CHAPTER TWENTY-SEVEN
REEVE WAS silently sitting on a high stool at the bar counter of his father's house while drinking whiskey. Sa bahay ng Papa niya siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Agatha sa party ni Ma'am Salvador.
He messed up that night. Agatha was angry with him because of his damn insecurities and doubts in life!
Pero paano ba kasing hindi siya magseselos kung makikita niya ang asawa na may kasamang iba habang wala siya sa bansa? Paanong hindi siya magagalit nang malamang masaya itong kasama ang iba habang siya ay alalang-alala rito dahil hindi niya ito makontak ng sunud-sunod na araw habang nasa Hong Kong siya? Pagkatapos ay makikita niya ito sa labas habang yakap-yakap ang lalakeng iyon? At malay niya ba na kapatid pala nito si Johann sa ama? She never told him about it. Kung sinabi ba iyon ni Agatha, magagalit siya ng ganoon?
The issue was... you doubted her, accused her... You didn't let her explain to you everything. See, how you hurt her?bulong ng konsensya niya.
Napalagok siya ng alak at nilagyan ulit ng laman ang kanyang baso pagkatapos.
He was just so scared that Agatha might be happy with someone else and leave him. Inatake siya ng pagiging paranoid niya dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya noon ng kanyang ina at ni Lana. Ngayon na lang siya nagmahal uli nang mas matindi pa noon, kaya naman nag-iingat na siya ng sobra na hindi siya iwan ng asawa.
Pero anong ginawa niya? Pinairal niya ang galit at nasaktan ang babaeng mahal niya. Ngayon, nilayuan na siya nito.
At nagulat pa siya nang itanong nito sa kanya kung minahal niya lang ba ito dahil nakikita niya si Lana dito. How could she think of that? Ganun ba siya kababaw para maging rason kung bakit nahulog ang loob niya rito? Ang mali pa sa kanya ay hindi niya nasabi ang mga iyon rito.
Damn him!
Kinuha niya mula sa bulsa ang wedding ring ni Agatha. He grasped his hands tightly and fought back the tears in his eyes.
He wanted Agatha back. But he'll just continue to hurt her because of his anxieties in life. Tuluyan nang naubusan ng pasensya sa kanya ang asawa. Kung magpapatuloy siyang ganoon at balikan siya ni Agatha, lagi niya lang mauubos ang pasensya nito at talagang mapapagod ito sa kanya.
He wanted to fight back with his monsters. But, unlike with Lana's and Prince's, the monster he had to face was much bigger. Hindi pa rin siya handang makipag-usap sa ina.
Ano na bang gagawin niya?
Nabato niya ang basong hawak dahil sa frustration na nararamdaman at nagkapira-piraso iyon sa sahig.
"Damn it!" sigaw niya.
"Reeve." Boses iyon ng kanyang ama.
"What?" tinatamad na wika niya na hindi ito nililingon.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at ang pagtabi nito sa upuan na kasunod ng kanya.
"Won't you go home to your wife?" tanong nito.
"My wife hates me," he bitterly said. Kumuha muli siya ng bagong basa sa ibabaw ng counter at nagsalin ulit ng whiskey doon. Inisang lagok niya iyon at muling nagsalin. Bakit ba hindi siya malasing-lasing at nang makalimutan niya muna ang lahat?
"Why?" tila nagulat na tanong nito.
"Because I did something that made her upset."
"And why did you do that?"
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...