Chapter Fourteen

367K 6K 729
                                    

CHAPTER FOURTEEN


"ALLANA ROSE."

Natigil sa pag-iisip si Lana nang marinig niya ang kanyang pangalan. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Prince. Nasa Mactan International Airport sila at hinihintay ang flight nila pauwing Manila.

"Okay ka lang ba? Are you feeling bad?" nag-aalalang sabi nito.

Umiling siya. "I'm okay, Prince. May naalala lang ako."

Tumangu-tango ito. "We were not going to give up on Reeve, right? Hihintayin lang natin na makauwi sila ng Manila. Let's try to talk to him again."

Napabuga siya ng hangin at sinapo ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha. "This was all my fault! Ang tanga ko para isipin na katulad pa rin si Reeve dati at single pa rin siya," nagsisising wika niya.

The night that she prepared something  sa bathtub ng banyo nila Reeve sa may penthouse ng hotel nito, is also the night she wanted to say everything to him. But he was so cold to her, na kung ano na namang kasinungalingan ang nasabi niya. Sinabi niya na "hiwalay" na sila ni Prince, where in fact, Prince and her never had any romantic relationship. Kahit kailan ay hindi sila naging magkarelasyon ni Prince. Pero hindi niya alam kung bakit ganoon ang mga sinabi niya. Marahil ay nataranta siya sa naging reaksyon nito nang makita siyang muli. Inaasahan niya na galit pa ito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan ang pagtaboy nito sa kanya dahil... dahil may asawa na ito.

She was so late. Ang tanging lalaking minahal niya ay hindi na muling magiging kanya kahit kailan.

Inakbayan siya ni Prince. "No, Lana. It's not your fault. Hindi naman natin parehong alam na kinasal na pala siya."

Napabuntong-hininga siya at sumandig sa balikat nito. "What's the use of telling him all the truth after twelve years? He can never be mine, again."

"Lana, we need his forgiveness. And... I miss my bestfriend." He exhaled. "I'm still hoping that if he knew about the truth, we can be friends again..."

"I'm so sorry, Prince. Dinamay na naman kita. I'm so selfish! Hindi ko na inisip ang pagkakaibigan niyo na s-sinira ko."

From the start, sobrang nagsisisi na siya sa mga maling desisyon at baluktot na mga kasinungalingan niya. Kahit ang inosente na si Prince ay nawalan ng isang matalik na kaibigan.

Hindi naman kasi niya akalain na makakatawid siya sa pinakamadilim na parte ng buhay niya.

"Lana, stop blaming yourself. Wala na iyon. Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na natin mababalik ang mga oras ng nakaraan. Hinayaan ko lang rin naman na mangyari iyon. Hindi ako nagsalita. Ang tanging paraan na magagawa natin ngayon ay ang pagkausap kay Reeve. Let's get a proper timing. Dapat ma-convince si Reeve na kailangan niya talaga tayong pakinggan," mahinahong sabi nito.

Tumango siya. "We must get help from others. 'Yung malapit kay Reeve."

"Si Agatha."

She felt a pinch in her heart upon hearing the name of Reeve's wife. Masakit man ay wala na siyang magagawa sa katotohanang kasal na ang lalaking pinakamamahal.

"A-Agatha's nice. Sana pakinggan niya tayo kapag nakipag-usap tayo sa kanya. Panigurado, pinagsabihan na siya ni Reeve na lumayo sa'tin," sabi niya.

"You know, parang magkahawig kayo ni Agatha. Sa mata lang kayo nagkaiba," komento ni Prince. "Pati ang natural curl sa dulo ng buhok niyo, kuhang-kuha."

Naalala niya ang unang pagkakakilala nila ni Agatha. They were almost have the same outfit and they do could pass as twins. Pero malaking factor pa rin ang pagkakaiba ng mga mata nila.

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon