CHAPTER 16 - CYNEFIN

18 3 0
                                    

Cynefin
- a place that feels like home




SOPHIA



3RD DAY dito sa Benguet for the shoot kaya maaga pa lang nagbyahe na kami papunta sa location for the layout.

Maaga din ako natutulog bukod sa hindi naman kami nagkakausap ni Justin. Di ko nga alam bakit hindi man lang sya lumapit sa akin.
Nanjan lang sya na halos magkalapit lang kami pero ni bagsakan ako ng tingin, hindi nya ginagawa.

Ang dami ko pa naman nang iniimagine na pagkukwentuhan namin pero walang nangyari.

"Bakit ang lungkot ng beshy ko?" Si Stell. Nakabihis na rin sya para sa shoot.

Nandito lang kasi ako sa tent nakaupo habang nagbabantay ng mga gamit ni Ms. Liv. Gusto ko man makipaghalubilo sa kanila may trabaho pa rin ako.

"Hi, Stell." Ngiti ko "You look good."

"Ngayon lang?" Hirit nya saka naupo sa tabi ko.

"Ah.. lagi naman.." Ang awkward naman. Napalinga naman ako, wala naman kasing rason para pumunta sya dito.

"Ano palang ginagawa mo dito, Stell?"

"Grabe? Masama ka bang lapitan at tabihan?" Taas kilay nya sakin, naku mukhang legit na pagiging A'tin ko kasi natarayan na ko ni Junard..

"Hindi.. ano kasi.." parang lalo akong nahiya. Totoo nga naman, may karapatan naman sya at silang pumunta kahit saan.

"Joke lang. Kamusta ka naman?"

"Ok naman.. masaya, enjoy, kaya thankful ako kay Ms. Liv na naeexperience ko to, and also for Justin." Halos sumabit ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan nya.

"Gusto mo ba sa 1Z kana magtrabaho para lagi mo kaming kasama? Si Justin, Si Kuya Yani...."

"Ah. Hindi na, saka baka di ko kayanin yung pressure kay Sir Pablo. And masaya ako sa amo ko.."
Totoo. Kay Justin pa nga lang na ang higpit na e.
Ok na ko.

"Grabe ka naman kay Pablo hahahahaha! Sabagay, si Liv naman ang reyna ni Pablo kaya ayos na dun ka na lang." Tawa nya kaya natawa na lang din ako.

"So bakit ka nga andito?.." di ko pa rin talaga sya tatantanan.

"Wala lang, grabe ka ah. Gusto ko lang naman mafeel yung nafefeel ng magkapatid kasama ka."
Pabulong nyang sabi pero narinig ko naman.

"Nafefeel?"

"Wala. Basta." Iling nya sabay gulo ng buhok ko. Lagi na lang nila ginagawa to. Para naman akong bata.

"Stell! Queueing na!" Tawag ni Ms. Leah, kaya tumayo na din sya para magpaalam at tumakbo papunta sa kabilang tent.

Gusto ko naman silang lahat maging close, pero as a fan and employee, I know my limits.

Hinanap ng mata ko kung nasan si Justin, nandun sya kasama si Josh at Ken naghahanda for the shoot na rin, mukhang sila ang unang sasalang din.
Seeing him laughing and smilingkahit hindi naman para sa akin natutuwa na rin akong tingnan..


Ganun lang maghapon ang ginawa ko, magbantay ng gamit, mag abot ng kailangan ni Ms. Liv at maupo ulit hanggang sa matapos ang shoot at makabalik kami sa resort.

Ang lungkot ko, wala man lang Justin na lumapit sa akin mag hapon.




"Tara, Sophia baba tayo sa function room nandun silang lahat." Aya sa akin ni Vien na nakaporma na, mukhang makikipagdamagan pa to ng inuman.

FADED CANVAS OF MELODIES || SB19_JUSTINWhere stories live. Discover now