Chapter Five

254K 5.4K 164
                                    

CHAPTER FIVE

Nagising si Agatha na nakahilig sa matipunong dibdib ng asawa.

Asawa. Nakakapanibago.

Tumingala siya at nasalubong ang guwapong mukha ni Reeve.

"Good morning, sweetheart," narinig niyang bati nito sa kanya. He kissed her hair, forehead and nose.

Agatha smiled. Ito ang unang araw nila ni Reeve bilang mag-asawa. Masaya sa pakiramdam na nasa mga bisig siya nito sa paggising niya sa umagang iyon.

"Agatha..." he huskily whispered before kissing her fully on the lips. Pumaibabaw ito sa kanya.

"Tinulugan mo ko kagabi," nakangising sabi nito.

She bit her lower lip, "Sorry."

Tinignan siya nito diretso sa mga mata. "Kailangan mong bumawi."

Napasinghap siya. Namula rin ata ang buong pisngi niya. "N-Now? This e-early morning?" Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. She's nervous... and excited about doing "it" now.

He playfully grinned and nodded. Masuyong kinuha nito ang kanyang kamay at hinalikan iyon, paakyat sa kanyang palapulsuhan, braso, balikat papunta sa pinakasensitibong parte ng kanyang leeg. Naramdaman niya ang hininga nito sa kanyang balat.

Napaungol siya dahil sa sensasyong dulot niyon sa kanyang buong katawan. He crooked her head to the other side to give him more way for his kisses. Then his lips kissed her jaws and cheeks up to her ear.

She giggled, nang makiliti siya sa ginagawa nito. He's kissing and softly biting her earlobe.

"It tickles," aniya na parang bata.

He lightly laughed. "Where do you want me to start, sweetheart?"

Reeve started to kiss her all over. And for the following moments, her husband branded her--like Reeve has always wanted to do since they met. That morning, they fully consummated their marriage.

***

MASUYONG ginawaran ng halik ni Agatha ang noo nang natutulog niyang asawa. Malapit nang magtanghalian ngunit hindi pa rin sila bumabangon.

Earlier was so wonderful. Sinong maysabi na ang honeymoon ay sa gabi lamang?

Napangiti siya sa naisip. Tinitigan niya ang nahihimbing na si Reeve.

He's so gentle while making love to her. He made her first time so great.

Ngunit, mananatili ang katotohanang hindi siya nito mahal. They're lusting over each other before they get married. At ngayon ngang kasal na sila, alam niyang mas magagawa na nito ang mga gusto nitong gawin sa kanya. Napuno ng magkasabay na excitement at lungkot ang kanyang dibdib.

Excitement para sa mga darating pang pagkakataon na katulad kanina. Lungkot para sa kaisipan kung kailan siya nito matutunang mahalin.

Pinalakas niya ang loob. Darating ang panahon na iyon, alam niya. Lalo na at mag-asawa na sila, mayroon silang napakahabang oras na magkasama.

Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Bago siya bumaba ng kama ay muli niyang hinalikan sa noo si Reeve at bumulong ng, "I love you". Pagkuwa'y dumiretso siya sa banyo at naligo.

After 10 minutes ay bigla niyang naalala na wala pa ang mga bagahe niya. Pansamantala munang bathrobe ang kanyang susuotin. Tutal, silang dalawa lang naman ni Reeve sa unit nito.

Pagkalabas niya ng banyo ay inayos niya ang mga damit nila ni Reeve na nakakalat sa paanan ng kama. Nakagat niya ang mga labi at medyo namula nang maalala ang nangyari kaninang umaga.

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon