CHAPTER FOUR
Unang beses na nakita ni Agatha si Reeve ay noong nakatanggap ng magkaparehong award ang Anderson Auberge at Monteverde Hotel bilang Philippines Number One Five-Star Hotel.
And after that, lagi niya nang sinusubaybayan ito. Bawat balita tungkol sa negosyo ng mga ito ay tinututukan niya. Meron din siyang tatlong business magazines kung saan ito ang nasa cover at may exclusive interviews ito sa loob niyon.
Nalaman niya pang parehas sila ng pinasukang school noong elementary at highschool.
Doon niya naalala na ito ang binatang noon pa man ay crush niya na. Grade five siya noon habang fourth year highschool na ito. Hindi niya alam ang pangalan ngunit totoong hinahangaan niya.
Nang dahil sa mga mata nito kaya't nakilala niya ito...
Ang Gradeschool at Highschool department ay isang mababang bakod lang ang pagitan.
Nakikipaglaro ng habulan si Agatha sa mga kaklase niya sa school grounds. Uwian na ngunit wala pa ang kanyang sundo kaya nakipaglaro muna siya sa mga classmates niyang kagaya niya'y wala pa ring mga sundo.
Nagkayayaan silang maghabulan.
Naka-uniform pa siya at pawis na pawis na kakatakbo ngunit hindi pa rin siya tumigil. Masaya siya kahit hinihingal na siya. Wala kasi siyang kapatid sa bahay tapos yung mga pinsan niya namang lalake, ayaw makipaglaro ng habulan sa kanya dahil baka daw madapa siya at masaktan.
Hinahabol siya ng isa niyang classmate na taya. Tumatawa siya habang tumatakbo. Pero hinding hindi siya magpapahuli rito. Tumakbo pa siya ng mas mabilis hanggang sa namalayan niya na lang na may bola ng soccer ang tatama sa kanya.
Napahinto siya at hinarang ang dalawang kamay sa mukha.
Ngunit ang lakas pa rin ng pagtama niyon sa kanya. Napatili siya nang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa madamong lupa.
"Darn! I'm so sorry." Naramdaman niyang may tumulong sa kanyang makatayo. Nakaharang pa rin ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha.
"I'm so sorry, little girl. Nawala sa direksyon ang sipa ko. Are you okay?" Masuyong tanong pa sa kanya ng may responsable sa soccer ball na tumama sa kanya.
Inalis niya na ang mga kamay sa braso at kinapa ang dibdib. Doon kasi tumama ang bola.
"Ouch," daing niya.
"Sa dibdib ka ba tinamaan?"
Tumingala siya at ganoon na lang ang pagsinghap niya nang mabistahan ang mukha nito! He's too handsome for her!
"I'm really sorry..." sincere na paghingi nito ng tawad.
Maganda ang mga mata nito. Ordinaryong itim ang kulay pero may kakaiba...
"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
Umiling siya. "I-I'm fine..."
"Are you sure? Nakita kong natumba ka. Sa'n ka ba tinamaan?"
Mukhang natamaan siya sa puso. Ang lakas pa ng pagkabog niyon. "Ahm.."
Hinawakan pa siya nito sa magkabilang balikat. Napatingala pa siya lalo dahil di hamak na mas matangkad talaga ito sa kanya. "Dalhin na kaya kita sa clinic?"
"Agatha! Agatha!"
Napalingon siya. Tumatakbo palapit sa kanya ang mga kalaro niya.
"Kuya, anong nangyari?" tanong ng taya kanina sa lalake.
"Namali kasi ako ng direksyon sa pagsipa sa bola. Natamaan siya."
"Agatha, okay ka lang?"
Tumango lang siya. Nawal na rin kasi ang sakit doon sa dibdib niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5554077-288-k25691.jpg)
BINABASA MO ANG
Wifely Duties - Published by PHR
RomanceAgatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpapakasal sa kanila, she'll gladly give her wifely duties to him. Kahit hindi pa siya mahal nito...