CHAPTER 20 - INDELIBLE

11 2 0
                                    

Indelible
  - impossible to erase or forget





JUSTIN

WE'RE here sa isang shoot na kung saan ako ang kinuhang head creative director at syempre kasama ko si Sophia, ilang araw din mula ng magkasama kami kaya masaya ako na makita at makasama sya ulit kahit na may mga tanung sa isip ko na pinilit ko na lang alisin. Dahil sa ngayon para sa akin mas mahalaga na kasama ko sya.

And, I'm not sure if si Sam nga ba yun, at kung si Sam man dapat matagal nang sinabi sakin ni Sophia.
Sa tingin ko.



"Pack up na tayo! Congrats guys!"





After the long day..
Eto ang pinakamasarap na marinig.


Nakita ko naman na busy na rin magligpit ng gamit Sophia kaya nilapitan ko na sya para tulungan sa ginagawa nya.

"Ako na jan." Kuha ko sa kanya ng box.

"Wag na. Pagod kana, kaya ko na to." Ayaw pa nyang ibigay. Tsk. Kelan ko ba sya pinagbuhat? E keso nga bottled water ako nagbibitbit para sa kanya.


"Wag ka na ngang makulit. Ako na." Bawi ko ng box saka tumalikod at lumakad papunta sa dala naming sasakyan.

Wala naman syang nagawa eh, kaya sumunod na lang sa akin. Kahit pa ano yun, ayoko syang makitang nahihirapan.

Bumyahe na kami pauwi after namin mag paalam dahil marami pa rin kaming gagawin kinabukasan sa mga trabaho namin.


"How's your portfolio?" Tanung ko.



"Wala pa sa kalahati.. di ko nga alam kung matatapos ko yun." Simangot nya.



"Kailangan mong matapos.." sagot ko sabay abot sa kanya ng invitation.


Nakakunot nuo nyang inabot sakin, I cant control myself from smiling pag ganito sya. Parang bata..


"Ano to?"

"Open it." Ngiti ko.


Halos lumuwa ang mata nya ng makita ang laman ng envelope. It was the event I told her before and I invited her as my guest.



Asian Artists and Media Convention Gala



"For real?" Tanung nya na di pa rin makapaniwala sa nakikita nya.


"Yeah. That's your invitation. Kaya dapat matapos mo yung portfolio mo para di masayang yung punta natin dun."

It's her chance to showcase her talents.
Kasama din ang SB19 as we'll be receiving our award as Ambassadors kaya gusto ko syang makapunta para na din sa ganun matulungan ko sya sa pangarap nya.


"Justin, hindi ba parang sobra to? Saka nakakahiya.." maybe she's seeing now the list of respective and wellknowned artists na invited din for that event kaya mas lalo syang kinabahan.


Pinark ko ang sasakyan sa tapat ng building nya saka sya hinarap.

"Bakit naman? Di ba sabi ko sayo I'll invite you. Eto na yun, kaya galingan mo. Gusto ko ibigay mo ang best mo para sa gabing yan.. magaling ka kaya, kailangan mo lang ng kunting tulak.." Hawak ko sa kamay nya para palakasin ang loob nya, just how she always does pag ako ang pinanghihinaan.

"Tingin mo kaya ko? Baka di nila magustuhan ang gawa ko.." Bakas na kaba sa mukha nya.

"Of course.." ngiti ko, "the best ka kaya. And if not, ok lang yun, it's part of the learning process. Hindi naman sa lahat ng oras magugustuhan ng tao ang inooffer natin, tulad namin before. Pero meron at merong makakaappreciate ng gawa mo, I'm sure and I am one of them."

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now