Chapter Seventeen

348K 5.6K 502
                                    

CHAPTER SEVENTEEN


AGATHA AND Trisha were staying at the university's garden. May isa kasi silang subject na absent ang prof kaya naman nagkaroon sila ng unexpected freetime. They were sitting on the grass under a tree.

"So, kumusta na kayo ni Reeve?" tanong sa kanya ni Trisha.

Napangiti siya ng maalala ang asawa. Mahigit isang buwan na ang matuling lumipas mula nangmag-open up sa kanya ang asawa nang nasa kotse sila. "We're building a friendship. Every Saturday night and the whole Sunday lang kami nakakapag-bonding, but, alam mo naman that we share phone calls every lunchbreaks. Mas open na siya sa'kin sa mga bagay tungkol sa buhay niya, sa nakaraan... We're doing very well."

"Psh. Pa-friendship-friendship pa kayong dalawa. Mag-asawa na nga kayo, eh."

Natawa siya. "Of course that's needed. Our marriage would work out if we would not be just partners but friends. Also, ibig sabihin din niyon, Reeve was trusting again. His trusting me. Mas maganda naman iyon, diba?"

Although from the start ay pranka na talaga si Reeve, still, he was more open up in things that she need or not to know about him.

Napatangu-tango ito. "Well, may point ka naman diyan. You're on a mission nga pala for the love of your life."

She smiled and tried to change their topic. "Trish, napapansin ko na lagi na lang ang marriage namin ni Reeve ang pinagku-kuwentuhan natin. Nakakalimutan kong kumustahin ka."

"Kumustahin? Eh, nagkikita naman tayo araw-araw?"

"No. You know exactly what I'm talking about," sabi niya rito. She looked at her friend in the eyes. "After four years, can we talk about again the guy who broke your... heart?"

Nag-make face ito. "Agatha, kinuwento ko naman na sa'yo four years ago kung anong nangyari sa European cruise ko, diba? Tapos na iyon. Past na," tila umiiwas na sagot nito.

Four years ago, after they graduated from their first course, niregluhan si Trisha ng parents nito ng all-expensed paid European cruise. Ito lang mag-isa ang nag-cruise upang ma-practice daw nito ang pagiging independent. One whole month na nasa Europe ito dahil kasama iyon sa package ng cruise nito. Pumunta si Trisha sa Europe nang masayang-masaya. Naglo-long distance pa nga ito sa kanya noon para ma-kuwento ang mga activities na ginagawa nito doon araw-araw. She seemed so happy. Pero pagbalik nito ng Pilipinas, sobrang lungkot nito at parang namatayan.

The reason was that, Trisha fell in love with a guy she met at the cruise. Pilipino rin daw ang lalake kaya agad nagkasundo ang mga ito. Magkasama ang mga ito sa paglilibot ng buong Europe. Trisha knew that there were in love with each other. Pero bigla na lang nawala ang lalake pagkatapos may mangyari dito at sa kaibigan niya.

Trisha wouldn't tell her the name of the guy. Hindi niya na daw kailangang malaman at kakalimutan na lang rin daw nito ang nangyari. But since then, Trisha was never like before. Lagi niyang mapapansin ang lungkot sa mga mata nito. Even if she's happy, Agatha knew that her friend would be happier if the guy didn't break Trisha's heart. Simula din niyon ay hindi na muling nagka-boyfriend ang kaibigan niya.

Tinitigan niya ito ng nang mas mataman. "Hindi ka pa nakaka-move on, right?"

Tumaas ang kilay nito. "Ako? Hindi pa nakaka-move on?" Sarkastikong tumawa nito. "Oh come on, Agatha! That's four years ago. Siyempre, okay na'ko. Mas bata pa 'ko noon kaya mukha akong suicidal nang mangyari iyon. But believe me, naka-move on na talaga ako," tuluy-tuloy na sabi nito.

"Ahhh... So, can you tell me his name, already?"

"No." nakasimangot na sagot nito. Tumingin ito sa wristwatch nito. "Oh my! Wala na pala tayong next class, ano? Uuwi na pala ako," mabilis nitong kinuha ang bag at tumayo. "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?"

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon