CHAPTER TWENTY-FIVE
"COFFEE?"
Mula sa pagtutok sa laptop nito, nag-angat si Reeve ng tingin nang marinig siya.
"Agatha? What are you doing here?" nagtataka ngunit nakangiting tanong nito. Tumayo ito mula sa swivel chair at lumapit sa kanya.
"Visiting you," malambing na sabi niya. Sinalubong niya ito at dinampian siya nito ng halik sa mga labi. "I just got bored sa bahay kaya naisipan 'kong pumunta dito sa office mo. Am I bothering you?"
Umiling ito. "No. I'm glad you're here. Medyo tinatamad na rin ako sa ginagawa ko ngayon."
"You take a break, first." Inangat niya ang dalang Starbucks cup na may black coffee at isang paper bag na may lamang cheesecake.
Kinuha nito ang mga iyon at saka siya giniya paupo sa visitors' couch sa loob ng opisina nito. Pinatong nito ang mga dala sa center table at saka ito umupo sa pang-isahang couch. Siya naman ay kumandong dito ng patagilid. Tila nagulat ito sa ginawa niya ngunit yumapos ang mga braso nito sa kanyang baywang maya-maya. Siya naman ay yumakap sa leeg nito.
"I miss you," she sweetly said. "Hindi tayo nagkita kahapon at saka kanina."
"Late ka na kasing nagising kahapon at ngayon tapos maaga ka namang natulog kagabi. Talagang hindi tayo magkikita." Inabot nito ang cup ng kape at uminom doon.
"Nasanay siguro ang katawan ko na laging natutulog ng maaga kahit walang pasok." Pero nagtataka siya kung bakit lagi siyang late kung magising.Siguro kasi relax na rin ang katawan niya na wala naman nang pasok kaya naman napapahaba ang mga tulog niya.
Inabot niya ang paperbag at siya na ang naglabas ng cheesecake mula roon at isang plastic fork. Binuksan niya ang lalagyanan ng cheesecake. She forked a part at sinubuan ito.
"Sweet," komento nito.
"What's sweet?"
"The cheesecake and you," sabay halik sa mga labi niya.
She chuckled. "Ikaw, ah. Halik ka ng halik."
"Kung puwede nga lang, ikaw na merienda ko," nakangising sabi nito.
Namula siya. "Reeve naman, eh..." nahihiyang sabi niya. "Kumain ka na nga lang." Umalis na siya sa pagkakandong dito at inabot ang cheesecake at tinidor dito.
Natatawang nilapag nito ang kape at kinuha ang mga inabot niya. She seated on the other couch right next to his.
"O, ang ganda-ganda na ng puwesto mo umalis ka pa."
Ngumiti siya. "Para makakain ka ng maayos."
Nagkibit-balikat lang ito at saka nagpatuloy sa pagkain. "Wait, ayaw mong kumain?"
"Kakakain ko lang bago ako pumunta dito. So, I'm really full."
Nilibot niya ang tingin sa buong opisina nito. Katulad pa rin iyon na black and white ang dominant colors. Pero may nag-iba. Wala namang nadagdag na kung anuman, so it must be because of Reeve's new aura.
Hindi na kasi ito mukhang cold-distant-mysterious-snob executive na tingin ng lahat dito dati. He shared already his warmest smiles to everyone. Nabalitaan niya kasi mula sa pinsan niyang si Kuya Dylan na lahat daw ng tao sa Andersons ay nagustuhan agad ang personality ni Reeve. Nagtatrabaho kasi ang pinsan niyang iyon ngayon sa Anderson-Monteverde bilang VP at COO. Minsan rin ay naka-usap niya si Elisa, Reeve's office secretary. Mabait naman daw talaga si Reeve dati pa ngunit lagi kasing seryoso at no-nonsense ang pinapakita nito sa lahat ng tao. Hindi daw katulad ngayon na lagi itong nakatawa at nakangiti. Mas naging mukhang approachable ito. Lahat nga daw yata ng mga babaeng empleyado nito ay gustung-gustong tumili at mahimatay sa tuwing mangingitian ng mga ito ni Reeve.
![](https://img.wattpad.com/cover/5554077-288-k25691.jpg)
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...