lang lahat ng nangyari sa akin. Saka kung sakali man, baka maalala ko lang na inabandona nila ako pagkatapos nila ako kunin sa probinsya.

"No. Ok na ko sa pagiging independent."

"Yeah. I know. And I also want to be like you. Yung walang kumokontrol sa mga gusto mo, nagagawa mo lahat.. and I really envy you, you know." Yakap nya sa braso ko.

Imbis na sumagot, mas pinili ko na lang makinig sa kanya.

"Nung nasa US ako para akong preso.. All I did was to obey them. Kaya gusto ko ngayon na ok na ko, I want to be free."

Naramdaman ko ang lungkot sa bawat salita nya. Kung ako walang kasamang magulang pero hindi rin naman ako naging malaya, ganun din sya.

Hinawakan ko ang isa nyang kamay na nakayakap sa akin, naiintindihan ko sya.. sobra.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now